Chapter 23

4 0 0
                                    


" L-loreen let me ------- "

" no ... wait ... I mean ... Gosh ! "

Humalukipkip ako at tiningnan silang dalawa. Buong lakas na tumayo si Lien sa kama niya para lang puntahan ang hindi makapaniwalang Loreen sa may pinto . Aalalayan ko sana siya pero tinapik niya ang kamay ko kaya naitaas ko na lang 'to.

Tiningnan ako ni Loreen . Hindi makapaniwala .

Tiningnan ko si Lien na ngayon ay nasa harap na ni Loreen . Magkasalikop ang mga kamay . Parang ...

" Madam / Lien !! "

sabay naming sigaw ni Loreen ng bigla na lang lumuhod si Lien . What the hell ?!

Lumakad ako palapit sa kanila para itayo si Lien , ganun din naman ang ginawa ni Loreen .

" no . Let me ! "

Napaatras kaming dalawa.

Kahit mahina lang ang pagkakasabi niya non ay natahimik kami ni Loreen . Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pag-iyak niya.

This is the first time I saw her crying. Gusto ko siyang yakapin . Patahanin . Sabihin sa kanya na ayos na ang lahat , na hindi ko na siya iiwan .

" madam " usal ni Loreen . Akmang hahawakan niya ito pero tinaas ni Lien ang kamay niya para sabihing huwag.

" Don't touch me , Loreen . I'm so sorry "

" madam---- "

" I'm so sorry to betrayed you " at humagulhol siya .  Nangunot ang noo ko . Tiningnan ko si Loreen na ngayon ay hindi rin makapaniwala sa nakikita .

" madam I don't know ----- "

" yes ! You don't know what's going on ! You don't know ! Matagal na matagal na 'to pero ang sakit sakit pa rin !  Para sa  anak ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at itago ang nararamdaman niyang sakit at inggit kapag nakikita niyang masaya ang ibang pamilya . Kapag family day , laging kaming dalawa ang umaattend na kahit masaya siya na kasama niya ako nararamdaman ko pa rin ang lungkot , ang sakit "

Tuluyan na siyang napaupo sa semento . Nakaalalay lang kami ni Loreen sa kanya.

" I love my son very much kaya kahit ang itago na may ama pa siya ay nagawa ko sa loob ng limang taon dahil ayokong masaktan siya . Ayokong malaman niya na may iba na 'tong pamilya "

Nanlaki ang mata ko . Ibang pamilya?! Tiningnan ako ni Loreen . Ang sama ng tingin niya sakin kaya napakibit balikat ako.

Nanahimik kami .

" I'm so sorry Loreen " sabi na naman niya.

Umupo si Loreen para mapantayan siya .

" madam --- "

" don't call me ,Madam . I'm not . Hindi ko deserve ang pag galang mo "

Nangunot ang noo ko maging si Loreen . Wala kaming maintindihan.

" Hindi ko maintindihan kung ano po ang ibig niyong sabihin "

" ang ama ni Luc ... "

Tiningnan niya ako . Binalik niya ang tingin kay Loreen .

Hinawakan niya ang kamay ni Loreen .

" Ang ama ni Luc, Loreen . Ay ang asawa mo "

Nabitawan ni Loreen ang kamay ni Lien . Napamaang din ako  sa sinabi niya .

Damn it !

How come ?!

Napasinghap si Loreen ng hangin at dahan dahang lumayo sa kanya . Umiyak nang umiyak si Lien .

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon