Prologue

10 1 1
                                    


    Prologue

Paglabas ko sa Airport ay hinanap agad ng mga mata ko si Loreen , kahit masama ang loob ko na makita si Mom ay pinilit ko pa ring ngumiti . Lumapit sakin si Loreen at niyakap ako . Namiss ko itong babaeng to . Nung humiwalay siya sakin ay napalingon naman ako kay Mom , nakangiti siya sakin , nginitian ko rin siya . Ngiting nagtatanong kung bakit siya ang nandito at hindi si Daddy . Mukhang naintindihan iyon ni Loreen .

" Si Dad nasa office ,kuya . Kaya si Mom yung kasama ko " sabi naman niya sakin . Tumango na lang ako .

" Oo nga pala ! " napalingon ulit ako kay Loreen ng kumuha siya ng mono-pad at nilagay ang phone niya duon . " Groupie ! " nakangiting sigaw niya kaya naman wala kaming nagawa ni Mom at napangiti na rin kami . Iba't ibang pose ang ginawa namin maging masaya lang si Loreen . May mga tao mang napapatingin samin ,alam ko na mga nakangiti sila . Siguro nasa isip nila isa kaming masayang pamilya . Nang matapos sa pagkuha si Loreen ay kinuha na niya ang phone niya at tiningnan na ang mga pictures . Scroll lang siya ng scroll ng may nahagip ang mata ko sa phone niya .

" Sandali " pigil ko sa kanya ng akmang ililipat niya ito sa kabilang picture . Napalingon silang dalawa sakin , ramdam ko iyon . Nilibot ko ang mata ko sa lahat ng bahagi ng airport .

" kuya ,bakit ? " tanong ni Loreen sakin ,pero hindi ko siya pinansin .Narinig ko ring nagsalita si Mom pero hindi ko na siya nagawang intindihin . Nakita ko sa picture naming tatlo , yung babaeng 2 years ko ng hinahanap , nandito lang siya sa Airport . Nakuhaan siya ni Loreen habang nagpipicture kami .Bakit hindi ko man lang napansin ?!

Lumakad ako ,nagbabakasakali na makita ko siya . Gusto kong maluha . Gustong gusto ko talaga.

" kuya , we need to go . Hinihintay ka ni Dad " yaya sakin ni Loreen .Napabuntong hininga ako . Hindi ko na ba talaga sya makikita ?!

" Loreen " tawag ko sa kanya , dumungaw lang siya sakin .

" Buy your new phone . Akin na to " parang lumiwanag naman ang mukha niya at saka siya tumango .

I'M GOING TO FIND YOU .

You're Missing ... Miss .

--

How's Prologue ? Hahahaha !

Ciao !
Comment , Vote and Follow :-*

Dedicated to EmmaRoberts05

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon