Naglakad na nga kami papunta sa second tunnel. Napansin ko lang na yung parang ilaw sa tunnel, paliit ng paliit. Tapos parang pasikip pa ng pasikip. Ano bang nangyayari?
Tax: Wait, biglang dumilim. Ilaw.
"Ako na." Nakita ko kasi na paiingayin na naman ni Eon yung Flaming Iron Fists nya. Baka magising ang mga bata atsaka maubusan ng power yung weapon kapag emergency na.
Pinahawak ko muna kay Tax si Subtract at kinuha sa bag ko yung Jar of Fireflies. Nagpalitan naman kami ni Tax ng hawak kaya nasa akin na ulit si Subtract pero hawak naman niya yung jar.
"Wag... wag mong buksan." Nakita ko kasing iikutin nya yung lid. Baka makawala ang mga fire flies at mawala yung ilaw. Nakakatakot kaya sa dilim.
Eon: A5, saan mo nakuha yan?
"Ahh yan? Reward lang yan. Yung jar lang talaga yung reward, kinulong ko lang yung mga fire flies. Haha."
Tax: Guys, look. Dead end.
Napatingin naman kami ni Eon. Dead end nga. Paano na? Tumalikod ako pero dead end na rin? Stuck.
"Di na tayo makakatakas dito. Eh kung gibain na lang kaya natin yung nasa harap natin?"
Eon: Hindi pwede, baka bumagsak sa atin yung mga bato.
Tax: Unless may magagamit tayo na tool para makalabas.
Eon: Tol, yung weapon mo ah?
Tax: Anong meron?
Eon: Yung weapon mo, diba nakaka control ng lupa yun?
Ang astig naman ng nakuhang weapon of choice ni Tax? Saka langya? Di niya alam yung ability ng weapon niya? Pfft.
Tax: Ah yun? Try ko.
Nilapag naman niya yung jar of fireflies ko at kinuha ang isang toolbox? Teka, yan ba yung tinutukoy ni Eon?
Eon: Tol, di yan. Yung isa pa.
Pinasok niya yung toolbox at kumuha ng bato? Yan na yun?
Tax: Eto ba yun?
Eon: Oo. Bulungan mo yan ngayon.
Napakunot ng noo si Tax pero ginawa pa rin niya iyon. Tinignan ko naman yung mukha ni Eon at mukha na syang sasabog.
Tax: Wala namang nangyari ah?
Eon at ako: HAHAHAHA!
Di ko mapigilang tumawa HAHA! Mukha kasi niyang hahalikan yung bato! Di ko malilimutan ang mukha niya. Pft.
Tax: Sht ano ba kasing gagawin dito?! Saka wag nga kayong tumawa tsk.
Eon: Pffft... hawakan mo yung bato tapos itapat mo yung dulo niyan sa lupa na gusto mong icommand.
Tinapat nga ni Tax ang bato. Pero naiinis pa rin siya HAHAHA.
Eon: Tapos sabihin mo yung command. Halimbawa, collapse, defense, offense, melt, basta one word lang.
Tax: Okay? COLLAPSE!
Hinihintay lang namin na may mangyari. Hanggang sa nagbagsakan yung mga nakaharang na pader. Perpekto yung pagkakahati. Medyo mausok pa kaya di muna kami gumalaw.
Di nagtagal naging sobrang maliwanag. Nagising naman sina Sum at Subtract sa wakas. Nakita ko kasing medyo gumalaw yung binti ni Sum at naramdaman kong nasilawan si Subtract kaya nagtago pa siya sa batok ko.
Tax: Okay na.
Napanganga ako sa nakita ko.
Si... siya? Yung ex ko? Bakit siya andito?
BINABASA MO ANG
The Fresh Blood (On Hold)
De TodoThis is NOT a vampire story. Date created: September 3, 2016