" You're my mama's first Love ! "Napamaang ako , sobrang saya ng mukha niya pero hindi ko masabayan dahil hindi ko alam ang dapat na reaksyon ko.
First love niya ba ako?
Ang alam ko kasi ako talaga ang first niya . Ayysst . Kung anu-ano ang naiisip ko.
" I read it ! My mama's diary hihihi "
natutuwa pang sabi niya . nangunot naman ang noo ko.
" Diary? "
Tanong ko at tumango siya . Matanda na siya para sa diary . Psssh .
" But ... hindi ko pa natatapos eh ... "
" hindi mo naman kailangan basahin yon , private ang mga nakasulat sa diary ng isang tao "
nanlaki ang mata niya .
" really? " hindi makapaniwalang tanong niya pa.
" yes . Kaya may diary ang mga tao dahil doon nila sinusulat ang mga secrets nila , o kaya yung mga bagay na hindi nila masabi sa ibang tao . That's why diary was in private"
Tumango tango pa siya habang nagpapaliwanag ako. Napangiti ako. Nakakaintindi na ang anak ko.
" kaya pala may lock ang volt niya na pinaglalagyan non . Hayssss .... Bakit ko binasa yun?"
Nagmamaktol na sabi niya . Nakapangalumbaba pa . Natawa ako.
" it's okay . Ngayong alam mo na . Don't do that again , okay? "
Nag okay sign siya .
" Okay ! "
Saglit kaming nanahimik pagkatapos non , nangangapa ako ng sasabihin dahil baka magalit siya sakin kapag inaya ko siyang lumabas .
Gusto ko siyang makabonding pero dahil nasa ospital siya ay hindi ko magawa . Siguro sa ibang araw na lang .
Kahit magkatabi kami ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mapatingin sa kanya , pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata . Si Luc at ako ay iisa . Hindi ako pwedeng magkamali .
Hinihintay ko na lang ang result ng DNA , kapag nalaman ko na ay gagawa na ako ng paraan para makasama ang anak ko.
Nagtataka pa rin ako sa ikinikilos ni Lien, galit na galit siya sakin pero siya itong malaki ang kasalanan sakin . Bukod sa iniwan niya ako sa hotel ay pinagkait niya pa sakin ang anak ko! Ako ang dapat na magalit !
Pero matigas ang ulo niya kaya hindi niya maisip iyon . Paano niyang nakayanang itago sa anak ko ang buong katotohanan?
Nahimatay ba siya dahil hindi niya nakayanan ang tanong ni Luc sa kanya? Kung pwedeng hayaan kaming magkita? Gusto kong makasama ang anak ko, gustong gusto ko.
Maya maya ay lumabas na ang doctor na nagcheck kay Lien . Sabay kaming tumayo ni Luc .
" Mr. Doctor .How's mommy? " tanong agad ni Luc .
Tumingin ako kay Doc , napansin niya rin ako kaya lumingon siya sakin at tumango .
" she's okay now . You can see her " nakangiting sabi sa kanya ng doctor , tuwang tuwa naman niyang hinila ang stand ng dextrose niya papasok sa kwarto ng mama niya . Muntikan pa siyang matapilok pero mabuti na lang ay hindi natuloy . Nag okay sign pa siya samin bago tuluyang pumasok sa kwarto . Napahinga ako ng malalim .
" kayo ba ang asawa ng pasyente? "
" ahmmm .... "
natawa siya .
BINABASA MO ANG
You're Damned Missing (Slow update)
RomansMayaman , gwapo , matangkad , tamang hulma ng pangangatawan na hinahabol habol ng ibang babae . Ayan ang tamang paglalarawan kay Laurent Young , isang businessman at sikat na modelo sa bansa. Inaasahan niya na ang huling babaeng makakasama niya sa k...