Chapter 3" Sir , yung mga kailangang papers po para sa formula sa pabango ,napirmahan niyo na po ba ? "
" Sir , yung mga papers po para sa presentation ng ilalabas na mga pabango , ayos na po ba ? "
" Sir ,yung mga pabango po na kalalabas lang galing France , ipapadala ko na po ba rito? "
" Sir ,yung bagong sabon po na iminodel , may papalitan pa po ba ? "
" sir ----- "
" Alwin ! Please stop " nilagay ko ang kamay ko sa sentido ko , ang sakit sakit na dahil sa alak na nainom ko kagabi tapos itong secretary ko naman tuloy tuloy ang pag litanya sakin ng mga dapat kong gawin . Tanong ng tanong .
" Sorry , Sir . Pero kailangan ko na po kasi ang mga papers para maipasa na sa mga gagawa ng formulas " sabi pa nito . Umayos ako ng upo . Tiningnan ko siya ng masama .Napaatras naman siya .
" Pipirmahan ko ang lahat ng iyan , hayaan mo muna akong makapag-isip " sabi ko sa kanya , nakita ko naman siyang napangiwi kaya naman inangat ko ang paningin ko sa kanya . " Bakit ? Hindi ka naniniwala? " tanong ko pa . Napahinga naman siya .
" Sir , hindi naman sa ganun , nung nakaraang linggo pa po kasi nakatambak ang mga gawain niyo , sabi mo rin sakin nun na balikan ko kayo ng sabado dahil aayusin mo na yan , pero naabutan ko po kayong nakahiga sa couch at tulog " Pagpapaalala niya sakin . Sinabi ko iyon ?
" This time , tatapusin ko na talaga to " sabi ko sa kanya ,napahinga na naman siya .
" Sir nasabi niyo na rin sakin yan , pero na late pa rin kayo " sagot naman niya ,napapikit ako . Ang dami ko na talagang palya .
" okay okay , basta gagawin ko ang lahat para matapos to " sabi ko na sa kanya . Tiningnan niya naman ako na para bang nasabi ko na sa kanya dati ang sinabi ko . " Promise ,sisimulan ko na ngayon " dagdag ko pa . Napabuntong hininga siya .
" Sige ,Sir . Kayo naman ang amo rito e " natatawang sabi niya . Natawa na rin ako ,nagpaalam na siya kaya naman natahimik na ang buhay ko . Ang dami dami ko pang gagawin , kailangan kong asikasuhin ang lahat ng ito dahil ang mahal kong ama ay nagbakasyon kasama ang girlfriend niya. Nagbubuhay binata na siya . Napapailing na lang ako kapag tinitingnan ang mga papel na nakatambak sa gilid ng mesa ko .
" Bakit ba pinapahirapan niyo ako? " parang baliw na tanong ko sa mga papel . Napahinga ako ng malalim , gustuhin ko man na pigilan si Dad sa pag-gi-girlfriend niya ,hindi ko magawa . Hindi ko kayang hadlangan ang kaligayahan niya . Sana lang hindi siya saktan ng babaeng iyon .
Si Mom , nakita ko kung paano niya tingnan ang babae ni Dad , nagseselos ang mga mata niya . Hindi ako pwedeng magkamali , mahal pa ni Mom si Dad .
Ang saklap lang dahil pakiramdam ko , ayaw na talaga ni Dad . Minsan ko lang siyang makitang ngumiti ng malaki , kapag may ginagawang kalokohan si Loreen ay alam na ni Dad iyon , bago ko pa maisumbong ay alam na nya ang ginawa nito , hinuhuli niya si Loreen kapag ganun ang nangyayari , at kapag hindi niya mapaamin si Loreen ay tinatakot niya ito na iluluwas ng bansa , iiyak na lang si Loreen habang nagsasabi ng totoo at nakikita kong nakatawa ang mga mata ni Dad. Kapag nahuhuli niya ang mga kasalanan namin ,pagagalitan niya kami ng kaunti at tatawanan na lang niya kami . Nauuwi na lang lagi sa iyak tawa si Loreen .
Namimiss ko na ang ganun , simula nung kinasal si Loreen ay hindi na nya ako nabibisita sa bahay o sa office man . Naiintindihan ko yun dahil may sarili na syang pamilya . Si Dad naman ay busy sa girlfriend niya . Si Mom naman .. Hindi ko alam pero parang naaawa ako sa kanya , parang nawala na kasi sa kanya lahat . Mga anak niya at maging si Dad. Hindi ako galit kay Mom ,naiinis lang ako dahil nagawa niyang lokohin si Dad.
BINABASA MO ANG
You're Damned Missing (Slow update)
RomanceMayaman , gwapo , matangkad , tamang hulma ng pangangatawan na hinahabol habol ng ibang babae . Ayan ang tamang paglalarawan kay Laurent Young , isang businessman at sikat na modelo sa bansa. Inaasahan niya na ang huling babaeng makakasama niya sa k...