SI GEO
" geo..sana wag ka agad susuko sa anak ko huh.." nakangiting saad ng mommy ni chris.
"mommy.!" inis na saad ni chris saka tumayo.
" What I mean is.. Yung love niyo wag niyo basta isusuko.. Madaming pagsusubok na dadating sa inyo.. Basta fight lang.. Ok fight fight..?" ngiti ng mommy niya. Kita ko lang yung pagiling ni chris.
" tita.. Fighter po ako.. Never surrender.. Laban kung laban..!" ngiti ko saka sumubo ng ice cream. Haixt... Mamahalin mo rin ako chris.. At maghihintay ako.. Kahit matagal.
"lets go geo.."
"saan..?"
"sa kwarto ko.. Just want to show something." saad ni chris saka humakbang papunta sa living room.. Napatingin naman ako sa mommy niya.
"sige na.. I like you geo.. Please.. Tulungan mo sya..tulungan mo syang mahalin ka."
" tita..?"
"please.." seryosong saad nito marahan naman akong tumango saka nagbigay ngsimpleng ngiti.
" opo tita.."
" geo lets go..?" inis na saad ni chris tumayo naman ako saka sumunod kay chris. Haixt.. Kung hindi ko lang sya mahal.. Sinapak ko na sya haha. Naabutan ko lang syang inaantay ako sa hagdan.. " wag mo pansinin si mommy.. Parang ewan eh." seryosong saad niya.
" ok lang.."
" geo I like you.. Uulit ulitin ko ba..?" saad niya ngumiti naman ako saka umiling.
" you like me.. and I like you.. Don't worry chris.. Lahat ng sasabihin mo paniniwalaan ko... Mahal kita." saad kong nakatitig sa mukha niya nakita ko naman na umiwas sya ng tingin.
" tara.." saad niya saka nilahad yung kamay niya sakin..tinanggap ko naman yun.. Magkahawak lang kaming umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya..
" ano papakita mo.?" tanong ko ng makapasok kami sa kwarto niya.. Ang linis grabe. Nasa ayos lahat parang bawal magkalat..haha.. Nang lingunin ko si chris nakita ko lang na hinubad niya yung tshirt niya. Napalunok naman ako.. Oh my..
" Gano mo ko kagusto geo..?" nangaakit na ngiti niya. "Gano mo ko kagusto..?"
"uhm Chris..?"
" Gusto mo ko di ba.. Tell me.. You want me..right.?"
" I like you.. I love you.. And of corse I want you.." seryosong saad ko. Eh shet napakasinungaling ko kung sasabihin kong hindi ko sya gusto.. Or hindi ko sya pinagpapantasyahan sa gabi haha Lumapit naman sya sakin saka hinaplos yung mukha ko..napalunok lang ako habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Haixt.. Ayos geo.. Umayos.
" Geo.." ngiti niya habang humahaplos sa pisngi ko.. Aiixtt aktong ilalapit niya yung mukha niya ng iniwas ko yung mukha ko.
" Pero chris.. ?" saad ko kumunot naman yung noo niya.
" Pero ano.?"
" Alam mo ba yung saying about band aid.?" pilit na ngiti ko marahan naman syang umiling. " hindi mo kailangan lagyan ng band aid ang sugat kapag dumudugo pa.. Parang love.. Hindi mo kailangan maghanap ng panakip butas.. Kung alam mong mahal mo pa sya."
" Geo hindi ko na sya mahal.."
" sino..?" ngiti ko. " wala naman akong sinabing pangalan ah.?"
" si blue.. Hindi ko na sya mahal.. Pwede ba ibaon nalang natin sa limot yun..?"
" Bakit kayamanan ba yung memories niya kaya kailangan ng ibaon sa limot..? Hindi naman kailangan kalimutan yun eh.. Kasi Chris masaya ka nun.."
" hindi lahat ng memories namin masaya.."
"pero hindi rin lahat malungkot..?"ngiti ko umiwas naman sya ng tingin. "chris I love you Badtrip nga eh Basta I love you di ko alam kung bakit, Hindi ko alam pano nangyare pero wala eh ganun eh... Di ko alam bakit kinikilig ako kapag nakikita ka.. Di ko alam bakit di ka mawala sa utak ko.. Di ko alam bakit gustong gusto ko makita na masaya ka.. Di ko alam bakit gusto kita tulungan.. Tulungan kalimutan sya.. Chris.. Alam ko masasaktan ako.. Pero gusto ko sumugal.." ngiti ko sa kanya. " gusto ko sumugal.. Kasi I love you.. Bahala na si batman..o si superman.. Or kahit sinong superhero basta gusto ko.. Gusto ko subukan."
" Geo.."
" gustong gusto kita halikan.. Pero.. Alam ko maalala mo lang sya." tumalikod naman sya saka pabagsak na naupo sa kama dinampot ko naman yung tshirt niya saka binato sa kanya.. Bumuntong hininga lang sya saka to muling sinuot.
" Geo bakit ganun.."
"anong bakit ganun..?"
" bakit ang hirap niya kalimutan.." napabuntong hininga naman ako saka umupo din malapit sa kanya.
" hindi sya mahirap kalimutan.. Ayaw mo lang talaga.." ngiti ko kinuha ko lang yung unan niya saka niyakap.. Haixt ang sarap yakapin.. Ang bango..haha
" gusto ko.. Ang tagal na di ba.."
" Kung gusto may paraan.. Kung ayaw may dahilan..di mo ba alam yung saying na yan..?"
" ginagawa ko naman lahat ng paraan eh.. Lumayo na ko.."
" 4 + 3.?"
" huh..?"
"sagutin mo nalang..?"
"7.?" nakakunot ang noong sagot niya.
" 2 + 5.?"
"7.?"
" the point is the way you do things is not always the way to do them..Maraming way para kalimutan sya chris..hindi lang isa.. Hindi lang dalawa..madami.. Pero ano ginagawa mo..? Lagi kang bumabalik sa square 1.. ? pano mo sya makakalimutan kung lagi mo sya iniisip.. Maybe lumayo ka pero si blue hindi mo sya inalis jan sa utak mo.. Kaya yung puso mo.. Yun paulit ulit na nasasaktan, sadista ka eh sa sarili mong puso." napabuntong hininga naman sya ilang sandali lang walang nagsalita samin.
" marami ngang paraan.. Pero minsan kahit anong gawin mong way.. You'll always go back to one..paulit ulit.."
" then magstart ka sa number 2..?" ngiti ko. " wala na atang sense sinasabi ko.." natatawang saad ko.." let me love you chris..Until you learn to love yourself.." ngiti ko sa kanya natawa naman sya.
" kanta yan eh..?" napapakamot na saad niya. Haixt yung ngiti niya.. Kailan kaya magiging totoo yun.
" Minsan chris.. Hindi lang dapat puro boses mo yung pakinggan mo...Kaya kong rin kumanta para sayo.. para mabago yung tono ng buhay mo."
" Geo.."
" Look.. Pano mo sya makakalimutan.." tumayo lang ako saka kinuha yung picture na nakalagay sa side table ng kama niya. " ang cute niyo dito ni blue."
"aixt ang alam ko binalik ko yan sa cabinet eh.? sorry." pilit na ngiti niya.
"first step para makalimot.. Tanggalin lahat ng mga bagay na pwedeng makapagpaalala sa kanya." lumapit lang ako sa trash can saka ngumiti sa kanya.
" wag..?"
" why..uhmm kakalimutan mo na sya di ba..?"
" Oo pero.. Please wag..?"
"kung gusto may paraan..? Right.. So ayaw mo pa sya kalimutan.? Sasapakin kita.?" banta ko sa kanya habang nakangiti.
"gusto.. Gusto na..?"
"edi itapon na to.?"
" pero kasi.. Ang tagal kong tinago yan eh.."
" chris.. Sinasabi mo na yung mga tao sa paligid mo yung hindi makapagmove on.. Hello ikaw kaya..? si blue at kuya aldred mahal nila ang isa't isa eh.. Hayaan mo na sila..?hindi masarap sa feeling maging ekstra.. Try mo kaya maging bida..maging bida Sa sarili mong kwento."
" pero."
" wala ng pero pero.." ngiti ko saka binagsak sa trash can yung picture frame.
"geo..?" gulat na saad niya saka tumayo para sana pumunta sa trash can pero agad akong humarang.
"subukan mong kunin.. Hahalikan kita.?" banta ko sa kanya natigilan naman sya. " di ako nagbibiro hahalikan talaga kita.?"
" Geo bakit mo tinapon.. Aixxt."
" now tell me bakit last night ayaw mong halikan kita.. Bakit gusto mo ikaw ang hahalik..?"
" uhmm.."
" ano..?"
" yung picture.. Kunin mo..?"
" chris tayo na.. Kaya wala ng secret secret..?"
" uhmm.. Geo naman eh..?"
"sasapakin kita..?" sumimangot lang sya saka umiwas ng tingin.. Natawa naman ako ng payak. " Chris.. Ikaw nagsabi na tayo na di ba.. So magdusa ka. So tell me.. Ano yung tungkol sa kiss.?"
" kunin mo na yung picture.. Tatago ko nalang sa cabinet.. Promise di mo na makikita yun..?"
" Sasabihin mo ba... Or makikipagsapakan ako sayo.?"
"huh.?"
"seryoso ako..?"
"aixt.. Nung kami ni blue mas gusto niya na ako yung humahalik sa kanya.." iwas niya ng tingin.
"ah tange ka pala eh.. Malamang hindi ka niya mahalikan kasi naalala niya si kuya aldred.."
"may amnesia sya nun.."
" edi hindi ka niya magawang halikan kasi alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga niya ginagawa yun..?"
" Kunin mo na yung picture please..?"
" ayoko..?"
" geo..kunin mo..?"
" ayoko nga.." ngiti ko saka lumapit sa kanya.. " gusto mo ba maramdaman yung kiss..yung Kiss na para talaga sayo..?"
"huh..?" iwas niya ng tingin.
" let me help you chris..? Let me help you get over him.." saad ko saka umupo sa tabi niya..
" geo hindi kasi ako sanay na ako yung hinahalikan eh.."
" dapat sanayin mo yung sarili mo na ikaw yung minamahal.. Hindi yung ikaw lang ang nagmamahal.. Chris.. Hayaan mong mahalin ka.. Hayaan mong sumaya ka..?"
" Pero."
" pero nanaman...close your eyes.." umiwas naman sya ng tingin.
"Alam mo ba nung nahuli kami ni aldred before.. Blue asked me to close my eyes.. Then he kissed me.."
" really.. Then open you eyes.." ngiti ko..
" geo.. You don't have to do this..?"
" Gusto kita ikiss.. Ang KJ mo naman eh..!"
" Ako nalang..?"
" ayoko.. Gusto ko ako.." nguso ko.. Napakamot naman sya sa ulo.
" fine.. " saad niya saka pinikit yung mata..
"open your eyes nga.. Para ako ang makita mo hindi si blue..?"
" gusto ko eh..?"
" sapak..?"
" geo naman eh.."
" tayo na di ba.. Reklamo ka pa.. Kung gusto mo sumaya at makalimutan sya . Susunod ka sakin.."
" damn it..! Break na tayo."
" eh kung yung buto mo ibreak ko..? May basbas ako ng mommy mo kaya shut up." ngiti ko saka hinawakan sya sa magkabilang pisngi kita ko naman na napalunok sya.
"geo.." awat niya sakin.
" wag ka nga makulit.. Gagamitin mo din lang naman ako para kalimutan sya.. Edi magpapagamit na ko todo di ba..I'll be useful anyway..mahal kita eh." ngiti ko sa kanya saka dahang dahang nilapit yung mukha ko.. Kita ko lang yung titig niya sakin. Pilit niyang tinatanggal yung kamay ko sa mukha niya pero hindi ko sya hinayaan.. Hanggang maglapat yung labi namin.. Naramdaman ko lang na hindi sya nakagalaw.. Masuyo ko lang syang hinalikan saka dinama yung labi niya.. Sheeeettt! Pabor na pabor sakin to hahaha.. Shet ramdam ko ung init na dumaloy sa bawat himaymay ng laman ko.. Dahan dahan ko lang pinikit yung mata ko hanggang maramdaman ko yung pagluwag ng pagkakahawak niya sa kamay ko.. Hinayaan niya lang ako.. Yung lips niya.. Shet.. Hanggang maramdaman ko yung pagsagot niya sa halik na yun.. Natauhan naman ako..
Dahan dahan lang akong humiwalay sa kanya.. Napangiti lang ako ng makita na nakatitig lang sya sakin. " masarap ba..?" ngiti ko natauhan naman sya saka tumayo.
" uhm geo.."
" magteacher nalang kaya ako chris..?"
" huh..?"
" tuturuan kitang mahalin ako.."
" uhmm.." iwas niya ng tingin. " di ba sabi ko nga i like you..?"
" oo nga.. Alam ko naman yun.. Tingin ko nga mahal mo na ko dahil sa kiss na yun eh." natatawang saad ko.
" uhmm..."
" aminin mo.. Iba naramdaman mo di ba.?"
"anong iba..?"
" Basta I can feel it..gusto ko sana ng sex.. Pero mahalin mo muna ako..?"
" ok lang naman sakin na magsex tayo eh.. Yun talaga yung plano ko kanina.."
" I know.. Ano tingin mo sakin.. Tigang..? Sex before mariage kaya ako..?" natatawang saad ko.. Kita ko naman na natawa sya. " hoy seryoso ako tanga.."
" hindi ako tanga ah.."
" ows ang gwapo mo.. Tanga naman...Please labas na tayo dito..?"
" bakit.?"
" uhmm.. Baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko makipagsex sayo eh.. Ang sarap ng lips mo grabe..!" iling ko.
" gusto mo halikan kita..?"
" ayoko.. From now on.. Bawal mo ko ikiss.. Ako lang ang pwede humalik.."
" uhm pano kung gusto kita halikan.?"
" so you like to kiss me..?" ngiti ko umiwas naman sya ng tingin. " sa sarap ko tong chris.. Tanga lang ang tatangi sa lips ko." tawa ko.
" kapal.."
" deny ka pa.."
" fine.."
" ok case close.. Kung gusto mo ikiss kita.. Juts ask for it ok.?"
" haixt kakaiba ka talaga."
"I know right..tara labas na tayo.. Ang init dito sa kwarto mo.."
" gusto mo lakasan ko yung aircon..?"
" What I mean.. Ang hot mo.." simangot ko tumayo naman ako saka lumapit sa pinto. " let's go..?"
" ok.. Dito ka magdinner huh..?" ngiti niya.
" uhmm say please..?"
" geo naman eh.."
" say please chris.."
" please.."
"ooyy mahal niya na ko.." asar ko sa kanya. " Don't be afraid to jump chris.. I'll do whatever it takes just to catch you.." ngiti ko sa kanya saka lumabas ng kwarto.. Para namang nabunutan ako ng tinik .. Hahah shet .. Super control..! Haixt gusto ko sya isex pero geo kalma.. Mahalin mo rin yung sarili mo sabi nga ni paul.. I'll make sure na mahal niya ko bago ako pumayag.. Pero.. Uhm bahala na shet. God please.. Bigyan niyo ko ng maraming self control haha..
