Chapter 21

2 0 0
                                    


" Wala ka na ba sa katinuan , Lien? " hindi makapaniwalang tanong niya sakin .

" Mas lalo akong mawawala sa katinuan kapag nawala sakin ang anak ko ,Veron ! "

" hindi siya mawawala sa'yo --- "

" ano lang ?! Anong akala mo sa lalaking 'yon ? Na hindi gagawa ng masama? "

" Lien , huwag ka munang manghusga hindi mo kilala yung tao ! "

Napapikit ako . Nagpipigil sumigaw .

" Hindi mo pa siya lubos na kilala -- "

" at ikaw ? Kilala mo na siya ganun ba? " minulat ko ang mga mata ko at tinitigan siya.

" kilala mo na ba siya kaya pati ako , na kapatid mo ay hindi mo na maintidihan? "

" hindi naman sa ---- "

tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita.

" sawang sawa na ako sa line mo na 'yan ,Veron "

Napatungo siya .

" Hindi ko alam kung paghihiganti pa ba ang ginagawa mo sa kanila --- "

Humarap siya sakin ng maayos .

" Ayan ang pagkakamali mo ,Lien " kunot noong tiningnan ko siya .

" tandaan mo , si Dach lang ang may kasalanan satin . Walang kinalaman dito si Laurent "

Dagdag niya agad .

" ayun ang pagkakamali ni Laurent ,Veron .Nagkaroon siya ng amang katulad ni Dach "

napamaang siya sakin . Napapailing .

" hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa kanila. Si Dach lang may kasalanan dito Lien ! Gumising ka nga ! Kung tutuusin nga mas malaki ang kasalanan mo kay Laurent dahil limang taon mong pinagkait ang anak niya ! "

Tumayo ako . Hinarap siya .

" Pinagkait? Nilalayo ko lang ang anak ko sa posibilidad na makasakit sa kanya . Alam mo naman ang buhay namin di ba? Kahit gustuhin ko mang ipakilala sa kanya si Lucienne hindi pwede ! Alam mong may masasaktan kami . Hindi mo ba maintindihan yun? "

Napapalakas na ang boses namin kaya napapalingon samin ang mga dumadaan .

Nasapo ko ang noo ko .

" Naiintindihan ko kayo Lien . Naiintindihan ko kayo . Pero ... anak ni Laurent si Lucienne . Malalaman din naman ng anak mo yon bakit hindi mo pa madaliin? Habang bata si Luc at mas nakakaintindi bakit hindi mo pa ---- "

" nonesense"

Sabi ko sa kanya .

Nalilitong tiningnan niya ako .

" ayokong masaktan ang anak ko -- "

" at sa ginagawa mo sa kanilang mag-ama sa tingin mo hindi masasaktan si Luc? "

napangisi siya . Tumayo at pinantayan ako .

" huwag mong hintaying si Luc pa ang makadiskubre ng lahat ng ito , Lien . Katulad nga ng sinabi mo , hindi inosente ang anak mo sa mundong 'to "

at tinalikuran na niya ako . Pumasok siya sa room ni Luc at iniwan niya akong nakatayo at nakatitig sa nameplate ni Luc sa may pinto.

Dahan dahan akong napaupo sa bleachers .

Nanghihinang binabalikan ang mga pinag-usapan namin ni Veron . Nahihirapan ako, nasasaktan ako . Lahat na ata ng emosyon ay ngayon ko lang naramdaman , sa limang taon na pagsisinungaling ko kay Luc , kinakarma na ata ako . Sinasabi ko sa kanya na  nasa ibang bansa ang ama niya , pag humihingi siya ng picture ay iniiba ko ang usapan . Nadadala naman siya kaya nakakalimutan niya ang tungkol sa ama niya .

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon