Chapter 13: Unknown Cave

3 0 0
                                    

Tax: Sum, mauna ka na! Subtract, magpalit tayo ulit!

Unang pumasok sa butas si Sum at nasa pinto na ulit ngayon si Tax. Si Subtract pumasok na rin sa butas.

Eon: Bro, ayaw magising nung babae, anong gagawin natin?

Tax: A5, dito ka na muna sa pinto! Eon, pumasok ka na rin sa butas, para may sasalo samin mamaya pagbaba.

Eon: Paano kayo?

"Kaya na namin dito--argh! Mauna ka na lang Eon." Sabi ko na lang.

Habang tumatagal pahirap ng pahirap ang pakikipag laban ko sa mga blood suckers. Palipat lipat ako ng pwesto, pupunta ako sa bintana tapos babalik sa pinto! Pero nakaka asar, hindi sila nauubos!!

Patagal ng patagal lumiliit yung space ko sa pagitan namin ng mga lamok at papalapit na ako sa kama.

Naasar at nagtaka ako nung nakita kong nakatitig lang si Tax sa mukha ng babae.

"Walangya naman! Bat mo sya tinititigan?! Gisingin mo na sya Tax!"

Tax: Kailangan na nating umalis. Iwanan na natin sya dito.

"A-ano?! Paano na si-- takte aray!" Bigla ba naman nya akong hilain at itulak papunta sa butas. Tapos nag slide ako bigla pababa. Nakita ko naman syang tumalon kasama ng takip at nasa likod ko padulas na rin.

"Baaakit mooo siiya iniiiwaaan haaa?"

Tax: Mamaya na ako magpapaliwanag.

Hanggang sa nakita ko na sa baba sina Subtract, Sum at Eon. Sakto naman at nasalo ako ni Eon. Si Tax naman? Hmm?

Tax: Aray ko sht. Bat di mo ko sinalo bro?!

Eon: Dalawa lang ang kamay ko at isa lang ang masasalo ko!

Subtract: Teka, nasaan po yung babae?

"Oo nga pala, bat mo siya iniwan?!"

Paano niya nagawang iwan ang kasamahan niya? Paano niya magawang mang iwan ng babaeng mahal na mahal siya? Joke, di naman mahal ni babae si Tax eh. Hindi nga ba?

Lagi kasing nakatitig yung babae kay Tax simula nung napasok rin siya dito eh. Nung binababa namin sya, yung pagbukas ng scroll, pati na yung pagtitingin ng mga pinto sa mansion, nakatitig sya noon kay Tax.

Tax: Pwede bang kumalma kayo? May rason ako kung bakit ko ginawa yun.

Sana lang talaga acceptable ang reason na sasabihin mo dahil kung hindi, siya ang magbabayad para sa buhay nung babaeng yun.

Tax: May ikalawa ang mga blood suckers. Hindi ko apam kung anong ikalawa. Sila naman ang mga tinatawag na imitations. Syempre, sa pangalan pa lang, imitate. Nanggagaya sila.

Sum: Anong kinalaman ng mga Imitations sa pag iwan mo sa babae?

Tax: Posibleng yung nakasama natin sa loob ng room, ay isang imitation.

Eon: So peke yung kasama natin the whole time?

Tax: Pwede. Kaya kailangan nating mahanap ang totoong babae.

Hmm. Kaya pala simula nung nabuksan ang pinto ng room na yun, siya na agad ang nasa loob at kumain, kadalasan kasi hindi malakas ang loob niya para gawin yun. Yun rin pala ang dahilan kung bakit di na siya tumitingin kay Tax.

"Paano mo pala nalaman na imitation siya?"

Tax: Level 236 ata iyon? Yung find the real one saka which ome is imitation sa kasunod na level.

Subtract: Kapag may maitim na parte sa mukha, imitation. For example, parang may balat ako sa noo, ibig sabihin, imitation ako.

Tax: Nakita ko yung mark niya sa may baba niya malapit sa leeg. Kailangan na nating kumilos. Saan tayo sunod na pupunta?

Tinignan naming lahat ang paligid. Walang daanan sa likod. Mukhang kweba dito. May dalawang daanan lang at siguradong magkaiba ang patutunguhan neto. Yung unang daanan, madilim. Habang yung ikalawa, may ilaw. Parehas nakakakabang pumasok at nakakapag suspetsa.

Tax: Sinong nakaka alam ng part na ito sa game?

Tinignan ko sila isa isa pero walang sumagot. Mukhang walang nakakaalam.

Eon: Ano nang gagawin natin?

Sum: Magbotohan tayo kung saan dadaan o kaya maghati tayo sa dalawang grupo.

Nakakagulat yung sinabi ni Sum? Hindi ba siya natatakot sa nga pinagsasasabi niya? Gusto niyang dumaan? Nang magkahiwalay?

Subtract: Ayoko nun... wala ba talgang nakakaalam?

Umiling naman ang lahat.

"Let's split up. Tax at Eon, kayo ang mamili ng makakasama niyo."

Tax: What if there's another passages sa pupuntahan natin? Paano kung intention pala nito ay iligaw tayo?

Oo nga. Iligaw at paghiwalayin kami? Saka konti na lang kami ngayon. Lima na lang kami at kawawa naman ang dalawa lang na pupunta. Outnumbered na talaga kami.

Eon: Kung tama ako, may dalawa sa atin ang may weapon of choice for communication.

"Sino?"

Subtract at Sum: ako po.

Kung may sa bawat grupo ay nandun si Sum/Subtract, baka maging enough yun para makapag usap kami kung saan dadaan at makaisip na tin ng strategy na gagawin.

"Wag na lang kaya tayo maghati? Kawawa tayo dahil outnumbered tayo saka may kasama pa tayong mga bata."

Napaisip naman ang lahat sa sinuggest ko. Sana lang madali kaming makaalis dito.

The Fresh Blood (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon