chapter 8

213 11 0
                                    


SI GEO

" si chris mahal ko sya kaya wag ka ng umasa... Porket break na kayo ng girlfriend mo lalandiin mo na ko.. Layuan mo ko paul hindi kita type." lalo lang syang natawa sa sinabi ko.
" hoy hindi kita nilalandi.."
" ano tawag mo sa ginagawa mo..?"
" nangaasar.. Laki ng difference nun huh.."
" nakakaasar ka..? Yan ba gusto mo sabihin ko.. Fine.. Naasar ako.. Ngayon gusto ko na pumunta kay chris.. Pwede ba dalhin mo na ko sa kanya..?"
" haixt sabi ko nga.." ngiti niya umiwas naman ako ng tingin.. Badtrip na ngiti yan oh.. Pagdating namin sa bar na tinutugtugan ni chris nilibot ko lang yung tingin ko sa lugar.. Ang ganda.. Mukha ngang sosyal. " wait.." pigil sakin ni paul ng aktong bababa ako ng kotse,
" why..?" simangot ko.
" navaccine ka na ba..?"
" huh.?" kunot ang noong saad ko.
" bawal kasi hayop jan baka mangagat ka eh..?" asar niya nilapit ko naman yung mukha ko sa mukha niya saka sya gigil na tiningnan.." what..?" hamon niya na hindi iniwas yung mukha niya.. Shet.. " gusto mo ng kiss..?"
" fuck you..!" saad ko pero nagulat ako ng biglang maglapat yung labi naming dalawa ilang sandali akong parang naging estatwa.. Putekkkk..waaahh Ano to.. Agad lang akong humiwalay sa kanya saka sya nagtatakang tinitigan pero isang ngiti lang yung binigay niya.
"masarap ba..?" tanong niyang may matamis na ngiti sa labi.
" aaiiixx shit!!!" gigil na saad ko saka bumaba ng kotse niya.. Tambling!! Napapakit lang ako.. Damn it! First kiss.. Sa lalake..? Si paul.. How come para kay chris dapat yun ah! Gigil lang akong naglakad papunta sa entrace do or die.. Dapat makiss ko si chris ngayon.. Naa! Hindi ako papayag.. Hindi!! Malapit na ko sa pinakaentrace ng makita ko si chris na palabas.. Tumigil naman ako sa paghakbang.. Ikiss ko na ba sya.. Magisa lang naman sya eh.. Aixt.. Ngayon na ba.. ? Galaw geo..ano ba.,
"geo..?" tawag ni chris sakin.. Hindi naman ako nakagalaw ng lumapit sya sakin.. Aytt.. " ano ginagawa mo dito.?" tanong nito.
"uhm eh ah chris.." tarantang saad ko.
"manunuod ka..?" ngiti niya nakagat ko naman yung labi ko saka tinitigan yung lips niya.. Aixtt Im sorry.. Pero aaahhh bahala na..! Natigilan lang ako ng makitang nakatingin sya sa likod ko.. Napalingon naman ako. " paul..? Magkasama kayo.?"
" yeah.." nakangiting saad ni paul.. Sinamaan ko naman sya ng tingin.. Damn it..! " magsisimula na ba kayo..?"
" yeah.. So papanuorin mo kung pano kami tumugtog..?" ngiti ni chris.
" parang ganun na nga.. Ok lang ba..? Well napanuod na kita nung high school tayo wala namang duda sa ganda ng boses mo..just want to know kung nagimprove ka ba or may nagbago ba .? You know stuff like that.. Ok lang naman di ba."
" ok lang bro.. Enjoy the night.." saad nito saka tumingin sakin. "ang gwapo mo ngayon ah..?" saad niyang nakatitig sa mata ko..tangna! Nakakatunaw yung tingin niya.. Hindi naman ako ice cream pero feeling ko nagmemelt ako ng mga oras na yun!
" matagal na kong gwapo.." pilit na ngiti ko natawa naman sya.
" namiss kita.. Di lang kita matyempuhan sa park eh.." saad niya napatitig naman ako sa mukha niya.. Namiss niya ko..? Totoo..? Shet ang sarap pakinggan nun..
" chris..uhmm.." naman oh gusto ko sya ikiss.. Buset na paul kasi to kinuha yung first kiss ko.. ! Nakakainis talaga.!
" what..? May problema ba.?" kunot ang noong tanong niya.
" wala yang problema tol.. Tara na geo.. Magsisimula na sila." hila sakin ni paul papasok sa entrance agad ko naman tinangggal yung kamay niya..nang lingunin ko si chris nakatalikod lang sya.. Haixt namiss niya ko! Muli lang akong hinila ni paul papasok.. haixt
" I hate you..!" gigil na bulong ko sa kanya pagkaupo namin sa pangdalawahang mesa..
" why..?" ngiti nya.
" Para kay chris yun eh.."
" ang alin..?"
" yung first kiss ko..! Badtrip ka kung alam ko lang na hahalikan mo ko hindi na ko pumayag na samahan mo ko dito."
" ang big deal naman sayo ng kiss na yun.."
" first kiss nga eh.. Ang tanga mo talaga noh..?" simangot ko natawa naman sya,
" tingin ko naman nasarapan ka sa kiss na yun.. Tama ba ko.?"
" gago hindi.. Kainis..! Gustong gusto kita patayin.. Alam mo ba yun.?! Lumayo ka sakin baka bigla nalang kayo magkita ni satanas. Paull!! Nakakainis ka.." simangot ko sa kanya.
" di ka man lang masaya na ako yung first kiss mo..?"
" hindi.."
" owss.."
"paul hindi nga kita gusto bakit ba ang kulit mo.. busted ka na di ba.?"
" anong busted hindi naman kita nilagawan ah.. Feeling chicks ka talaga eh noh..?"
" hindi kita gusto kaya please.."
" hindi rin naman kita gusto ah.."
" eh bakit mo ko kinukulit..?"
" uhm wala lang.. Bored..?"
" eh kung ihampas kaya kita sa blackboard.. Kainis talaga oh." inis na saad ko napabuntong hininga naman sya.. Ilang sandali lang kaming walang imikan haixt kung pwede ko lang gawin yung nasa isip ko.. Malamang ilang beses na syang pinaglamayan..!
" sorry.." mahinang saad niya na sa ibang dereksyon nakatingin..
" huh..?"
" sabi ko sorry.."
" wow.. 8888 ka ba..?" ngiwi ko.
" huh..?" kunot ang noong saad niya.
" sabi ko 8888 ka ba..? Kasi sa panahon ngayon 8888 nalang ang marunong magsorry may kasama pang explanation..!"
"ewan ko sayo.. Basta sorry.. Hindi ko sinasadya.. I know mali yung ginawa ko."
" mali talaga..!"
" kaya nga sorry di ba.. First kiss mo ba talaga ko..?"
" unfortunately.fuck!"
" Sorry..maniwala ka sa hindi.. Kainis.. First kiss din kita sa lalake eh.." napapakamot na saad niya.. Natitigan ko naman yung mukha niya.. Aixtt shet. . Ang gwapo..
" first kiss..?"
" first and last.. Hinding hindi na ko manghahalik ng lalake.."
" straight ka ba..?"
"oo naman.. Hindi maganda sa pakiramdam yung kiss kanina.. Aixt sorry.."
" hoy kapal mo.. "
" I mean hindi ko naman sinasabi na hindi masarap yung lips mo.."
" you mean nasarapan ka sa lips ko..?"
" no..!"agad niyang tanggi.." awkward.. First time ko naramdaman yun eh.."
" eh gago mo kasi..paul.. Seryosong usapan.. Gusto mo ba ko.?"
" hindi nga.. Straight ako geo.. Ok.. so hinding hindi ako magkakagusto sayo..yung kiss kanina wala sa plano ko yun aasarin lang dapat kita eh kaso dumikit yung lips ko eh."
" kailangan ko makiss si chris ngayon.."
"huh..?"
" gusto ko ikiss si chris ngayon.."
" hindi ka pa nakuntento sa lips ko huh.?"
" aixt badtrip ka kasi.. Gusto ko lang maramdaman yung pakiramdamn ng kiss niya.."
" ano ba naramdaman mo nung nagkiss tayo kanina..?" kunot ang noong tanong niya.. Umiwas naman ako ng tingin. " what..?"
" ewan.. Wala.. Walang dating.." simangot ko natawa naman sya.
" namumula ka.." ngiti niya.
" fuck you ka kasi first kiss ko yun eh.."
" ok.. Namiss ka daw niya ano ibig sabihin nun.?" saad niya napalingon naman ako sa stage nakita ko lang si chris na kausap yung mga kabanda niya.
" narinig mo yun..?"
" yeah.. Kung tingin mo may gusto sya sayo.. Malabo yun.." sarkastikong ngiti niya saka tinaas yung kamay para tawagin yung waiter.
" bakit malabo..? Ano yun parang tv na walang antena ganun.. Uso na po cable ngayon.?"
" OO paran kang tv na walang antena.. Ang sarap mo patayin." simangot niya.
" ikaw ang masarap patayin.. Ang kapal mo!"
"Alam mo... si blue lang ang mahal niyan eh."
" people change..?"
" pero ang love hindi.. Yeah.. Nagbabago ang tao.. Pero ang puso kapag tumibok yan..no choice.. Sometimes it takes a lifetime para mabago mo yung nararamdaman ng tao.." seryosong saad niya lumapit naman yung waiter. " isang bucket ng beer.. Fries .. What do you want..?" untag niya sakin ng mapansin na nakatitig ako sa mukha niya.
" kahit ano.."
"meron ba kayong kahit ano dito..?" tanong niya sa waiter.. Sinimangutan ko naman sya.
"nachos. cheeze." ismid ko..
" ok nachos..cheeze May gusto ka pa..?"
" wala na.."
" ok..yun lang." saad niya sa waiter.
" ok sir." saad nung waiter saka umalis.. Napabuntong hininga naman ako,
" ano nagustuhan mo kay chris.. I know gwapo sya pero aware ka naman na may mahal na yan di ba.?"
" uhmmm bakit mo tinatanong..?"
" wala lang.. Bawal ba tayo magkwentuhan..?"
" gusto ko sya.. Kasi.. Ewan basta i like him..at wala akong pakialam sa past niya mas may pakialam ako sa fuuture naming dalawa." seryosong saad ko umiwas naman sya ng tingin..
" alam mo ang wierd talaga ng kiss natin kanina.."
"bakit..?"
" ah wala nevermind.." iling niya.. Napalunok lang ako ng mapagmasdan yung lips niya.. Ano nga ba naramdaman ko dun sa kiss..? Tumigil ang earth..? Nagkaroon ng dambuhalang tambol sa dibdib ko..? Aixxt kainis.. Bakit parang gusto ko ulit maramdaman yung kiss na yun.. " what..? Wag mo ko titigan..?" natatawang saad niya.. Natauhan naman ako.. Shet kainis.. Ang sarap niya naman kasi titigan.. Erase... ! Naman oh.
" hindi kita tinitigan noh..?"
"ows.. Dun ka kay chris tumingin.. Di tayo talo.. At hindi kita papatulan.."
" haixt..! Lakas mo mang badtrip grabe.!" inis na saad ko saka nilingon si chris.
" buo na yung gabi ko.."
" bakit sira ba kanina.. Anong akala mo sakin mekaniko..?"
" naasar ka na kasi sakin.. Achievement yun.."
" ano ako medal..? Gago ka ah.."
" ang cute mo grabe.. Sarap mo ipalapa sa aso.." ngiti niya.. Nginitian ko naman sya pero tinitigan niya lang ako sa mata.. aixt
" ang gwapo mo.. Ang sarap mo -- " naputol lang yung sasabihin ko ng itaas niya yung kamay niya.
" opps.. Gwapo na..masarap pa.. Wala na dapat kasunod yun.."
" yuck..!"
" hoy geo pag natikman mo ko for sure.. Hindi lang si chris makakalimutan mo.. Pati sarili mo."
" hindi kita titikman noh.. Mukha ka kasing panis." sarkastikong ngiti ko sa kanya.
" kung mukha akong panis.. Amoy kaning baboy ka naman." huh ano daw.. ? Inamoy ko naman yung damit ko.. Mabango naman ah. " ay tanga naniniwala.!" natatawang saad niya.. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
" aiixt ayoko na wag mo na nga ako kausapin..!" inis na saad ko skaa tinuon yung tingin ko sa stage.. Badtrip lakas niya mangasar..! Pilit binubuo ni chris yung gabi pero ang walang hiyang to.. Hindi lang sinisira.. Putek winawasak pa! Damn it! God bigyan ako ng napakaraming pasensya.. Baka bigla nalang lumabas ang kyubi sa loob ko..! Haha

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon