Chapter 6

4 1 0
                                    


Pabaling baling ako sa higaan , wala pa si Kyle kaya si Lorreal muna ang katabi ko sa kama , tutal ay ayaw pa niyang matulog ay hinayaan ko na lang muna siyang mag-ikot ikot sa kama at paglaruan ang comforter namin . Hindi ko makalimutan ang mukha ni Luc , napakagandang pangalan para sa gwapong bata na katulad niya . Napabangon ako at napatingin sa anak ko , nakatalukbong siya ng comforter at kinakausap ang teddy bear niya ,natawa na lang ako .

Tumayo ako at pumunta sa drawer ko , pagkabukas ko nun ay agad kong kinuha ang album namin ni Kuya . Nandito ang mga picture namin simula ultra sound hanggang sa nag 18 kami , yung the rest na picture ay nasa ibang album na . Binuksan ko iyon at nabungaran ko agad ang ultra sound ni kuya , ang cute niya kahit hindi ko makita ang mukha , nauuna yung pwet niya kaya natatawa talaga ako rito .

Nilipat lipat ko pa ang picture , may swimming , birthdays , kasama mga kaibigan at family picture , hinawakan ko iyon na para bang isang magandang alaala ng aking pagkabata . Nalulungkot ako sa nangyari sa pamilya ko , sana lang ay maging masaya na sila sa kaniya-kanyang buhay nila . Kung hindi man muli mabuo ang pamilya ko ay ibibigay ko naman iyon sa anak ko , hindi ko hahayaan na masira ang pamilyang iningatan ko ng 5 taon , ayokong iparanas iyon sa anak ko . Ayoko talaga . Hindi ako papayag . Nilipat ko pa ang page at nakita ko na ang mukha ni kuya , limang taon siya nito .Nakasuot siya ng uniform ng army at naka salute , regalo sa kanya ni Dad ang damit na iyon , sa sobrang favorite niya nga ay halos hindi na siya nagpapalit ng damit , ayon at ayon lang . Kaya ang ginawa ni Dad ay bumili sya ng maraming set nun . Natigil lang ang pagsuot ni kuya ng damit na yun ng may nagsabi sa kanya na hindi siya naliligo kaya pare-pareho ang mga damit niya ,tawa ako ng tawa ng araw na yun , pero iyak naman siya nang iyak . Simula non ay tinambak na niya sa drawer ang mga damit niya na army , hindi na raw sya ulit magsusuot nun .Natawa na lang ako ng maalala ko yun .

Ang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko ay ang mukha niya at ngiti . Kamukhang kamukha talaga sya ni Luc , nakakaloka ! Hindi naman ako pwedeng mag-isip ng masama kay Madam dahil wala naman akong karapatan .

Napahawak ako sa batok ko ng mangalay ito , binalik ko na sa lagayan ang album at bumalik na sa kama , napangiti ako ng makita ang prinsesa ko na mahimbing ng natutulog kayakap ang teddy bear niya . This year ay mag-aaral na siya ,kaya naman nire-ready ko na siya para sa kindergarten . Sa school na pinagta-trabahuhan ko na lang sya mag ki-kinder , para mabantayan ko na rin .

Tinanggal ko ang mga buhok na humarang sa mukha niya at hinalikan siya sa noo .

" Good night , Baby " mahinang bulong ko bago ako humiga sa tabi niya .

Kyle

Pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko ang mag-ina ko na mahimbing na natutulog , hindi ko maiwasang hindi mapangiti , ang ganda nilang dalawa , mga prinsesa nga talaga sila ng buhay ko . Dahan dahan kong binaba ang bag ko sa couch at kumuha ng damit sa cabinet . Pagkabihis ko ay umupo na muna ako sa couch at pinagmasdan silang dalawa .

Natagalan ako ng uwi ngayon dahil dumaan pa ako kay bayaw sa ospital , tumawag siya at nakiusap na magtanong tanong sa mga nurse kung may kilala silang bagong dating na naaksidente , yung babaeng kasama niya . Bigo man ay hindi ko siya nakitaan ng panghihina , punong puno ng pag-asa ang mga mata nya na makikita pa ang babaeng hinahanap . Kung sino man siya ay napaka-swerte niya . Napailing na lang ako .

Dahan dahan akong tumabi sa asawa ko , bago pa man ako makahiga ay may napansin akong nakaplastic na kutsara't tinidor , inabot ko ito at tiningnan . Nangunot ang noo ko ng madumi pa ito , kaya tumayo ako at pumasok sa banyo , baka kailangan to bukas ni Loreen kaya kumuha ako ng sabon at hinugasan ito . Nang matapos ay inayos ito sa lagayan ng mga kubyertos . Nagpunas ako ng kamay . Lumapit ako sa anak ko at hinalikan siya sa noo , inayos ko pa ang comforter nila at bumalik na ako sa higaan . Hinalikan ko sa noo ang maganda kong asawa bago ako tuluyang nakatulog .

You're Damned Missing (Slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon