Hindi rin nagtagal nagising na ang lahat maliban kay Sum. Nasa leeg na niya yung itim na usok. Hinihintay na nga lang namin na magising siya, pero kapag di na siya nagising, iiwanan na namin siya.
May mga kanya kanya kaming usap. Yung mag bespren nag uusap. Si Subtract, tinititigan lang si Sum habang malungkot ang mata, well mukha naman siyang di nakatitig, parang nasa kawalan. Ako naman, gustong manahimik.
Kanina lang, ang grabe ng mga naikwento nila. Mas malala pa sa hiwalayan ka ng ex. Namatayan pala sina Eon at Tax. Si Eon, nawalan ng kapatid. Si Tax, nawalan ng ina. Si Subtract naman, tumatayong pinaka panganay sa tatlo niyang kapatid, yung kuya niya kasi ay nabaliw dahil rin sa video games. Kaya pala may alam si Subtract kahit papaano.
Subtract: Sorry.
Bigla na lang siyang nagsalita kaya naman napatingin kami.
Subtract: Kasalanan ko ito.
Anong ibig niyang sabihin?
Tax: Wala kang dapat ihingi ng sorry. Wala ka namang ginagawang masama.
Subtract: Ako ang dahilan kung bakit kayo napunta dito.
Ano? Naguguluhan ako.
Subtract: Yung kuya ko, diba ang sabi ko, nabaliw siya dahil sa video games?
Eon: Oo. Ano naman kinalaman ng kuya mo sa sinosorry mo?
Subtract: Yung kuya ko, isa siya sa mga inventor ng advance tech ng games.
Nakakunot lang ang mga noo namin habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
Subtract: Ako ang nagbenta ng advance tech na yun sa isang... company.
"At ang advance tech na yun ay nilaro ng marami. Pero ang hindi nila alam ay sila ang mapaglalaruan. Tama?"
Subtract: Oo. Isa na ang game na ito sa nalagyan ng advance tech. Kaya naman simula ng irelease ito ng company, marami na ang nawawala.
Bigla namang natumba si Subtract at nagdudugo ang ilong.
Pinigilan naman ni Tax si Eon para di na niya ulit masaktan si Subtract. Si Subtract naman, umiiyak na.
Subtract: D-dahil sa kakaimbento ni kuya, nabankrupt kami. Wala nang makakain ang mga kapatid ko, baon pa kami sa utang ko. Kaya naman wala akong magawa kundi ibenta ang mga imbensyon niya. Pero wala akong alam na yun yung mangyayari kaya naman sorry, sorry talaga.
Eon: Walang magagawa yang sorry mo! Ilang buhay na ang nawala! Ngayon hihintayin ko na lang na mamatay ka kasama ng lintek na laro!
"Bata lang si Subtract! Ginawa niya lang ang sa tingin niya ay tama!"
Tax: Tama si A5, kaya kumalma ka! Kung hindi mabubuhay ang pamilya niya, mamamatay sila!
Eon: Pero dahil binenta niya ang imbensyon ng saltik niyang kuya, marami ang mamamatay!
Subtract: Sa susunod na trial, ako na lang. Magsasakripisyo ako.
"Hindi ka pwedeng magsakripisyo. Ikaw lang ang nakaka alam dito."
Subtract: Mali ka. Di ko alam kung ano ang nandito.
Eon: Wala ka talagang kwenta!
"Tumigil ka na Eon dahil wala rin namang mangyayari kung mag aaway away tayo!"
Eon: Merong mangyayari!
Biglang nagpumiglas si Eon at sinakal si Subtract. Sht. Di ako makagalaw.
Si Tax, pinapatigil niya yung pananakal ni Eon. Nagiging violet na ang mukha ni Subtract.Nasilaw naman kami sa liwanag kaya napabitaw si Eon sa pagkakahawak niya kay Subtract.
Di rin nagtagal nawala na yung liwanag pati na rin si Sum.
Lumabas na naman ang isang pop up na scroll at hinawakan na lang namin yung mga dots na halo halo ang emosyon.
Scroll:
Congratulations. From six to three players. Get ready for the next level.
-SSinuntok bigla ni Eon yung pop-up habang umiiyak sa galit kaya naman nag crack ito at nawala. Si Subtract naman, nanginginig habang umiiyak sa takot kay Eon. Habang pinatahan ni Tax si Subtract sa pag-iyak.
Hanggang sa dumilim ulit ang paligid at umilaw ang spotlight at daanan namin patungong hilagang kanluran, hilaga, at hilagang silangan.
Lumabas ulit ang scroll at hinawakan namin yung mga dots pero biglang--
"SUBTRACT!"
BINABASA MO ANG
The Fresh Blood (On Hold)
RandomThis is NOT a vampire story. Date created: September 3, 2016