Bigla naman kaming tinawag ni Tax.
Tax: Guys, may pinto dito. Pumunta kayo dito dali.Tumakbo naman kami sa direksyon nina Tax.
Babae: Papasukin ba natin yan?!
Eon: Ssh, wag kang masyadong maingay. Saka depende kung anong laman ng kwartong yan.Lumibot naman yung paningin ko sa paligid maliban sa likod. Dead end na pala ang napuntahan namin at tanging pinto na lang ang susunod mong pupuntahan.
Sum: Dapat mag stay tayo jan sa loob.
Subtract: Buksan nyo kaya muna yung pinto para malaman nyo?Gawa sa kahoy yung pinto. May door knob sya na mukhang bago. May glass pane pa sa gitna ng pinto.
Halatang madilim sa loob.
Kung titignan mo yung pinto lang, mukha namang walang kahina hinala. At iyon ang mas lalong kahina hinala dun.
Bakit naman maglalagay ang game ng isang normal na pinto sa loob ng mansion na nasa isang gubat?
Tax: Guys ihanda nyo ang sarili nyo. Bubuksan na ni Eon yung pinto.
Wala ba silang napapansin na mali? O baka napansin na nila yun kaya sila kumikilos?
Eon: Eto na ha.
Nakahawak sa door knob si Eon at naghahanda na ang lahat para sa kung ano man ang makakasalubong namin.
Eon: 1… 2… 3!
Agad na binuksan ni Eon yung pinto kaya naman nakagawa ito ng ingay nung tumama ito sa kabilang pader.
"A-ano yan? B-bakit ang liwanag?" Sabi ko sa kanila habang naka takip ang isang braso sa tapat ng mga mata ko.
Sum: Wala munang gagalaw!
Babae: A-asan na ba kayo?!
Subtract: Wag kayong magpanic.Unti unti na akong di nasisilawan kaya naman binaba ko na ang braso ko at nagulat ako sa nakikita ko.
"Guys, buksan nyo na ang mga mata nyo." Utos ko sa kanila.
Napanganga naman ang lahat maliban kina Tax at Sum. Parang inaasahan na nila 'to ah?
Sum: Ang ganda naman tumira dito.
Sarcastic ang pagkakasabi ni Sum. Minsan may pagka bad 'tong batang 'to.
Babae: Grabe! May kama, may pagkain, may appliances pa!
Subtract: Parang nung nasa real world pa tayo? Teka, totoo po ba ito?Oo nga naman. May point yung tanong ni Subtract. Baka nga naman kasi illusion lang yan.
Sum: Siguro totoo, siguro hindi. A5, gusto mo ba munang pumasok sa kwarto?
Langya ah! Nananahimik na nga lang ako dito eh. Kaasar.
"Teka? Ako? Papasok? Bakit?" Siguraduhin mo lang na acceptable yung dahilan mo bata. Kung hindi… Kung hindi… Ang hirap naman mag isip ng pang blockmail.
Sum: Ang tahimik mo kaya. Hindi ka nakikisali sa usapan.
Tss. Sabi ko nga dapat nag ingay ako. Nakakainis na 'tong Sum.
"Aish. Babae, samahan mo nga ako." Hahatakin ko na sana sya kaso… Nasaan sya? Hindi ko sya mahanap.
"Guys alam nyo ba kung nasaan yung babae?" Napatingin ako sa kanilang lahat at nakatingin lang sila sa loob ng kwarto. Yung mga mata nila nanlalaki.
"Buhay pa ba kayo?"
Subtract: Si ate Babae po, nasa loob na. Kumakain…Tinignan ko si babae and shocks. Naubos nya agad yung ibang nakahandang pagkain. Tumigil naman sya sa pagkain at nagsalita habang puno ang bibig.
Babae: Pashok na kaoyo, warg kaoyong mag alara, shafe cho!
Parang alien mag salita si Babae kaya di ko mapigilang tumawa.
"HAHAHAHA-- ARAY." Bigla akong hinatak ni Eon papasok sa loob ng kwarto. Sinarado na lang nya ang pinto at umupo sa mala-royal chair.
Nakatayo pa rin ako dito sa tapat ng pinto. Tinignan ko ang buong paligid. Malaki pala dito? Sa tapat ko ay ang sala na may TV na nasa wall at chandelier sa taas ng ulo namin.
Bakit may TV sa sala na malaki? Tapos ang ganda pa ng connection.
May wall clock naman sa tabi ng TV.
Wall clock:
88:88Sira ba yung relo o ganto ang game time dito? Ang weird.
Sa kabila naman ng sala ay mga kama.
King size yata ang mga bed sheet dahil malalaki. At saktong anim.Di naman yata halata na may galit sa isa't isa ang mga kama sa sobrang layo. Napansin ko na parang may initials yung mga kama?
Sa unang pares, A at B. Sa ikalawa, T at E. Sa ikatlo naman, S1 at S2.
Lugi! Pinaka malayo ako sa pinto.
Sa tapat naman ng mga kama ay may tables ang bawat isa.Subtract: Kuya A5, ano pong iniisip nyo? Tara kain na tayo.
BINABASA MO ANG
The Fresh Blood (On Hold)
RandomThis is NOT a vampire story. Date created: September 3, 2016