Chapter 19: Chair of Memories

1 0 0
                                    

"SUBTRACT!"

Tax: HOY GAME BAKIT MO KINUHA SA AMIN SI SUBTRACT?!

Bigla namang lumabas ang pop-up dahil nabawasan ng dot kaya naman bumukas ito agad.

Scroll:
This level needs a sacrifice. I took Subtract since he volunteered.

Pinindot ko naman ang pop-up para mawala pero may message pa pala.

Scroll:
The goal of this level is to meet the boss and beat him. If you succeed, you'll get out of this game. If you don't,

Pinindot ko ulit yung pop-up.

Scroll:
you'll be one of those you'll meet before the boss.

Eon: Teka, anong ibig sabihin nun?

"Kinuha nila si Subtract dahil sa sinabi niya kanina kaya naman nag advance tayo sa susunod na level."

Tax: Pero sa level na ito, 50/50 ang chance. Ito ang magiging pinto palabas, o pinto para makulong sa larong ito.

Napatango na lang si Eon. Lumabas ulit ang pop-up.

Scroll:
Players, pick a chair and sit on it.

Bigla namang lumabas ang mga upuan na tinapatan ng spotlight.

Tax: Nice meeting you, A5. Bro at tol, sana di pa ito ang huli nating pagkikita.

Eon: Basta kung sino-sino ang makakalabas, kita kita na lang tayo sa arcade. Pasasabugin natin ang mga kompanya ng video games.

"Intindihin na muna natin na makalabas dito hahaha!"

Eon: Seryoso akong papasabugin ko ang gumawa non, isasama ko na rin ang kuya ni Subtract.

Ang serious nga nya. Pati yung mata nagiging singkit dahil nakakunot ang mata. Hmm okay? Pasabugin yung video game? Game ako. Pero pati kuya niya? I don't think so.

Tax: Bago pa kayo mag away at para makalabas na rin tayo, umupo na kayo.

Naglakad naman dire-diretso si Tax at umupo. Pagkaupo pa lang niya, bigla na lang siyang nawalan ng malay.

Eon: Hmm, A5, baka gusto mo munang mauna?

"Ah? Bakit ako?"

Eon: Di pa ako ready.

"Ako rin naman eh. Gusto mo sabay na tayo?"

Eon: Hmm sige.

Sinimulan na naming maglakad papunta sa kanya kanya naming upuan.

Habang nasa kalagitnaan kami ng daan ay biglang sumigaw si Eon kaya naman napatigil ako.

Eon: I'm coming.

"Ako rin malapit na."

Tumakbo naman kami pareho at nasa bawat tapat na ng upuan. Bumilang naman ako bago umupo.

"1..."

Eon: 2...

Kami: 3!

Sabay kaming umupo at nakita ko rin syang nawalan ng malay. Nararamdaman ko naman na parang lalo akong nanghihina. At parang lumulutang dahil nawala na ang lahat.

***

Nakarinig naman ako ng parang may kumakatok sa kahoy? Ano na naman kaya ito?

HINDI KA BA TATAYO JAN! GUMISING KA NA DAHIL TANGHALI NA!

Teka? Ano?

Biglang nagliwanag naman ang lahat at lumabas ang mga kulay. Nasa kwarto ata ako... at nakita kong may nakahiga sa kama!

Mom: THOMAS GREEN HINDI KA BA TATAYO SA KAMA MO HA?!

ETO NA DIBA NAKATAYO NA!

Mom: WAG MO AKO NGA AKONG PINIPILOSOPO! PUMASOK KA NA SA SCHOOL!

BAKIT PA AKO PAPASOK KUNG NAIBAGSAK KO NA ANG MGA SUBJECTS KO!

Mom: NAIBAGSAK?! HOY BUMALIK KA NGA DITO!

A... ako pala yun. Ako yung nakahiga sa kama at sumasagot kay Mom. Hindi pa niya alam na naibagsak ko ang mga subjects at di na ako pumapasok.

Sinundan lang ng tingin ni Mom ang dating ako. Nakita ko syang napaupo sa kama at biglang napaiyak. Naaawa ako kay Mom. Hindi ko sya magawang macomfort dahil nanonood lang ako dito at baka di niya ako makita. Kung may babaguhin man ako, siguro yun ay icomfort si Mom. No, I wouldn't make her cry in sadness.

Nag iba ulit ang scene. Nakita ko ang sarili ko noon na naglalakad habang naninigarilyo. Hanggang sa napadaan ako sa kakabukas lang na arcade.

Mira: Eto na yung bagong bukas mga pare oh.

Killah: Eto na talaga yun, Mira? Seryoso?

PrO: Oo! Saka tama nga yung sabi nila, mukhang malaki dito! Oy Killah! Saan ka pupunta?

Killah: Kakain muna, di pa ako mag aalmusal.

At tumakbo papunta sa direksyon ko si Killah.

Ang unang narinig ko ay ang ex ko, kausap niya si PrO at Killah. Sa sobrang pagiging gamer nila, updated sila sa kahit anong mga games, events, at places na magbubukas.

The Fresh Blood (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon