Chapter 14(continuation)

3 0 0
                                    


CONTINUATION OF FLASHBACK

" Hindi ko alam ang sasabihin ko " maya maya ay sabi ni ate Veron matapos kong ikwento ang nangyari .

" masyado talagang masikreto ang pamilya nila , hindi ko alam kung paano nila napapanatili iyon "

huminga ako ng malalim .

" ano ng plano mo ? " malamlam na tanong niya sakin .

" ang dapat gawin , manganak at alagaan ang anak ko ... ng ako lang " matapang na sagot ko . Tinapik niya ang balikat ko at nginitian ako.

" hanga ako sa'yo , nakakaya mo ang lahat ng 'yan . Siguro kung sakin nangyari yan ,hindi ko na alam ang gagawin "

Nginitian ko siya .

" Nandyan ka naman para alalayan ako di ba? Ikaw na lang ang kakampi ko "

Hinawakan niya ang kaliwang dibdib niya at nagmukhang na-touch

" kaya love na love kita eh " natatawa pang sabi niya .

" totoo naman ang sinabi ko "

" oo na . Hahaha "

nanahimik kami saglit.

" hindi mo ba siya kakausapin kahit sa huling pagkakataon lang? " maya maya ay tanong niya.

Huminga ako ng malalim at sinapo ang noo ko .

" para saan pa ? Ayokong makasira ng masayang pamilya ". tumikhim ako.

" nasira ko na ang pamilya niyo kaya ... ayokong mangyari iyon sa pamilya niya "

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon .

" huwag mong isipin na nasira mo ang pamilya ko , dahil ... bago ka pa dumating , sirang sira na talaga 'to . Aware na ako doon , kaya alisin mo na sa isip mo 'yan " Nginitian niya ako . " sa totoo lang ... masaya ako na dumating ka sa buhay ko, namin ni mama . Lagi na niya akong kinakausap simula nung dumating ka rito , kaso puro plano kung paano ka palalayasin "

Natawa kami pareho .

" at least kinausap niya ako di ba ? " natatawa akong tumango sa kanya .

" sana maayos na 'to , Lien . May karapatan din ang anak mo na magkaroon ng masayang pamilya "

umiling ako sa kanya kaya nagbago ang ekspresyon ng mukha niya .

" ang tigas talaga ng ulo mo "

" praktikal lang ako ate , paano kung malaman niya na may anak siya sakin tapos kunin niya lang ang anak ko? Paano kung gumamit siya ng yaman para lang ilayo sakin ang anak ko? Hindi ko kaya 'yon ate . Mamamatay ako kapag nangyari iyon "

Niyakap niya ako ng mahigpit .

" ngayon pa lang ... alam ko na magiging mabuti kang ina "

---

Mabilis akong nagtago sa malaking puno malapit sa may harap ng mansyon nila Laurent . Alam ko... kinain ko ang sinabi ko kay ate na hindi na ako makikipag-usap pero ... tama siya , kailangan ng anak ko ang ama niya , hindi dahil kulang ako sa pinansyal , kung ako lang ay hindi ko na ito gagawin ,pero ayokong matulad siya sakin na hindi man lang nakasama ng matagal ang ama .

Ayoko rin na matulad siya sakin na nakikihati lang sa atensyon sa ama .

Umatras ako .

Una pa lang ay talo na ako .
Mayaman siya , mahirap lang ako.

Kaya kong buhayin ang anak ko ,hindi nga lang katulad ng kaya ng ama niya .

Tutuloy pa ba ako?

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon