chapter 2

335 15 0
                                    

CHAPTER 2

SI PAUL

" lasing ka na tara na iuuwi na kita..." seryosong saad ko aktong lalapit ako sa kanya ng ngumisi sya saka tumakbo.. Nasapo ko naman yung mukha ko.. Damn this girl.. Bakit sya ganyan.. Pakshet kasing mga magulang niya.. Pinalaki syang spoiled.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumunod sa dereksyon na tinahak ni sarah.

" paul habulin mo ko.?!" sigaw pa niya.. Haixt tinuloy ko lang yung pagsunod sa kanya.. Aantayin ko nalang syang mapagod naiinis na talaga ko..lagi nalang ba kaming ganito.. Ilang sandali ko pa syang sinundan ng isang motor yung tumigil sa harap niya..
"ok ka lang ba miss.?" saad nung lalake agad naman akong lumapit.
"sinusundan niya ko." turo sakin ni sarah.. Kita ko naman yung tingin sakin nung lalake.. Haixt bwiset ka talaga sarah ipapahamak mo pa ko.
" Pare its not what you think." taranatang saad ko.
"no! tulungan mo ko.. Sinusundan niya ko tingin ko may balak sya sakin." arte ni sarah... Bumaba naman ng motor yung lalake.
" umalis ka na bago kita isumbong sa mga pulis.. Hindi ka naman mukhang rapist pero malay ko ba kung ano ka.. alis" saad nung lalake habang hinahawi yung buhok ni sarah na napunta na sa mukha niya.
" sarah umayos ka nga.. Pare girlfriend ko sya."
" NO wag kang maniwala sa kanya." pagmamakaawa ni sarah gigil naman akong lumapit kay sarah saka hinawakan sa braso niya pilit naman nitong tinatanggal yung kamay ko. " where's your key.?" saad ni sarah sa lalake ng matanggal yung kamay ko.
" sarah ano ba!" sigaw ko.
" wag mo sya sigawan.. Hindi sya bingi."
"syempre alam ko na hindi sya bingi pero lasing sya.."
"kaya nagbabalak ka ng masama sa kanya dahil lasing sya.?" hamon nung lalake.. Damn it nagulat lang kami parehas ng kunin ni sarah yung susi ng motor dun sa kamay ng lalake saka agad sumakay sa motor.
"sarah stop it!" inis na saad ko pero binigyan niya lang ako ng nangaasar na ngiti saka mabilis na pinaandar yung motor..
" hoy motor ko yan!" sigaw nung lalake. Umiwas naman ako ng tingin buti nga pakialamero kasi. " hoy san niya dadalhin motor ko I mean hindi pala akin yun. Shit magagalit sakin si kuya aldred.!" nagkibit naman ako ng balikat.
" pakialamero ka kasi sabing girlfriend ko yun eh."
"eh malay ko ba.?"
"mukha ba kong rapist.?" simangot ko tinitigan naman niya ko saka nagkibit ng balikat.
"hindi nga."
"see.."
"wait yung motor nga san dadalhin nung babaeng yun yung motor ko.?"
" kala ko ba hindi sayo yun.?"
" I mean motor ni kuya aldred.. Shit magagalit yun eh! San ba niya dinala.?"
" hindi ko alam..aalis na ko hahanapin ko sya." saad ko saka tumalikod pero hinaranagan niya yung daanan ko. " what.?"
" sasama ako..?"
" bigay mo nalang sakin yung address mo.. Babalik ko yung motor mo or kung ibangga ni sarah yun ibibili nalang kita ng bago."
"hindi pwede mahalaga kay kuya aldred yun eh."
"aixt.. Babalik ko nalang."
"sasama nga ako wag ka makulit hahalikan kita jan."saad niya napalingon naman ako sa kanya.. Ano daw.? " joke lang sasama nga ako."
"fine.!." simangot ko saka naglakad pabalik sa bar kung saan nakaparada yung kotse ko.. Haixt kailan ba magbabago si sarah.. Nakakainis na sya ng lingunin ko yung lalake kita ko lang yung pagiwas ng tingin niya.. Kinda wierd.
" san natin hahanapin yung girlfriend mong baliw.?"
" I don't know.." maikling saad ko.
" I'm geo." saad niya na may ngiti sa labi.. " yung girlfriend mo Sarah ang name.?" hindi naman ako sumagot tinuloy ko lang yung paglalakad ko.. " ikaw ano pangalan mo.?" napabuntong hininga naman ako saka tumigil sa paglalakad.shit
" I'm paul.. Shut up ok wala ako sa mood sagutin yung slambook mo sa utak..so shut up.!" gigil na saad ko pero ngumiti lang sya saka naglakad napakamot naman ako sa ulo.. Curse ko ba to.? Bakit parang abnormal lahat ng nakikilala ko... Badtrip. Sumasakit ulo ko! What a life.. Tinuloy ko naman yung paglalakad ko..ilang sandali din kaming naglakad hanggang makarating kami sa tapat ng kotse ko.
"Paul Wow nice car." ngiti niya.. Hindi ko naman sya pinansin pumasok lang ako sa kotse hinayaan ko naman syang sumakay sa driver side. " ang bango..amoy lemon.. Hulaan ko huh Joy ang gamit mo na pabango sa car mo..?" natatawang saad niya..haixt..
" Ano nga uli pangalan mo.?" lingon ko sa kanya.
"Geo.." saad niya habang pinapakialaman yung maliit na bear na nasa dashboard ng kotse.
"don't touch that."
" ang cute kay sarah to noh.?.." lingon niya sakin napabuntong hininga naman ako saka tumingin sa labas ng bintana.. Saan ko nga ba hahanapin si sarah.. Bwiset talaga nang damay pa.. Hindi naman siguro criminal tong kasama ko.. Haixt wala sa itsura pero pano kung oo.. Handa naman siguro ako makipagsapakan dito.. Kainis. " ang linis ng car mo huh.." pakialamero.. haixt
"ihahatid nalang kita sa inyo.."
" no.. Sasama ako sa paghahanap sa baliw mong syota.. Dapat ata dinadala na sa mental yun eh."
" please ihahatid nalang kita.. San ka ba nakatira? Kung iniisip mo yung motor mo.. Ibabalik ko sa bahay niyo yun kung buo pa.. Kung hindi na ibibili nalang kita ng bago.. Don't worry hindi kita tatakbuhan."
"hindi pwede.. Mahalaga kay kuya aldred yung motor na yun.. Papatayin ako nun pag umuwi ako na wala yun..kaya hindi pwede."
" bakit may ginto ba dun.?"
"Mukha bang Vault dun sa motor.? Uhm pero sabagay.. Oo meron." saad niyang may matamis na ngiti sa labi.
"gold bar.?" ngiwi ko.. Teka paano.? Haixt bakit ba ko naniniwala.. Abnormal nga din pala tong kausap ko..
" no... Golden memories." saad niya. " alam mo kasi yung syota niya ngayon nakilala niya habang sakay sya ng motor na yun kaya mahalaga sa kanya yun."
" ang sentimental naman.."
" yeah.. Kaya hindi pwede mawala yun."
" pakialamero ka kasi.. nadamay ka tuloy buti nga sayo."
" gago ka pala eh ikaw kaya makakita ng sexy na babae habang paika ikang naglalakad tapos may nakasunod na lalake.. Ano gagawin mo.?"
" depende kung mukhang rapist yung sumusunod dun sa babae."
" sa panahon ngayon kahit gwapo may saltik na sa utak.."
" sabagay. Parang ikaw." maikling saad ko napalingon lang ako sa kanya ng marinig yung mahina niyang pagtawa. " why.?"
" nagagwapuhan ka sakin.?"
" huh.?"
" wala..nevermind baka mainlove ka pa sakin.."
" ano.?"
"wala Sabi ko ang gwapo mo.. Tara na baka kung san pa mapunta yung motor ni kuya aldred.. Papatayin talaga ko nun eh." kita ko lang yung pagngiti niya habang nakatingin sa labas ng sasakyan..
" fine.." saad ko saka pinaandar yung kotse ilang sandali pa kaming walang imikan ng lalakeng to.. Hindi ko naman kilala pero kasama ko ngayon .. Bwiset kasi si sarah eh.. Gusto ko na sya hiwalayan pero pano na sya kapag wala ako..baka mabalitaan ko nalang na nagahasa na sya..kailan kaya magkakapakialam sa kanya yung magulang niya.. Matagal ng nawala yung love ko sa kanya.. Awa nalang.. Yun nalang talaga ang meron ako sa babaeng yun..
" nasa mood ka na ba.? Inaantay ka na kasi ng slambook ko sa utak eh." saad niya napalingon naman ako sa kanya.. Fuck ano daw.?! Shit.. May slambook talaga sya sa utak..? Ang sakit sa ulo..
" ano sabi mo.?"
"haixt kaya siguro sinisigawan mo yung girlfriend mo kasi ang totoo ikaw ang bingi. Gusto mong gumawa nalang ako ng subtitle para mas malinaw yung pog sagot mo sa slmabook.??"

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon