" Love naman " nakangusong tawag ko habang pinapanuod syang inaayos ang kama , halatang iniinggit nya ako na hihiga siya sa malaking kama at ako naman ay magdudusa sa couch , walang kiss at walang hug . Ang lupit naman . Sa susunod ay hindi na ako mangingialam sa mga gamit na madudumi ." huwag mo akong ma-love love dyan " singhal niya sakin pero ang paningin ay nasa comforter pa rin . Napanguso naman ako .
" Parang ang babaw naman ng kinagalit mo " natigilan sya sa sinabi ko . " dahil sa kutsara at tinidor na madumi ay inaaway mo ako ng ganito " malapit na talaga akong magtampo . Dahan dahan siyang dumiretso ng tayo at nilingon ako . Masama ang tingin niya sakin pero tinaasan ko lang sya ng kilay .
" Ikaw Kyle umayos ka ha ! Baka hindi ko ilabas ang anak natin ! " banta nya . Nanlaki naman ang mata ko . Nakita kong nakapameywang siya at masama pa rin ang tingin sakin .
" Bakit mo ba kasi ako inaaway ? Hays . Paano naman tayo magkakaintindihan nito? " napakamot na ako sa ulo dahil sa frustration . Nakita ko namang nagbago ang reaksyon niya , mukhang na-guilty naman sya sakin .
" Tss . Bakit mo kasi hinugasan ? Alam mo bang kailangan ko iyon? " medyo mahinahon na ang pagtatanong niya kaya naman tumayo ako at nilapitan siya , hindi naman siya nanlaban ng hawakan ko ang braso niya at iharap sakin . Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok na tumama sa mukha niya , nakita ko naman na namula ang mukha niya kaya napangisi ako . Inirapan naman niya ako .
" Kailangan ko yun , may kailangan kasi akong patunayan .Pero dahil hinugasan mo na , wala na " malungkot na sabi niya sakin , nakaramdam naman ako ng kakaiba . Nangunot ang noo ko .
" anong gagawin mo? " nakakunot noong tanong ko sa kanya . Napabuntong hininga siya .
" Ipapa-DNA ko sana " mahinang sabi niya pero agad akong napatitig sa mukha niya . What the ?!
" Hindi ka naniniwalang anak ko si Lorreal ?! Ano ba na------- Aray ! " natigil ako ng hampasin niya ang ulo ko , napakamot tuloy ako .
" Para kang sira ! Patapusin mo na muna kasi ako " Naiiritang sabi niya sakin , natikom naman ang bibig ko .
" Ipapa DNA ko yun , kasi pakiramdam ko , nakita ko na ang hinahanap ni kuya , pero pakiramdam pa lang ah " nag-iisip na sabi niya pa . Nakita kong tumaas baba ang kilay niya kaya napaismid ako . Ipaalala niyo sakin na huwag gagalitin at lolokohin ang mga buntis .
Laurent
" Okay na naman ang ulo mo , walang damage . As of now , huwag mo munang iistress ang sarili mo at iwasan mong mauntog ulit ng ganun kalakas , baka may mabasag na sa bungo mo " natatawang sabi ni Doc sakin , natawa na rin ako . " Pwede ka ng makalabas the day after " tumango ako at nagpasalamat sa kanya . Pinanuod ko syang lumabas . Umayos ako ng upo at tumitig sa phone ko . Ilang missed calls ang natanggap ko mula kay Dad at Mom , hindi ko nga pala sinabi sa kanila ang nangyari . Napailing na lang ako .
Napatingin ako sa pinto ng may biglang kumatok .
" Come in" sagot ko . Nakita ko naman ang nag-aalalang mga mata ni Veron habang dahan dahang lumalapit sakin .
" How are you? Bakit hindi ka nagsabi na nandito ka ? Kailan ka pa nadisgrasya? " tanong niya sakin , kitang kita ko ang guilty sa mga mata niya kaya naman ngumiti ako sa kanya , pampalubag loob .
" I'm okay , Nung isang araw pa ako rito . Hindi ko na kayo sinabihan kasi hindi naman mahalaga " Sabi ko sa kanya , hindi niya naman pinansin ang sinabi ko tapos tumitig lang sya sa mukha ko . Kung kanina ay guilt ang nararamdaman niya ,ngayon ay nakikita ko na galit naman siya . Hindi ko alam kung bakit .
" Kung hindi sana ako pumayag na ihatid mo ako rito hindi sana mangyayari sa'yo yan " napatingin ako sa kanya , hindi ko alam kung paninisi ba iyon o paghingi ng tawad.
BINABASA MO ANG
You're Damned Missing (Slow update)
RomanceMayaman , gwapo , matangkad , tamang hulma ng pangangatawan na hinahabol habol ng ibang babae . Ayan ang tamang paglalarawan kay Laurent Young , isang businessman at sikat na modelo sa bansa. Inaasahan niya na ang huling babaeng makakasama niya sa k...