5 years ago[Lien's P.O.V]
" gusto mong samahan na kita papunta sa mansyon? " tuwang tuwang sabi ni ate Veron . Papunta kasi ako ngayon kila Laurent, gusto kong malaman niya ang tungkol sa anak namin, kahapon ay nagpacheck up ako at 2 weeks na siya sa loob ng sinapupunan ko. Nang malaman ko iyon ay hindi ako makaimik sa sobrang saya,si ate na lang ang nakikinig sa doctor sa mga sinasabi nito , wala na akong pakialam sa kanya basta hawak hawak ko ang maliit kong tyan ng nakangiti .
Nakangiting umiling ako sa kanya .
" ako na ang bahala ate , hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya pero... susubukan ko " nakangiti pang hinimas ko ang tyan ko .
" eeeeeeiiii !!!! kyaaaaaaahh ! kinikilig talaga ako Lien ! " nagtatalon pa siya . Niyakap niya ako.
" sana maging masaya ka ,Lien " tinapik niya ako sa likod. Tumango ako .
" balitaan mo ako ah " bumitiw siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko.
" salamat ate " ngumiti siya sakin kaya nag-ngitian na lang kami .
--
" Villa Lolita Saint Royal Monteverde --- ito na nga !!! " impit na tili ko habang pinapasadahan ang palasyo sa harap ko. Gusto kong mapanganga pero pinigilan ko ang sarili ko ng may dumaang magandang kotse sa harap ko . Mabilis akong tumabi at tumungo , baka kasi ito na ang tatay ni Laurent .
Hindi nga ako nagkamali, bumaba siya ng kotse niya at mabilis na lumingon sakin . Magalang akong tumungo . Hindi siya sumagot kaya naman dahan dahan akong naglakad sa pwesto niya at tumungo ulit .
" magandang araw po , Sir " sabi ko pa.
Hindi siya sumagot kaya naman itinaas ko na ang ulo ko.
" ahmm ... "
" anong pangalan mo? " tanong niya sakin ,nabuhayan ako ng loob dahil sa tanong niya . Baby ito yung lolo mo ! Kyaaaaah !
" Lien ... Lien Enrique , Sir " magalang na sagot ko . Tumango naman siya .
" anong mapaglilingkod ko sa magandang binibini ? " nakangiting sabi niya sakin , yung tono niya parang iba.
Tumikhim ako.
" Gusto ko po sanang makita si Laurent,Sir "
Yung ngiti kanina sa mukha niya ay unti-unting naglaho . Napalitan ng inis at inggit .
" Si Laurent ang ipinunta mo rito? " tumango naman ako. Hindi ko naman kailangang magsinungaling .
" Bakit? Anong kailangan mo sa kanya? " may kung ano sa pakiramdam ko ang hindi maganda , kailangan ba talaga sabihin ko sa kanya?
" gusto ko lang ho kasing makausap siya "
" tungkol naman saan? "
Saglit akong nanahimik .
" tungkol saan? May ginawa bang hindi maganda sa'yo ang anak ko? "
Hindi ako umimik . Hindi ko gusto ang tono ng boses niya . Tono ng pangungutya.
" Isa ka ba sa mga babaeng kinama niya at tinakasan pagdating ng umaga? o kaya ginawa ka niyang parausan? " nakangising sabi niya .
Mahigpit kong hinawakan ang pouch bag ko, kailangan kong pigilan ang sarili ko bago ko siya mapatay.
Natawa siya .
" pumunta ka ba rito dahil akala mo ay may makukuha ka sa anak ko? "
" hindi ho iyon ang kailangan ko "
![](https://img.wattpad.com/cover/80710706-288-k429540.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Damned Missing (Slow update)
RomanceMayaman , gwapo , matangkad , tamang hulma ng pangangatawan na hinahabol habol ng ibang babae . Ayan ang tamang paglalarawan kay Laurent Young , isang businessman at sikat na modelo sa bansa. Inaasahan niya na ang huling babaeng makakasama niya sa k...