Chapter 15 [Lien's Side]

2 0 0
                                    

[5 years later]

Naging mahirap sakin ang buhay matapos ang insidenteng iyon , muntikan ng mapahamak ang anak ko ng manganak ako . Nalaman nilang may diabetes ang anak ko sa murang edad , pumupunta kami ng hospital twice a month para sa medication niya , may mga gamot din siya  sa loob ng bahay .

Nang mawala si tita samin ay naging matapang na si ate , hindi na siya katulad dati na sasamahan ako sa loob ng bahay , mas pinipili niyang umalis . Tumakas sa kalungkutan .

Hindi ko na siya nakakausap , limang taon ang anak ko , limang taon na rin kaming hindi nakakapag-usap ni ate . Hindi ko na rin siya natatawag pang ate sa personal , sa isip ko na lang iyon .

Madalas siyang wala sa bahay , naging mahirap sa kanya ang nangyari . Kasalanan ko ito lahat kaya hinayaan ko na lang siyang makapag-isip . Hanggang sa isang araw ay kinausap niya ako .

" Lien " tawag niya sakin . Lumingon ako sa kanya . Gumagawa kasi ako ng record para sa mga bagong teacher na papasok sa school namin . Isa akong Principal , nakakagulat talaga pero nangyari sakin . After kong magtake ng board exam ay tinawagan ako ng kaibigan ko na magtatayo siya ng school , elementary lang iyon at ako raw ang gusto niyang kunin na Principal , nagtake ako ng masteral at doctorate degree . Sa murang edad ay pinasok ko ang ganitong kalaking responsibilidad . Habang tumatagal ay dumarami ang istudyanteng nag-eenroll sa school namin , kaya pinalagyan na niya ng High School .

" Bakit? "

" Nakita ko na siya "

Napatitig ako sa mukha niya , mukhang may binabalak siya.

" Nakita ko na si Dach Young " nakangising balita niya sakin . Napamaang ako , paano? Nalaman ko na naghiwalay si Dach at ang asawa niya , ang anak niyang si Laurent ay hindi na nagpakita sa TV at ang asawa nito ay hindi pa rin nirereveal , maraming naawa sa nangyari sa pamilya nila pero marami ring nagalit dahil deserve nila iyon .

" How come? " tanong ko sa kanya.

" Research "

Maarteng sabi niya .

" Naniniwala ka na ngayon sa mga sinasabi ng computer? "

" I saw him . Kasama niya si Laurent" Lumaki ang ngiti niya , ngiting alam mong may balak na masama.

" Ano ng plano mo? "

Hinawakan niya ang baba niya at tumingin sa taas .

" Gagawin ko na ang talagang dapat gawin noon pa "

" dapat gawin? "

Tumango siya at tumayo.

" Malandi ang tingin niya satin di ba ? Simula kay mama , sa'yo ngayon naman ay ipapakilala ko ang tunay na malandi "

" Hindi magandang ideya yan , mapapahamak ka lang "

" Walang mapapahamak kung walang magpapahuli " Kinindatan niya ako at lumakad na palabas ng kwarto ko.

Huminga ako ng malalim . Hindi maganda ang pakiramdam ko sa plano niya .

Habang tumatakbo ang oras ko sa anak ko at sa school ay lalo namang sumisikip ang mundo ko . Lalo na ng makilala ko ang bagong nag-apply para maging teacher ng school namin . Loreen Young ang pangalan niya . Kilala ko siya . Kilalang kilala . Hindi pa ako Principal ay nakita ko na siya rito sa school , teacher siya ng T.L.E para sa garments at designing . Hindi ko kayang harapin ang taong naging dahilan kung  bakit walang ama ang anak ko, kaya nagpakilala na ako sa kanilang lahat ng mapunta ako sa pinakamataas na pusisyon sa school.

Gusto kong magalit at mainis sa kanya pero paano ko gagawin yon kung una pa lang ay ako na talaga ang nanloko? May nangyari samin ng asawa niya ng wala siyang kaalam-alam , kung alam ko lang na may girlfriend si Laurent non ay wala sanang nangyari .

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon