Chapter 16 [Lien's side]

2 0 0
                                    


Maaga pa lang ay nasa school na ako , pagkatapos kong ayusin ang medical records ni Luc ay inasikaso ko na rin ang mga records niya para sa pre-school ,hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan ako ni Veron . Nakita ko rin si Loreen na maagang pumasok sa faculty ng T.L.E department , siguro ay may gagawing importante kaya maaga siya . Hindi ko pa siya nakakausap simula nung nag-apply siya rito , si Lanie kasi ang nag interview sa kanya , nung nagdemo ito ay vinideohan lang para mapanuod ko lang , hindi pa kasi ako handang humarap sa kanya . Napakalaki ng kasalanan ko, hindi ko alam kung mapapatawad niya ba ako kung sakaling malaman niya na may nangyari samin ng asawa niya .

Napabuntong hininga ako . Hindi ko alam ang gagawin ko kapag kumalat iyon sa school  , bukod sa galit na makukuha kay Loreen ay mapapahiya pa ako sa buong school , sa lahat . Pati ang anak ko ay madadamay , kaya hangga't maaga ay gumagawa ako ng paraan para hindi magkrus ang landas naming dalawa , malaki ang school kaya naman hindi ako nahirapan .

Pero ... mukhang hindi ata ako sinuwerte ngayon .

Nandito ako ngayon sa veranda ,nakatanaw sa sikat ng araw . Buong araw kasi akong nasa office kaya habang nag-uuwian ang mga bata ay tinatanaw ko sila .

"Maam Lien ! " nilingon ko agad ang babaeng tumawag sakin . Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na nabago ang ekspresyon ng mukha ko . Siguro ay nahalata niya na nataranta ako pero mas pinili na lang niyang huwag pansinin .

" Maam , hindi ka pa uuwi? " tanong niya pa sakin . Hindi ako agad nakaimik , kinakabahan ako . Hindi makakuha ng sagot . Umiwas ako ng tingin bago nagsalita.

" H-hindi pa .. ahmm .. Maya maya pa " nauutal na sabi ko . Hindi ko alam kung nararamdaman niya ba pero ayoko ng ganito.

" Ayos lang po ba kayo ,Maam? " tanong niya sakin . Mabilis naman akong tumango , tapos biglang umiling at tumango ulit . Gusto kong matawa sa sagot ko . Napahawak ako sa batok at nilipat ang kamay sa pisngi . Ano bang nangyayari sakin? Hindi maganda ang pakiramdam ko na nasa harap ko siya ngayon , siguro dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya.

" Mukhang hindi ka po okay " natatawa pang sabi niya , nag-iwas ako ng tingin sakanya . Hindi makakuha ng sasabihin .

" May problema po ba kayo sakin ,Maam ? " Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya at mabilis na umiling sakanya .

" Wala akong problema ,pasensya na . Kinakabahan lang ako " muli ay nangunot ang noo niya . Ano bang pinagsasabi ko? Hays.

" Saan po kayo kinakabahan Maam? " kunot noong tanong niya sakin.

" Basta ..haha .. Sorry " Pilit akong tumawa at maya maya'y bumuntong hininga.

" Sabay na tayong umuwi? " tanong ko sa kanya at malaki ang ngiting tumango sakin , ngumiti ako . Ngiting alam kong totoo na  . Bigla bigla ay parang kumislap ang mga mata niya  . Hindi ko na lang pinansin . Medyo magaan na ang loob ko sa kanya , mabait nga talaga siya . Hindi mahirap kausapin kahit ngayon lang kami nabigyan ng pagkakataon.

" Tara na ? " yaya ko sa kanya kaya medyo natauhan siya . Nakangiting sumabay siya sa lakad ko . Nagkwentuhan kami , tungkol sa anak niya at asawa , hindi ko alam pero mukhang ayos na sakin na mapag-usapan ang anak nila , alam ko kasi na masaya silang pamilya. At ayoko ng makasira pa . Napagkwentuhan din namin si Luc ,pinakita ko pa sa kanya ang litrato nito .

" Wow , ang gwapo ng anak niyo ,Maam . manang mana po sa inyo " natawa naman ako at umiling .

" Mas kamukha niya ang ... tatay niya " Napaiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. Muli akong tumingin sa kanya at ngumiting sumagot.

" Pareho silang gwapo " nakangiti pang sabi ko, napangiti rin naman siya . Nakaramdam ako ng awa ,kung alam lang niya ang totoo baka mas gustuhin niyang kalbuhin na lang ako.

" May picture po ba kayo ng asawa niyo ,Maam ? Pwedeng makita ? " Hindi ko inaasahan ang tanong niya , hindi agad ako nakaimik ,agad din akong nakabawi ng sagot  kaya umiling ako.

" Hindi ko dala ang litrato niya , mas okay na sakin na ang larawan lang ng anak ko ang nasa wallet ko haha "  Nakatawa pang sabi ko . Hindi ko alam pero mas okay na hindi na lang namin pag-usapan ang mga bagay na ito. Hindi na naman siya namilit kaya nakahinga ako ng maayos .

Marami pa kaming napagkwentuhan ng biglang nagring ang phone niya . Natahimik ako ng sagutin niya ito .

" Bakit ,Love ? " malambing na tanong niya . Bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila ,pero alam kong may balak silang lumabas.

" Nandito na po ako sa labas ng school ,punta ka na lang dito , ipakikilala kita sa Principal namin " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero agad ding nagbago ng marinig ko ang salitang hindi ko dapat marinig .

" I LOVE YOU TOO ,LOVE " Napatingin ako sa malayo , iba ang pakiramdam ko , akala ko ay kaya ko na . Hindi pa pala. Humarap ako sa kanya at ngumiti .

" Asawa mo? " mahinang tanong ko .

" opo ,Maam. Papunta na po siya rito ,sabay ka na po samin " mabilis akong umiling at tinapik ang balikat niya .

" Oras niyo yan ,kaya mauuna  na ako " Dahan dahan naman siyang napatango at tinalikuran ko na siya . Bago pa ako makalayo ay naisatinig ko na ang gusto kong sabihin .

" Alagaan mo ng mabuti ang asawa mo , huwag mo siyang pababayaan " at tuluyan ko na siyang iniwan sa pwesto niya . At dahil masokista ako ay hindi ako lumayo ng tuluyan, hinayaan ko ang sarili kong panuorin silang mag-asawa , lumabas si Laurent sa kotse hawak hawak ang anak nila , kamukhang kamukha ito ni Loreen . Si Luc naman ay kamukha ni Laurent . Napahigpit ang hawak ko sa bag ko ng halikan ni Loreen ang pisngi ni Laurent , pati ang anak niya ay hinalikan niya . Masakit . Pero kailangang tanggapin . Naisip ko lang ,kung nakilala kaya niya si Luc ay ganyan din niya kamahal?

Napaatras ako ng lumingon sa gawi ko si Loreen , nakita ko pang tinawag niya akong " Principal" ,bago pa lumingon sa gawi ko si Laurent ay mabilis na akong umalis doon .

Tumulo na naman ang luha ko , sa limang taong paghihirap , hindi pa pala pagod ang mga mata ko.

Napabuntong hininga ako . Hangga't kaya kong itago ang lahat ng ito gagawin ko, ayokong masaktan ang anak ko. Ayoko ng makasira ng pamilya . Tama si Dach ,mahal na mahal ni Laurent ang asawa niya .

*to be continued*

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon