Chapter 4

8 0 0
                                    


  Chapter 4

" Hindi ka pa ba matutulog ,Love ? " tanong ni Kyle sakin , matapos ang loving loving kanina ay bigla akong napabangon at nagbihis agad , bigla ko kasing naalala yung mga grades ng mga students ko , kailangan na nga palang ipasa yun sa susunod na araw , malapit na ring mag finals kaya naghahapit na ako .

" Love naman " nakangusong tawag niya sakin , nakatutok kasi ako sa laptop , naramdaman ko na umusog siya malapit sakin at yinakap ang tiyan ko mula sa likuran .

" Love , pagkatapos ko nito ,matutulog na talaga ako aah " sabi ko pa , hindi ko man lang natingnan ang asawa ko .

" namimiss na agad kita e " reklamo niya sakin ,napangiti ako .

" Magkasama na nga tayo namimiss mo pa ako? Hahaha " Narinig ko siyang umangal .

" Love ,sige na matulog na tayo . Tabihan mo na ako " sabi pa niya sakin , napabuntong hininga ako .Hindi ko talaga matiis ang asawa ko kapag ganito . Pinatay ko na ang laptop at sinarado ito . Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako nahiga sa tabi ni kyle , humarap ako sa kanya .

" Love , anong nararamdaman mo ngayon? " maya maya ay tanong niya sakin , napaisip ako . Saan bang nararamdaman ? Biglang nag init ang pisngi ko .

" Saan? " tanong ko sa kanya .

" tungkol sa relasyon ng Mama at Papa mo " sagot niya naman sakin ,natahimik ako saglit . Iniisip ko kasi kung ano ba talaga ang nararamdaman ko .

" Hindi ko maexplain ,Love e . May part sakin na masaya kasi may bago ng love life si Dad , pero ... naaawa naman ako sa part ni Mom kasi parang hindi na namin siya naiintindihan " sagot ko sa kanya . Tinitigan naman niya ang mukha ko .

" Bakit kaya hindi niyo kausapin ang Tito at Tita? Para malaman niyo kung ano ba talaga ang pinagmulan ng away nila " napabuntong hininga ako sa suggestion ni Kyle .

" Love , gustuhin ko man tanungin si Mom , hindi ko magawa . Kahit hindi sabihin sakin ni Kuya , halata ko na ... galit sya kay Mom . Niloko niya kasi si Dad , tapos nalaman pa namin na balak niya sanang sumama sa lalaki niya nung araw na nahuli siya ni Dad ,kitang kita ko kung paanong nasaktan si Dad nun , Love . Masakit sakin na makita ang taong nagpapasaya samin na umiiyak at nilulunod ang sarili sa alak " napabuntong hininga si kyle matapos kong sabihin sa kanya yun .

" Pero ... minsan ba natanong niyo si Tita kung bakit niya nagawa iyon? " tanong niya ulit sakin ,umiling naman ako .

" Hindi ba dapat alam niyo ang bawat side ng parents niyo? " natahimik naman ako sa tanong niya .

" Hindi natin alam kung ano ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa bakit umabot sa ganun , pero dahil ang nakita natin na nagkamali si Tita kasi nanloko siya , siya na agad ang sinisisi natin ,kasi siya nga ang nakita nating may mali .Oo , mali talaga na magkaroon ka ng ibang lalaki , tapos may asawa ka , pero ... hindi natin alam kung bakit nagkaganun " tinitigan ko ang mukha niya .

" sinasabi mo ba na pwedeng may kasalanan din si Dad ? " tanong ko sa kanya .

" lahat tayo nakakagawa ng kasalanan , Love . Yung iba nga lang hindi alam na kasalanan na pala yung nagagawa nila ,kasi doon sila masaya " minsan ang hirap intindihin ng mga sinasabi sakin ni Love , hindi ko ma-reach e.

" Paano kung may kasalanan pala si Tito dun ? Matatanggap niyo kaya ? Magagalit din ba kayo sa kanya katulad ng nararamdaman niyo sa Mom niyo ngayon ? "

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng asawa ko ay pinatulog na niya ako , hindi ko na kasi nasagot ang huli niyang tanong sakin . Magagalit din ba ako kay Dad nun? Paano kung may nagawa rin pala siya at mas malala pa sa ginawa ni Mom? Matatanggap ba namin ?

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon