chapter 21

303 12 0
                                    

SI PAUL

Pagkababa ko ng phone agad lang akong sumakay sa kotse ko..Hindi ko naman mapigilang mapangiti.. Kami ang mananalo sa battle of the band alam ko. Excited na ko makita si geo.. Sobra.. Alam ko posibleng mahal pa niya si chris pero wala na kong paki dun ang importante mahal ko sya.
Humugot lang ako ng malalim na hininga skaa muling dinial yung number ni geo..
" What..??" sagot niya natawa naman ako.. " grabe ang bilis mo naman ako mamiss wala pa atang isang minuto ah.? Inlove na inlove ka talaga sakin paul."
" hindi noh.. Ang sakit kasi sa tenga ng boses.. Gusto ko lang masira araw ko.."
" Ows.."
" Nasan ka ba bakit parang ang hangin jan..?"
"Uhm nasa harbourside ako.. Malapit sa dagat.. Don't worry dadalhin kita dito pag punta mo dito lulunudin kita sa dagat!" saad niya.
"talaga nakakaenjoy naman yun..? Isama kaya natin si chris..? Tapos sabay natin syang lunudin." asar ko sa kanya.
" magpapalit ng ko ng sim nakakainis ka na paul.."
" why.. Magandang Idea kaya yun tapos di ba sabi mo may mga balyena jan... Ipakain natin sya o kaya ingudngod natin sa Iceberg!" natatawang saad ko.. Narinig ko naman yung mahina niyang pagtawa.
" nababaliw ka nanaman paul.. "
" hindi kaya.."
"I mean baliw na baliw ka na sakin..! Ikaw na kaya lumulowbat ng phone ko.."
" Tulad ng pagkabaliw mo kay chris..?"
" eh kung ikaw kaya ingudngud ko sa iceberg.. Bwiset ka sarap mo patayin.. Aixt paul.. Kung katabi lang kita baka nginudngud na kita.. Sa nguso ko.." natatawang saad niya. " joke baka masyado kang mainlove."
" Mahal mo pa nga sya.. Affected ka parin kapag binabanggit ko yung pangalan niya eh."
" haixt ewan ko sayo..."
" Sige na pauwi palang ako..Kumain ka ng marami.. Love you.."
" Ok.. Bye..wag ka na uli tumawag huh kasi mapapatay na kita." saad niya hanggang naputol yung linya.. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka ngumiti.. Ano ba nangyayare sakin..kainis talaga..di ko na mapigilan yung sarili ko wag pakinggan yung boses niya.. Badtrip na kupido naman kasi yan eh.. Sarap tangalan ng pakpak.. Mahirap mapaglaruan ng tadaha pero putek mas mahirap mapaglaruan ni kupido.. haha Haixt.. Pinaandar ko lang yung sasakyan.
Bumisana lang ako pagtigil ng kotse ko sa tapat ng bahay nila joseph..Bumaba naman ako ng makita na bumukas yung front door ng bahay nila.
" Paul.." bati sakin ni joseph lumabas lang sya ng gate.
" Ok na bro.." saad ko Ngumiti lang sya saka umiba ng tingin.
" Alam ba ni daryll..?" marahan naman akong umiling.
" Daddy ni daryll yung kinausap ni tita Agnes kaya you're safe.. At beside hindi naman alam ni daryll na ex ko si sarah."
" salamat bro huh.."
" thanks to sarah.. Malas ko lang.. Kasi kailangan ko ipakilala kay franz yung taong mamahalin ko.. Nangako kasi ako kay sarah na makikita niya ko na maging masaya.." natawa naman sya. " hoy seryoso ako gago. "
" Sabi mo eh." buntong hininga niya.
" Mahal mo talaga si franz noh."
" mahal na mahal.. Buti nga tumawag ka nung araw na yun kung hindi baka matagalan pa bago makakita si franz.. Mayaman sila daryll pero hindi ganun kadali maghanap ng mata. Kahit panget si franz willing din naman ako ibigay yung mata ko pero sigurado ako magwawala yun kapag nalaman sakin galing yung mga mata niya."
" sabagay.."
" magbabago kaya itsura niya kapag wala na syang salamin. Tingin ko hindi.. Mukha parin yun shrek..!"
" well atleast alam ko kanino napunta yung mata ni sarah.. Kahit paano matutupad ko parin yung pangako ko sa kanya.."
" pasok ka..?" alok niya.
" hindi na bro.. Uwi na din ako.. Dumaan lang talaga ko dito para sabihin sayo yun.."
" Sige salamat uli huh."
" anytime bro.." ngiti ko saka sumakay sa kotse ko.. Agad ko lang tong pinaandar nang tingnan ko yung sidemirror nakita ko lang si joseph habang nakatingala sa langit.. Yung lalakeng yun napagulo ng ugali.. Sobrang sungit pero minsan sobrang seryoso. Nung araw na mamatay si sarah tumawag ako kay blue para ipaalam yung nangyare pero dahil hindi nito sinasagot yung phone kaya si joseph ang tinawagan ko.. Nasabi niya sakin yung pagkabulag ni franz nagkataon na willing idonate ng pamilya ni sarah yung mata nito.. Nakiusap si joseph sakin na ibigay nalang kay franz yung mga mata ni sarah.
Pumayag yung magulang ni Sarah.. Nakiusap nalang ako na si tita Agnes na yung kumausap sa daddy ni daryll para hindi malaman na si joseph parin yung gumawa ng paraan para makakita si franz.. Haixt ganun ata ang nagagawa ng love willing ka mawalan para magkaroon yung mahal mo.. Kung si geo siguro yun ganun din ang gagawin ko.

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon