Prologue - Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan

26.9K 198 6
                                    

  I will write this story in a different way. I'll use first person's POV. :)

Sana magustuhan nyo.

--------------------

First day of school ko ngayon sa college. Syempre, hindi ko maalis sa sistema ko ang hindi kabahan lalo na at first time ko sa mataong lugar, malayo sa bayan na pinanggalingan ko at syempre,maraming magaganda at gwapo.

Ako? Ito, isang simpleng nilalang na may height na 5'8" lang naman. Mataba, morena at pangit. Hindi ko nga alam kung bakit pangit ako eh. Samantalang maganda at gwapo naman ang mga magulang ko. Ang tanging pinanghahawakan ko nalang ay ang sinabi ng mga magulang ko na ako ang pinakamagandang nilalang sa mundo.Syempre naman, magulang ko 'yan eh! Pero iyong kuya ko, sa tuwing sasabihan ako nina mommy at daddy na maganda, bigla nalang sasabat at  sasabihing ang pangit ko raw. Bwisit 'yon! Akala mo ang gwapo!

Nandito ako ngayon sa building ng Adenauer kung saan ang first subject ko. Ako palang ang tao sa tapat ng room. Tinignan ko ang orasan. Mag-a-alas dyes palang pala. Napaaga yata ako ng kaunti sa alas-dyes y media kong klase. Pero ayos na rin ang early pig este early bird kaysa naman late ako sa first day.Isa pa, nakakahiya naman mag-grand entrance, lalo na sa itsura ko.

Maya-maya ay may dumating na babae. Maganda siya.Mukhang arabo. Chubby din katulad ko. At dahil sadya akong madaldal at friendly, kinausap ko 'yong babae. Mahirap na, baka panisan pa kami ng laway dito 'no.

"Hello! Dito ka rin na room?"  nakangiti ako habang tinatanong  iyon sa babae.

Ngumiti naman siya. "Hi! Oo. Ikaw?"

Pagkatapos noon ay nakipagkilala na kami sa isa't-isa. Ang pangalan niya ay Dhezerie. Nalaman ko rin na taga doon lang siya sa Baguio pero tubong Pangasinan rin pala siya. Pero purong pinoy siya. Nakakatuwa nga siya e. Madaldal rin katulad ko. Kaya simula noon naging magkaibigan na kami.Siya ang lagi kong kasama tuwing break time, lunch time at minsan maging sa hapunan.

Halos parehas din kami ng gusto at ayaw sa buhay. Naalala ko pa nga ang pagkainis naming noong sinabi ng mga prof naming sa iba't-ibang subjects na "Please introduce yourselves in front." 'It's like, hello?! College na kami. We don't need to do that.' Kaso wala, mga  prof iyon eh.

Siya nga pala, Pharmacy ang  course namin. Sobra palang hirap ng Pharmacy! Akala ko simpeng memorization lang tapos konting memorization ulit pagkatapos ay tapos na! Pero hindi dahil nakita ko na ang checklist namin. Meron doong calculations; memorizations ng generic names, brand names,chemical names, chemical formula, chemical structures; idagdag pa ang mga sakit, mode of actions ng gamot, iba't-ibang parte ng katawan, neurons, receptors, marketing and management tapos calculations ulit. Nakuu! Papasa kaya ako nito?

At syempre dahil teenager ako at ang mga  teenagers ay mahilig sa mga crush-crush ay may naging crush din ako syempre. Si Garvo Villazanta.  Matangkad siya-mas matangkad pa sa akin, laging nakakunot ang noo, makakapal ang mga kilay niya na siyang nagustuhan ko talaga sa kanya, mysterious type din siya pero marami rin namang kaibigan, matalino rin. Mahilig din siyang lumamon este kumain. He's even good in playing basketball.

Paano ko alam? Niyaya ako dati ng mga blockmates ko na magbasketball. Kaso ano namang gagawin ko doon? Hindi pa nga ako nakakashoot ng bola sa tanang buhay ko eh.=_= Mabuti pang matulog nalang sa dorm dahil katatapos lang ng mid term.

Pero crush ko na siya dati pa bago pa nila ako yayain.

Kinikilig nga ako noong sinabi niyang nahihiya raw siya sa akin eh. Feeling ko crush niya ako! ay! Ang landi! Haha!

Pagpasok ko noon sa klase, ang dami nang may crush kay Garvo. Even my bestfriend, Dhezerie, likes him too. Nahiya naman ako sa dami nila kaya sinaloob ko nalang ang pagkakaroon ng lihim na pagtingin sa kanya-even with Dhez.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon