Napunta kami sa E.R , sarado ang lahat . Tanging berdeng kurtina lang ang nakikita namin . Nagpalinga linga si Loreen, tumigil ang mga mata niya sa bandang likuran ko .
" Madam " mahinang usal niya .
Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko , hindi ako makagalaw sa pwesto ko . Lumakad si Loreen palapit sa kanya pero hindi ko magawang lumingon.
Nang sa wakas ay nakakuha na ako ng lakas ng loob ay dahan dahan akong lumingon .
Bakas sa mukha niya ang gulat , maging ako ay nagulat . Pero napalitan ito ng galit . Galit dahil nandito sila sa loob ng ospital . Ibig sabihin lang ay si Lucienne ang batang sinasabi ni Lorreal , at ang batang nasa loob ng E.R .
Nakaawang ang bibig niya na para bang may gustong sabihin pero mas pinili niyang manahimik na lang . Tiningnan ako ni Loreen ,bakas sa mukha niya ang pagtataka sa paraan ng tinginan namin ng katabi niya ,pero mas halata mo sa kanya na malungkot siya .
" Madam " usal niya .
" Bakit nandito ka ? " nakaramdam ako ng inis .
" Madam , nandito kami ng----- "
" Hindi ko kailangan ng awa niyo " maawtoridad na sabi niya . So ... Siya pala ang Principal ng school na iyon ?
" madam "
" pwede na kayong umalis " sabi niya pa . Kita ko sa mga mata ni Loreen na nasaktan siya .
" Pumunta kami dito dahil nag-alala siya sa'yo . Sainyo ni Lucienne " pinagdiinan ko ang pangalan niya . Tumitig siya sakin ng masama .
" Ano bang problema mo? Nag-aalala sainyo si Loreen tapos babastusin mo siya ng ganyan? " nanlaki ang mata ni Loreen ,mabilis siyang lumapit sakin at pinigilan ako .
" Bakit? Ayaw mo bang malaman niya na hindi ka na natapos sa pagkain dahil agad mo siyang pinuntahan dito? "
" Please stop " sabi ni Loreen sakin .Umiling siya. Pero galit ako .
" anong gusto mong gawin ko? " walang emosyong sabi niya samin . Natawa naman ako . Grabe . Ang tigas ng ulo niya .
" Gusto niyong magpasalamat ako? edi Thank you very much . Pero hindi ko kailangan ng pag-aalala o ng awa niyo "
" Hindi naman po kami naa---- "
" Sa pinapakita mo ngayon dapat ka ngang kaawaan "pagpipigil ko kay Loreen . kung walang emosyon ang mukha niya ngayon , kailangan ko ring pantayan iyon . Naramdaman kong pinipigilan ako ni Loreen pero wala akong pakialam , magalit na siya kung magagalit siya . Pero masama ang loob ko . Siya pa ba ang may karapatang magalit?
" kung nag-aalala kayo , huwag na kayong mag abala pa . Ayos lang ang anak ko . Malakas siya . Hindi niya kailangan ng tulong . Galing sa inyo " at mabilis siyang tumalikod samin . Nagtiim ang mga bagang ko .
" Bakit mo ginawa yun ,kuya? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya kung nagkataon ? " maiiyak na sabi niya sakin , hinampas niya ako sa dibdib .
" Ikaw pa ang nahiya sa kanya? E binastos ka nga e . Magising ka nga Loreen ! " Nag echo ang boses ko sa buong pasilyo ng kinatatayuan namin . Naiinis na talaga ako sa babaeng iyon , pati kaming magkapatid ay pinag-aaway niya . Tuluyan ng naiyak si Loreen , napaupo siya at parang batang naglulumpasay sa semento .Napapikit ako .Minulat ko ang mata ko at hinawakan siya sa braso para alalayang tumayo . Kailangan pa siyang pilitin . Damn it !
" Baka nakakalimutan mong buntis ka , Loreen ! Malamig dyan! " singhal ko sa kanya , mukha naman siyang natauhan kaya tumayo na agad siya . Humihikbi pa siya .
BINABASA MO ANG
You're Damned Missing (Slow update)
RomantizmMayaman , gwapo , matangkad , tamang hulma ng pangangatawan na hinahabol habol ng ibang babae . Ayan ang tamang paglalarawan kay Laurent Young , isang businessman at sikat na modelo sa bansa. Inaasahan niya na ang huling babaeng makakasama niya sa k...