Chapter 2

7 0 0
                                    


Chapter 2

" Kuya " napalingon ako kay Loreen ng tawagin niya ako , nakatungo siya sa may gilid ko . Kanina pa ba siya dyan ? Nakaramdam ako ng hiya , hindi ko man lang napansin na kasama ko na pala sya. " Kinakausap kita ,kuya . Pero hindi mo ako sinasagot " sabi niya pa . Napahawak aki sa batok ko , inayos ko ang upo at humarap sa kanya .

" Pasensya na , pagod lang . Ano nga ulit iyon? " tanong ko sa kanya . Dahan dahang nag-angat ang tingin niya sakin , may pakiramdam ako na iiyak siya , hindi nga ako nagkamali . Bigla na lang siya umiyak na para bang pinagagalitan ko siya. " Anong nangyari ,Loreen? Bakit? " Lalong lumakas ang hikbi niya. Pinunasan niya ang luha niya pero patuloy pa rin ito sa pag-agos . Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon .

" Tell me , anong nangyari? " seryosong tanong ko . Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sya umiiyak . Umiling sya nang umiling , lalong hindi ko naintindihan .

" Sorry kuya " sabi niya pa . Nangunot na ang noo ko . " Sorry . This is all my fault " Dagdag niya habang humihikbi .

Nakaramdam ako ng kaba .

" Spill " ayan na lang ang kaya kong sabihin sa kanya . Wala ng iba pa. Huminga sya ng malalim bago diretsong tumingin sakin .

" Kuya ... I'm pregnant " Nalaglag ang balikat ko sa narinig ko , hindi ko alam pero ang sakit ng dibdib ko. " I'm so sorry,kuya " napapikit ako , kailangan ba magalit ako? Paano kung hindi niya pa kaya ? Paano kung ,yung lalaking nakabuntis sa kanya saktan lang sya? Hindi ako makapapayag !

" Kuya ... " tawag niya pa , minulat ko ang mata ko at tumitig sa mga mata niya , namumugto ang mga ito at pawang nakikiusap . " I'm so sorry.. Pero .. magalit ka man o hindi , itutuloy ko ang baby " may humaplos sa puso ko ng sabihin niya iyon , may bahagi sakin na , masaya at proud dahil hindi siya katulad ng ibang tao na handang pumatay ng walang muwang . Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya , nginitian ko siya at umiling.

" You don't need to say sorry , It's a blessing " nakangiting sabi ko sa kanya , lumiwanag ang mukha niya , nag unahan na naman ang luha sa mga mata niya pero yung luha na yun ay luha ng kasiyahan , niyakap niya ako ng mahigpit , natawa ako dahil parang ayaw na niya akong bitawan. " calm down , baby . Hindi na ako makahinga " tatawa tawa pang sabi ko , natawa na rin siya kahit na sumisinghot singhot pa.

" Hindi ko alam kung paano niyo nagawa , pero ... Sana .. maging maayos ang pamilya niyo , kapag magpapaliwanang ka na kila Mom at Dad , tutulungan kita. Kung masampal ka man nila , tanggapin mo na lang " tumango naman siya . Hinawakan ko ang tuktok ng ulo niya ,at sinuklay ko ang daliri ko sa buhok niya . Bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot , naalala ko na naman siya .

1 week na rin pagkatapos niyang iwan akong mag-isa sa hotel . Hindi ako galit sa kanya , siguro talagang nangailangan lang siya kaya niya nagawa iyon . Pero ... pwede naman siya magsabi di ba ? Kailangan niya bang magnakaw ? Nung una talaga hindi ako makaget over sa ginawa niya sakin , ngayon ... MAS LALONG HINDI AKO MAKAGET OVER ! Gabi gabi ko na lang siyang napapanaginipan , lagi kong nakikita ang mukha niyang nakadungaw sakin , yung gigising na lang akong malungkot dahil panaginip lang pala iyon .

Kinulam niya ata ako , hindi ko kasi siya makalimutan e. Siya lang ang may kakayahang gumawa sakin nito. Tss.

" Kuya " napakurap ako ng tawagin ako ni Loreen at umalis sa yakap ko .

" ah .. H-huh ? " Wala sa sariling tanong ko . Natawa na lang siya .

" Nagtatanong ako kung kailan ang kasal ? " nanlaki ang mata ko .

" KASAL ?! " Nakangiting tumango siya sakin , uunahan niya pa ako ?! Paano ako makakapag-asawa nito ?!

--

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon