Chapter 18

3 0 0
                                    


Lien's POV

Buong araw kaming nasa ospital bago sabihin ng doctor na pwede na kaming umuwi , sobrang nakahinga ako ng maayos ,agad ding nagbago iyon ng maalala ko si Laurent , kamusta na kaya siya? Yung ulo niya ... hindi naman siguro malala .

Huminga ako ng malalim na kinalingon ni Veron .

" ang bigat ng problema ah . Makakauwi na si Lucienne " tinapik niya ang balikat ko.

" Hindi si Lucienne ang inaalala ko"

nangunot ang noo niya .

" sino? "

" Si Laurent? "

" Laurent? Laurent Young? "

Hindi makapaniwalang tanong niya . Tumango naman ako sa kanya .

" Eh? Anong kinalaman niya rito? At bakit mo siya iniisip? "

Huminga ako ng malalim .

Sinilip ko muna si Lucienne na ngayon ay natutulog na sa tabi namin.

" Kanina nakita ko siya "

" Saan? "

" Sa ospital , actually kung hindi niya ako niligtas hindi ko siya makikita "

Nangunot na naman ang noo niya .

" Niligtas ? "

Tumango ako .

" Muntikan na akong masagasaan ... ulit "

Napatayo siya . Inangat ko ang tingin ko sa kanya .

" Lien  ! " Napalakas ang boses niya kaya naman sabay kaming napatingin kay Luc , sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos.

" okay okay " huminga siya ng malalim .

" muntikan ka na namang masagasaan? Matatanggap ko pa yung dati , pero ngayon? Teen ager ka pa ba para gawing pagpapapampam yan? "

Mahinang singhal niya sakin . Hinatak ko siya paupo kaya naman naupo siya sa tabi ko.

" hindi ako kulang sa pansin okay! Hays . Narinig ko kayong nag-uusap ni Luc "

Natikom naman ang bibig niya .

" Ilang beses na ba niyang tinanong sayo ang tungkol sa papa niya? "

Umayos siya ng upo .

" madaming beses na rin ,siya na ang nagsabi sakin na huwag kong ipaalam sa--- "

" at sinunod mo naman ?! "

" oo naman ! Mas mahal ko si Lucienne kesa sayo " sinamaan ko siya ng tingin . " saka bawal mangako sa bata tapos hindi tutuparin "

napaismid ako.

" mga pamahiin mo "

" walang masama kung susundin ko "

Hindi ako sumagot.

" saka Lien . Lumalaki na si Luc , hahanapin at hahanapin niya ang tatay niya kahit ano pang tago mo "

Mahina ang boses ni Veron . Nag-iingat.

" hindi mo matatago sa kanya ang lahat , hindi mo matatago sa kanya ang katotohanan habang buhay"

" kakayanin ko ,Veron "

napairap siya .

" hanggang kailan? "

" Hanggang buhay ako"

Napahilamos siya ng mukha .

" ang tigas ng ulo mo "

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon