Chapter 8

2 0 0
                                    


Bumangon na ako sa higaan , hindi ko alam kung nakatulog ba ako o nakapikit lang . Inayos ko ang sarili ko , pagkapasok ko ng banyo ay nag-ahit ako ng mga tumutubong balbas at bigote sa mukha , ng matapos ay naligo ako at naghanap ng simpleng damit . Hindi ako papasok ngayon sa office , like what I've said , I'm on vacation . Bakasyon na ako lang ang nakakaalam . Gusto ko lang balikan ang mga lugar na madalas kong puntahan nung mga panahong iniisip ko pa sya , pagkatapos non ay pipilitin ko ang sarili kong pakawalan na sya , hanggang sa panaginip na lang kami magkikita . I'll let her go , kahit hindi naman siya naging akin . Napailing na lang ako .

Mabilis akong umalis ng bahay para hindi maabutan ni Dad , alam kong pipigilan na naman niya ako ,nakita ko pang kumaway si manang sakin kaya kumaway din ako pabalik .

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip , may balak bang saktan ni Dad si Veron? Sa mukha ni Dad kagabi parang may malala silang away . Forget that , normal lang sa magkarelasyon yun .

Humanap agad ako ng pagpaparkingan ko , pinasadahan ko ang Bar na matagal ko ng hindi napuntahan . Wala na rin akong balita kay Erwin (Yung kaibigan niya na may-ari ng bar na sobrang bait) . Maraming nagbago sa labas ng bar na ito , ilang taon na rin kasi ang lumipas . Tumingin ako sa orasan at napaismid ako ng makitang 8:30 pa lang ng umaga . Sino ba namang matinong tao ang maglalasing ng ganito kaaga ? Hays .

Bumaba ako ng kotse at bumungad agad sakin si Erwin na nagdidilig ng halaman , hindi niya pa ako nakita . Abala siya sa pagdidilig ng mga nag-gagandahang bulaklak sa gilid ng bar niya . Maya maya lang ay may lumabas na isang magandang babae , napatingin ito sakin kaya napansin na ako ni Erwin .

" Laurent ? " hindi makapaniwalang tawag niya sakin . Tumango ako at para naman siyang excited na lumapit sakin kasama yung babae . Hawak hawak niya ito sa kamay. Napangiti naman ako .

" You looked more handsome , man " natatawang sabi niya . Inismiran ko siya .

" What's brought you here ? " nakangiting tanong niya sakin . Bago pa ako magsalita ay may idinagdag pa siya . " Oh . Heart this is Laurent , my friend . Laurent , this is Heart my wife " pagpapakilala niya samin ni Heart , napamaang ako sa kanya at tiningnan ang babae . Napaka inosente ng mukha niya , at halatang in love na inlove siya kay Erwin .

" Pumasok na tayo sa loob , tamang tama nakapagluto na ako ng breakfast " nakangiting sabi ni Heart samin . Pareho naman kaming sumunod sa kanya at pumasok sa loob ng bahay nila . Katabi lang iyon ng bar , actually , hindi naman nila ito bahay . May bahay si Erwin sa iba't ibang probinsya pero mas gusto niyang sa tabi lang ng bar tumira . Galante ang bahay nila , pagpasok sa loob ay nilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay nila . Mansyon ang tamang description . Yung mga ivory sa bawat hagdan nila ay halatang nagkakahalaga ng milyones , yung tinted glass at chandelier na umiilaw sa kabuuan ng bahay nila ay makikita mong ginastusan talaga . Napangiti ako , finally he find Heart .

Dumiretso kami sa dining area , tinulungan ni Erwin si Heart maghain ng pagkain , ginusto kong tumulong pero tumanggi sila , katwiran nila ay bisita raw ako . Hindi nila ako nagpumilit .

" Kaya pala nanaba kay Erwin ha ! Ang sarap pa lang magluto ng misis mo " natatawang sabi ko sa kanya , natawa rin siya .

" Kaya nga nabihag ang puso ko e hahaha " napakamot naman sa ulo si Heart , namumula ang pisngi na napatitig kay Erwin . Tiningnan din siya ni Erwin , ang loko ay kumindat kaya naman lalo syang namula . They loved each other so much .

" By the way . Anong pinagkakaabalahan mo ? Ngayon na lang ulit kita nakita ah . Wala na akong balita sa'yo kahit sa TV "

" Well , 4 years ago hindi na ako tumuloy sa modeling . I want my life be private , lalo na ng mabalitaan ng lahat na my family was ruined " kita ko naman ang lungkot sa mata niya .

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon