Chapter 5

3 0 0
                                    


" Ma'am ito na po yung project ng grupo namin " sabi ni Nicole , ngumiti ako sa kanya at tiningnan ang project nila , pagkabukas ko ng folder ay napangiti agad ako . Matagal na rin yung huling nagcheck ako ng mga design ng damit . Simula nung ikasal ako kay Kyle mas pinili ko magturo na lang sa isang private school , minsan sa Filipino subject ako napupunta ako mas madalas sa T.L.E . Tumango ako sa kanya at ngumiti , nagpalaam na siya sakin kaya naman nagpaalam na rin ako .

Hindi ko na matandaan yung huling usapan namin ni kuya tungkol sa napili kong karera , pero isang salita lang ang alam kong pinahiwatig non . Suporta . Sinusuportahan niya ako , magdesign man ng damit o magturo sa mga bata . Masaya ako dahil napili kong magturo , pag mga bata ang kasama mo araw araw ay mahahawa ka sa kanila , masasayahin at makukulit , although , hindi naman lahat ganon ,pero mas lamang ang mga batang masayahin .

Iba't ibang ugali ang ma-eencounter mo sa araw araw na pagtuturo , may makulit , masayahin , mataray , maldita , tahimik , matalino at perfectionists . Marami pa nga akong hindi nabanggit sa mga ugaling mayroon sila na naobserbahan ko sa mahigit 5 taong pagtuturo ko sa kanila. Kahit ganun pa man ay kailangan mong makibagay , kailangan mong ipakita na kahit anong mangyari ay kailangan ka nilang respetuhin ,bilang guro at bilang pangalawang magulang , responsibilidad mo silang alagaan at punan ang mga isip nila ng magagandang asal , kung hindi man magawa ng kanilang tunay na magulang ay ikaw na lang ang kusang gumawa , huwag kang matakot na turuan sila ng tama . Dahil wala namang masama kung susubukan mo .

Nang mapunta ako dito sa paaralan na ito ay hindi ko akalain na tatagal ako ng 5 years , siguro dahil na rin sa kilala ang pamilya ko sa larangan ng pagmomodelo . Hindi naman special ang trato nila sakin , maliban na lang kay Principal Lien . Madalas ay nahuhuli ko siyang nakatitig sakin at kapag ganun nga ang nangyari ay ngumingiti siya . Hindi niya madalas gawin iyon sa lahat , kahit matataas na tao pa ang nasa harap niya . Sakin lang talaga siya ngumingiti ng napakaganda , minsan nga napag-isipan ko siyang Bisexual dahil sa mga kilos niya ,pero agad din iyong nabago ng malaman ko na may asawa't anak siya .

Inayos ko ang mga gamit ko para lumabas sa classroom at pumunta ng canteen . Nagugutom na rin ako at kailangan kong maghanda para sa faculty meeting mamayang 3 pm . Ito na nga , naglalakad na ako papuntang canteen at mukhang makakasalubong ko si Principal na nagpapalinga at mukhang may hinahanap . Mukhang kinakabahan . Nagtama ang mga mata namin kaya agad siyang sumeryoso , kapag ganito ang mukha niya kinakabahan ako , alam ko na talagang may problema . Patakbo akong lumapit sa kanya at nagsimula na namang kakitaan ng kalituhan ang mga mata niya , laging ganoon ang reaksyon niya kapag lumalapit ako sa kanya ng kusa .

" Good afternoon ,Madam " nakangiting bati ko ng makalapit , tumango siya sakin bago ngumiti .

" Magla-lunch ka na ? " tanong niya at tumango naman ako .

" good . By the way kailangan ko ng umalis . May hinahanap kasi ako " nagmamadaling sabi niya sakin .

" tulungan ko na po kayo " agad namang sabi ko , nabigla man siya ay agad din syang umiling .

"  I'm okay . You can go now " Nag-aalangan akong tumango sa kanya at  dahan dahang naglakad . Naramdaman kong naglakad na rin siya kaya nilingon ko siya , bumabaling ang ulo niya sa kaliwa't kanan ,halatang may hinahanap talaga . Napailing na lang ako at muling ibinalik ang paningin sa daanan .

Natigilan ako ng makita ang isang bulto ng bata sa harapan ko , hindi dahil sa natakot ako o kinabahan . Parang nakita ko kasi si kuya nung mga 5 years old kami , mula sa buhok na may pagka-brown at mga pisnging matambok , maputi ang kutis at kumikinang na mga mata . Napamaang ako , kung hindi ko kasabay si kuya lumaki ay baka mapagkamalan kong siya at ang batang ito ay iisa . Bigla akong pinanindigan ng balahibo , pero agad iyong nawala ng bigla siyang humagikhik na parang tuwang tuwa sa mga nangyayari .

Pati tawa niya kay kuya ! OmyGoodness .

Gusto kong himatayin , pero bago pa mangyari iyon ay napakurap ako ng biglang tumakbo ang bata at sumigaw .

" MAMA !!! " tuwang tuwang sigaw niya , nilagpasan niya ako kaya napasunod ako ng tingin sa kanya , saka ko lang napagtanto na siya ang hinahanap ni Principal ng dahan dahan itong humarap sa bata at tuwang tuwang sinalubong ng yakap ang anak . Yung magandang ngiti ni Madam ay nawala ng mapagtanto niya na nakatingin ako sa kanila , biglang napalitan ng takot , yumakap ang bata sa hita niya at nakaawang ang mga labi habang nagpapalipat lipat ng tingin saming dalawa ng mama niya , walang muwang sa nangyayari .

Pinilit kong ngumiti kahit na kinakabahan ako , posible bang maging magkamukha sila ni kuya? Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa .

Hindi kaya?

Shocks !

" a-anak mo po Madam? " hindi ko alam pero kinakabahan ako habang nagsasalita , lalo ng dahan dahan siyang tumango . Nagwawala ang mga lamang loob ko dahil sa mga naiisip ko . Ngumiti ako sa kanya kaya na hindi ko alam kung dapat ba .

" ang gwapo naman . Anong pangalan mo baby? " tanong ko sa bata . Nginitian niya ako . Gusto kong maiyak !

" I'm Lucienne ! Call me Luc , you're so pretty like mama " masiglang sabi niya , napangiti naman ako . Napasinghap ako ng hangin dahil gusto kong umiyak .

" thank you . You're so handsome too " malambing  na sabi ko , natawa ako ng bigla siyang nagtago sa likod ng binti ng mama niya ,mukhang nahiya . Tumayo ako ng diretso at tumingin kay Madam . Mukhang may gusto siyang sabihin .

" mama , I'm hungry ! " sabay naman kaming nagbaba ng tingin ng hatakin ni Luc ang daliri niya ,nakanguso siya ngayon at halatang gutom na .

" You mind if I join you? " nag-aalalang tanog ko  naman sa kanilang dalawa , mukhang nagulat si Madam pero agad namang ngumiti at tumango .

--

" wow ! This now my favorite ! " nakataas ang kamay at tinidor na sigaw ni Luc , natawa naman kami ni Madam . Nandito kami ngayon sa canteen , nagsimula na ang ibang bata sa kani-kanilang klase, minsan pa ay may papasok na istudyante sa canteen nang makita si Madam ay hindi na tumuloy , madalas kasi kapag may nakita ni Madam na pakalat kalat sa hallway o sa canteen na istudyante ay nagagalit sya , sinasama niya sa office niya at pinapagawa ng reasonable letter . Maraming takot sa kanya pero marami ring humahanga sa kanya .

" I want more ! " sigaw pa ni Luc,napangiti ako . Kamukha niya si kuya nakakainis ! Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata ko . Tiningnan ko si Madam at pinanuod syang punasan ang mayonaise na natira sa labi ni Luc , minsan ay umiiwas si Luc pero nahuhuli rin siya . Natawa na lang ang bata . Pasaway naman .

" I want more mama ,please? " kumukurap ang mga matang sabi niya kay Madam , umiling naman si Madam kaya napanguso siya . " Why? " sabi naman ni Luc .

" It's enough . Huwag ng magpasobra " sabi ni Madam sa kanya , kahit labag sa loob ay tumango na lang sya .

" You can understand tagalog? " nakangiting tanong ko sa kanya . Mabilis naman syang tumango .

" Mama speak tagalog when we're home , but then Tita Ve-------- " nanlaki ang mata ko ng bigla siyang namula at mabilaukan . Kumuha ako ng tubig at mabilis na inabot kay Madam na ngayon ay hinahagod ang likod ni Luc at pinainom ito . Nang naging okay na siya ay nakahinga na kami ng maayos .

" How many times do I have to tell you that don't talk when your mouth is full ? So stubborn " naiiling na sabi ni Madam .Napanguso si Luc at hinawakan ang kamay niya .

" Sorry mama " malambing na sabi niya sa ina , napangiti naman ako . Ang sweet nilang tingnan .

Tumango siya at pinunasan ang pawis na namuo sa noo ni Luc. Ngumiti sila sa isa't isa .

" we have to go . May pupuntahan pa kasi kami " pagpapaalam sakin ni Madam , tumango at ngumiti sa kanya , nginitian naman niya ako .

" bye miss beautiful ! Take care ! " masiglang kumaway naman si Luc sakin kaya kinawayan ko rin sya pabalik . Nang naglalakad na sila palayo ay nilingon ulit ako ni Luc at kumaway ulit . Natatawang kumaway naman ako . Napabuntong hininga ako ng nakaalis na sila . Tiningnan ko ang pinggan ko at napunta rin ang mata ko sa pinggan ni Luc .

Kung gusto kong malaman ang totoo ay kailangan ko itong gawin . Lumingon muna ako sa paligid kung may tao , nang makita kong wala naman ay mabilis kong kinuha ang plastic sa bag ko at nilagay ang kutsara't tinidor dito .

*to be continued*

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon