Chapter 19

3 0 0
                                    


Note : Ilang chapters pa malapit ng matapos ang YDM :))

[Lien's Side]

Dahil sa kakulitan ni Luc at pinipilit ako na mag mall daw kami , napapayag niya ako . Pinapanuod ko siyang maglaro sa Arcade, sumasakay sakay kahit saan , sa motor , sa kotse . Gusto pa sa bump car. Hindi na ako pumayag .

Mukhang talo na naman siya kaya kung saan saan na lang siya naglaro , ng mapagod siya ay niyaya na niya akong kumain . Habang kumakain kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa daldal ni Luc , hindi sila naiinis , natutuwa pa sila dahil ang cute cute ni Luc , panay papuri nila sa anak ko.

Tuwang tuwa naman ako , proud mama .

Nang matapos kaming kumain ay naglakad lakad muna kami ni Luc , pumunta sa toy's store at binili ang mga gusto niya . Tuwang tuwa naman siya.

Pumunta rin ako sa Bangko para mag deposit .

"Luc , dyan ka lang sa upuan ah . Pipila lang si mama ,okay? "

" okay mama ! " masiglang sagot niya . Ngumiti ako sa kanya at pumila na . Tiningnan tingnan ko siya . Busy siya sa paglinga linga sa kung saan . Habang nakapila ako ay nagmemake face siya , natatawa tuloy ako .

" Next maam " sabi ng teller kaya naman pumunta na ako . Habang inaayos niya ang records ay may biglang tumawag sa phone ko , kinuha ko ito.

" Hello "

[Where are you? ]-Veron .

" Nandito kami ni Luc sa mall , bakit? "

[Bakit hindi niyo ako sinama? ] nagtatampo na sabi niya .

" as if naman na papayagan ka "

Narinig ko siyang umismid.

" saka moment namin to ni Luc no ---- Sandali lang "

Pinatay ko ang tawag ng mapansin kong wala si Luc sa pinag-iwanan ko sa kanya kanina .

" maam , okay na po . Pakisign na lang --- "

Hindi ko na siya pinatapos at pinirmahan ko na iyon . Tinalikuran ko na siya pagkakuha ko ng resibo .

Inayos ko ang gamit ko at pinuntahan ang pwesto ni Luc kanina . Pinasadahan ko ng tingin ang paligid , wala siya !

Kinabahan ako .

Agad akong lumabas doon at hinanap si Luc . Gusto kong maiyak .

Nagtanong tanong ako sa mga entrance at exit na madadaanan ko kung may napansin silang batang lumabas , wala raw silang napansin bukod sa may mga kasamang guardians.

Dinial ko ang # ni Cecil .

" Hello . Hindi ako makakapunta ngayon , may kailangan akong asikasuhin "

hindi ko na siya hinintay magsalita , binaba ko na ang phone at hinanap ulit si Luc.

Naglakad lakad ako at napunta ako sa arcade . Nilibot ko iyon at nagtanong tanong pa kung may nakita silang bata pero wala . Pumunta ako sa customer's service para tingnan kung nandoon si Luc . Pero wala !

Napaupo ako .

Maya maya ay may lumapit sakin at sinabing nakita na ang anak ko. May kasama itong lalaki .

" Akala ko po kasi tatay niya kaya po hindi ko sinabi agad sa iyo ----- "

Hindi ko na siya pinatapos at naglakad na palayo sa kanya . Dinadaga na ang dibdib ko sa kaba . Paanong?

Gusto kong magwala ! Gusto kong magalit !

Pagpunta ko ng entrance ay bumungad sakin ang dalawang tao , isang matagal ko ng pilit na kinalimutan at ang anak ko.

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon