SI GEO
Hindi ko lang mapigilan mapangiti habang hawak yung picture ni blue at chris na nasa picture frame..haha magwawala yun si chris kapag nalamang wala sa cabinet niya to haha. Natigilan lang ako ng marinig yung katok sa pinto.. Agad ko lang nilagay sa ilalim ng unan ko yung picture frame.
Bumukas yung pinto..
" Kuya aldred why..?"
" Bakit sabi ni mommy lagi ka daw umaalis. San ka pumupunta.?"
" uhm.. Ano gusto mo.. Buruhin ko yung sarili ko dito kuya.? Ano ako alak.?"
" san ka nga pumupunta.?" simangot niya saka pabagsak na nahiga sa kama.. Haixt baka makita niya yung picture kainis naman..
" wala lang kung saan saan lang.? May sariling buhay yung paa ko kuya.. Kung saan saan ako dinadala."
" sabi ni mommy you looks so happy..?"
"lage naman.?"
" may pinupuntahan ka noh..?"
" wala nga ang kulit mo.. Bakit ka ba nandito.? May problema ka noh.?"
" huh.?" iwas niya ng tingin.
"ah meron nga noh.."
" hoy gago ikaw ang topic.. Bakit iniiba mo ang usapan.?"
"ano problema mo kuya.. Tungkol ba sa pera..? tatawagan ko si mommy.?"
" hindi ah..?"
" eh ano..?"
" ikaw ang problema ko at sa kung saan ka pumupunta..?" " owss.. Ano nga kuya problema mo.. Tungkol ba kay blue..? Nagaway ba kayo.?"
" hindi..?"
" eh ano nga..?"
"wala nga..? Ang kulit mo.?"
" sabihin mo na kasi.. Or pupuntahan ko si blue.?"
"wag.."
" why.?" tanong ko napabuntong hininga naman sya. " nagaway ba kayo.?" marahan naman syang umiling. " eh ano.?"
" Si irene kasi.. Nakauwi na.." seryosong saad niya.
" and..?"
" Pano kung may plano nanaman sya.? Geo di ba you like her..? Ligawan mo kaya sya para matahimik na ko.. Baka kasi pag nagkalovelife yung babaeng yun tumino na talaga eh."
" huh bakit ako.?"
" eh kasi nga you like her di ba.?"
"dati! Past tense..?"
" maganda naman sya.?"
" eh bakit hindi ikaw ang manligaw.?"
" gago ka..aixt please.. Ngayon lang ako makikiusap sayo hindi mo ba ko pagbibigyan.? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo.. Ang liit na bagay nito."
" ah sumbatan..? Eh gago ka pala kuya.. Pamangkin ni satanas yung kapatid ni blue eh..? Eh kung sapakin kita ng nagbabaga kong kamao.?"" aixt natatakot kasi ako eh."
" ano ba move on..?"
" geo halos mamatay ako sa ginawa niya.. Tingin mo ba matatahimik ako.?"
" sabagay..? Ingat ka kuya baka pag sinumpong nanaman yun sa kabilang buhay niyo na matuloy yung forever niyo ni blue."
" fuck you!"
" joke..! Ang duwag eh."
" sige na kasi..?"
" ano.?"
"ligawan mo sya.?"
"ayoko nga.. Hindi ko sya gusto.. May gusto na kong iba kaya wag kang epal kuya."
" sino..?"
" secret.."
" Si paul.?"
" uhm oo sya.." ngiti ko haixt matahimik lang sya.. Badtrip eh.. Papaligawan pa sakin yung demonyang kapatid ni blue hahhah.. Never noh..
" sigurado ka na ba jan.?"
" oo kuya.. Si paul.. I really like him.. Ang gwapo kaya niya." napabuntong hininga naman sya.
" kayo na.?"
" Oo..? Magiisang linggo na kuya."
"talaga.?" gulat na saad niya..
"yeah kuya kaya wag kang epal."
" gago yun ah.. Di man lang sinabi samin ni blue.. Eh galing kala blue yung nung nakaraan eh.?"
"basta wag kang epal kuya.. Lumabas ka na nga.?" sabay lang kaming napalingon ng may kumatok sa pinto. " pasok.?" saad ko bumukas naman yung pinto.
" why mom.?" saad ni kuya aldred ng makita yung mommy niya.
" Si irene.. Nasa labas.."
"si Irene.?" nagtatakang saad ko.
"kasama si blue mom.?" marahan naman tong umling.
" sya lang.. Lumabas na kayo."
" huh bakit pati ako.?" saad ko.
"hinahanap ka din niya eh.. Sabi ko dito ka na nakatira." nang tingnan ko si kuya aldred nakangiti lang sya sakin.
" oh bakit kuya.?"
" wala lang tara." saad niya saka tumayo at hinila yung kamay ko.
" wait kuya ayoko.!"
" fuck you ka.. Para sa lovelife namin ni blue.. Isasangla kita sa demonyo." natatawang saad niya.
" kuya.!" simangot ko hanggang makalabas kaming kwarto..aixt nakasanla na ko kay chris .. Hindi na pwede haha.. Naabutan lang namin si Irene na nakaupo sa sofa.. Tumayo lang to ng makita kami.. Shet lalo syang gumanda..!
"hi aldred.." ngiti nito.
"uhm hi.." sagot ni kuya kita ko naman na sakin naman sya tumingin.
" Geo.?" ngiti nito.
"yeah.. Naalala mo pa ko.?" pilit na ngiti ko.
"Oo naman.. Ikaw yung pinsan ni aldred namay gusto sakin right.?" saad nitong may matamis na ngiti. Naramdaman ko naman yung pagtapak ni kuya aldred sa paa ko.
" uhmm.. Yeah.. Aixt naalala mo pa yun.. Nakakahiya..?" napapakamot na saad ko.
" ano kailangan mo Irene..? Where's blue.?" tanong ni kuya aldred.
" nasa bahay tulog eh.. Wala akong makausap.."
" Uhm.. Alam mo minsan sumasagot yung pader sa bahay nila blue.. Try mo.. " ngiti ko.
" sinubukan ko nga eh.. Mukhang busy." ngiti din niya napangiwi naman ako.. Baliw nga sya haha.. "Nabanggit kasi sakin ni blue na geo is here.."
" Irene ok nanaman tayo di ba.. Masaya na kami ni blue.. Please. Wag mo na kami guluhin.. Tama na..?" seryosong saad ni kuya aldred natawa naman si irene.
" aldred..? haixt Sorry sa lahat ng nagawa ko dati..sorry sorry sorry... Pinagsisihan ko na yun. Wala na kong gagawin para masira kami ni blue.. Wala na.. Kaya wag kang magalala.. Kung may sisirain man akong buhay baka tong sa pinsan mo pa."
" waaah bakit sakin.. Nanahimik ako eh.?" simangot ko.
" joke lang.. Hindi ikaw ang kailangan ko aldred.... Ang kailangan ko si geo.."
" huh.? Bakit ako.?"
" wala lang namiss kita eh.."
" Ok sayo na sya." ngiti ni kuya aldred saka ako tinulak.
"kuya naman eh.?"
" Pasyal mo naman ako geo.?" saad ni irene.. Nemen eh.. Haixt.
" uhm bago lang ako dito eh.. Wala akong alam na place.."
"ako marami..samahan mo na ko please..?"
"geo.. Samahan mo na sya.. Sige na.." saad ni kuya aldred napabuntong hininga naman ako. "Gamitin mo na yung motor ko."
"geo..?" tango sakin ni irene. " please..?"
" wait kunin ko yung susi ng motor,," saad ni kuya aldred saka naglakad papunta sa kwarto niya. Kainis naman si kuya aldred eh.
" Geo may gusto lang akong malaman from you.." saad niya pagkaalis ni kuya aldred. Kumunot naman yung noo ko.. Ano daw.?
" ano.?"
" about kay chris.?" saad niyang deretsong nakatingin sa mata ko.. Umiwas naman ako ng tingin. Anong tungkol kay chris..? Haixt alam kaya niya.. Pero pano.?
" oh heres the key." bato sakin ni kuya aldred pagbalik.. Kita ko naman yung tingin sakin ni irene.
"sige na nga.. Pero bibihis muna ako.." napipilitang saad ko saka naglakad papuntang kwarto.
"thank you." rinig ko pang saad ni irene.. Si kuya aldred naman patawa tawa lang..alam ba niya..? ..Pero Imposible naman na may alam sya samin ni chris.. Eh kararating lang niya .. Ang imposible nun..At itong si kuya aldred sinabi ko na ngang boyfriend ko si paul pinagtulakan parin ako sa baliw na yun.. Kakainis talaga. Pagpasok ko sa kwarto nilapitan ko lang yung pink na helmet.
" Don't worry chris.. Sayo lang ako at si irene.. Tatangalan ko sya ng anit kapag ginulo tayo.." bulong ko saka tumuloy sa cabinet.. Pagkabihis ay agad din akong lumabas ng kwarto naabutan ko lang silang nagkukwentuhan ni kuya aldred.
" Let's go.?" ngiti ni Irene.
"Close na kayo.?" pilit na ngiti ko tumango naman si kuya aldred.
" Sana.. Maging close na talaga kami.." natatawang saad ni Irene saka lumapit sakin inangkla niya lang yung braso niya sa braso ko.
" bagay kayo..?" ngiti ni kuya aldred napangiwi naman ako.
" humihinga ako kuya.. Pano ako naging bagay.. IQ mo talaga ang baba.!" sinimangutan naman niya ko. Haixt gilitan ko sya ng leeg ang init ng braso ni Irene.. Nasa Impyerno na ba ko haha joke..
" tingin mo aldred..? Baka itong pinsan mo na yung hinahanap kong prince charming eh.?"
" no.. Hindi ako yun.." tanggi ko.
" sya yun.. Sige enjoy kayo." ngiti pa ni kuya aldred hinila naman ako palabas ni Irene.. Haixt ang bango niya amoy states haha..
" san mo gusto pumunta.?" tanong ko sa kanya habang sinusuot niya yung helmet. Tingin ko mas lalong syang gumanda yung dating mahaba niyang buhok..naging brown na.. Natuto na rin sya maglagay ng make up sa mukha na lalong nagpatingkad sa mukha niya.. Pati hugis ng katawan niya nagbago na din.. Kitang kita yung korte niya sa suot niyang fit na tshirt at maong pants..Sino magaakala na minsan naging demonya tong babaeng to.. haha
" Anywhere geo." ngiti niya tumango naman ako saka sumakay sa motor sumakay naman sya sa likod ko. " alam mo gumawapo ka." saad niya sa likod natawa naman ako.. Alam ko kaya yun hindi na kailangang sabihin haha..
" ano gusto mo malaman tungkol kay chris.?" lingon ko sa kanya.
" not here.. Tara.." ngiti niya. Ilang minuto din ako nagdrive hanggang makarating kami sa plaza.. Tinigil ko lang yung motor sa parking lot.. Bumaba naman si irene ganun din ako. " miss this place." ngiti niya pagkaabot sakin ng helmet.
" Madalas ka dito dati.?"
" Mejo." kibit niya ng balikat saka hinawakan yunng kamay ko.. Natigilan naman ako kaya tinaggal ko agad yung kamay niya. " why..?"
" uhm kasi Irene.."
" Ano ka ba hindi kita gusto noh..may boyfriend ako.." natatawang saad niya.
"talaga.?"
" oo naman.. ? Kaso complicated eh.. Pero don;t worry hindi kita type beside mukha din naman hindi mo ko gusto di ba.?"
"yeah." pilit na ngiti ko. Buti alam niya haha
" ok lang yun. Tara.." hila niya sakin nagpaubaya naman ako hanggang makarating kami sa tapat ng barbequehan.. Kita ko lang yung saya sa mukha niya habang tinitingnan yung mga barbeque na nakasalang sa grill. " yum yummm." lingon niya sakin.
" Gusto mo..?"
" oo naman.. May dala ka bang pera.?"
" uhm oo naman..?"
"joke lang may dala din ako.. Hindi ako pagpapalibre sayo.. Nakakahiya." saad niya saka may kinuhang pera sa bulsa niya. "ate this one.. Saka ito.. Then apat na isaw.." turo niya sa mga gusto niya ipaluto. " kaw lilibre kita."
" tabi ako magbabayad.." hawi ko sa kanya.
" wait may pera ako geo.."
" may pera din naman ako ah.." ngiti ko sa kanya nagkibit naman sya ng balikat.
"kaw bahala." sinabi ko lang sa tindera yung gusto ko saka nagbayad ilang sandali pa kaming naghintay saka tumuloy sa isang bench dun dala dala yung barbeque na binili namin. " salamat sa libre huh." saad niya pagkaupo.
" Bakit ka nga pala umuwi.. Ang alam ko di ba dapat after college pa.?"
" uhm kasi.."
" don't tell me tungkol parin kay blue at kuya aldred yan huh..? Itutusok ko sayo lahat ng stick ng barbeque na binili natin.? FOr god sake Irene..tigilan mo na sila.. Ang ganda ganda mo para maging dmeonyo." banta ko sa kanya.. Natawa naman sya.
" no hindi.." subo niya sa isang barbeque na binili namin.
" eh bakit nga."
" gusto mo malaman.?"
" No ba yan.. Sandali palang kayo nagiging close ni kuya aldred bumaba na rin IQ mo..?"
" Hoy may utak naman yun si aldred ah.?"
" oy pinagtatanggol. Magmove on ka na kaya.?"
" nakamove o na ko geo.. May boyfriend nga ako di ba.. Si blue ang reason kaya gusto ko na magstay here."
" si blue.. Bakit.?"
" gusto ko tulungan si blue."
" saan..? Charity na ba pangalan mo ngayon..?" pilit na ngiti ko.
" tungkol kay chris..?" natigilan naman ako pagkabanggit niya sa pangalan ni chris.
" what about him..?"
" Well dapat magbabakasyon lang ako dito.. All set.. But nabago yung plan ko."
"bakit.?"
"nakita ka ng boyfriend ko na kasama si chris." seryosong saad niya. " alam mo seryoso ako na wala na kong gagawin para masira kami ni blue or kahit masaktan yung kapatid ko.. Hindi ko na hahayaan yun.. Mahirap paniwalaan.. Pero nagbago na ko.. Mahal ko yung kapatid ko kaya handa kong isakripisyo yung study ko para sa kanya.. Para hindi na maputol yung saya niya."
" nakita kami... Ng .. Boyfriend mo..?" nauutal na saad ko.
"yeah..?"
" You mean taga dito yung syota mo..?"
"Oo.. Nasa ibang bansa nga ako ako geo.. Pero hindi ko iniwan sila blue.. Or si chris.. Pinasusubaybayan ko sya.. So ano meron kayo.?"
"kami..?"
" Yeah kayo...."
" pati ako pinasusubaybayan mo sa boyfriend mo.. Ano sya detective ganun.?"
" hindi.. si chris lang.. I know kasi na hindi titigil yun eh. Almost two years wala syang ginawa.. But all of a sudden.. Biglang nakita kayong magkasama..? Ano nangyare.?"
" yung boyfriend mo..? Kilala ba niya ko.?"
" mejo..?"
" so hindi niya ko sinusundan.?" marahan naman syang umiling.. Natawa naman ako,
"why.?"
"iniisip mo na may something kami ni chris.?"
"wala nga ba..? Base sa pagkakakita sa inyo mukhang meron.. Nababaliw ka na ba.. Si chris.. Kayong dalawa..? That was so abdurd! Nagiisip ka ba geo.?"
" wala.." tanggi ko.
" Geo.. Wag kang magtiwala kay chris.?Sabi pa sakin ni blue magiging classmate mo sya.?"
" yeah yun lang yun.. Maybe nakita kami ng detective mong boyfriend na magkasama dahil.. Uhm naguusap kami about school.?"
" sa mall..? This week madalas kayong magkasama di ba.?"
" wow galing huh...? malapit na kasi ang pasukan.?"
" mahal mo naman si aldred di ba.. Wag mo hayaan guluhin ni chris yung relasyon ng kapatid ko."
" Irene.. Unang una Ikaw lahat ang nagplano ng masama kala blue dati.. Hindi si chris..hindi sya..pangalawa.. Hindi nanaman lumalapit si chris ah.. Nagsisimula na yung tao."
" wala akong tiwala sa taong yun."
" Mabait si chris.. You know that."
" walang mabait na desperado."
"hindi lahat ng desperado masama..?"
" Geo.. You like him.?"
" uh,,..?"
"shit sabi na eh.. Gaganti sya.. Geo wag si chris.."
" uhm no hindi kami.. Uhm iba yung gusto ko..wala kang alam sakin Irene.. Di mo naman ako pinasusundan di ba.?"
" yeah.."
" may boyfriend ako.. At hindi si chris.."
" Pero..? Sabi ni..aixt geo my boyfriend knows what he saw.. And he so fucking sure about it.. Nakita niya kayo ni chris.. Not just hanging around..hinawakan mo yung kamay niya.."
" Irene may boyfriend ako and its not chris.. ang baliw mo noh tingin mo ba hahayaan ko uling makapasok sa buhay nila kuya aldred si chris,..? No?"
" No.. I don't believe you.. Sa oras na malaman kong ginagamit ka ni chris para makabalik sa buhay ni blue..Geo.. Kilala niyo ko.. Hindi niyo gugustuhin kalabanin ako.. "
" may boyfriend ako ang kulit mo."
" really.."
" Gusto mo pakilala kita sa kanya.?" saad kong deretsong nakatingin sa mata niya..haixt. " Ipapakilala kita sa kanya para maniwala ka."
" sure.." seryosong saad niya humugot naman ako ng malalim na hininga saka kinuha yung phone ko sa bulsa.
"tatawagan ko lang sya kung pwede sya puntahan.?" saad ko saka tumayo at dumistansya.. Shit.. Kainis.. Bakit ba kasi sinabi ko yun.. Nagdial lang ako. " blue..?"
"geo..?" sagot nito na halatang bagong gising. " ano kailangan mo.. Antok pa ko eh.?"
" uhm san ba bahay nila paul.?"
"why.?"
" basta..?Itext mo sakin yung address.?"
" bakit ba.?"
"blue pwede ba.. Bilis na."
"fine.?" inis na saad niya saka binaba yung phone.. Ilang sandali pa kong naghintay hanggang marecieve ko yung text.. Sa subdivison nila chris to eh.. Haixt bahala na. Bumalik lang ako sa bench kung nasaan si Irene.
" let's go.?" saad ko.
" papakilala mo ko.?"
" yeah.." saad ko saka naunang naglakad.. Naramdaman ko naman na sumunod sya sakin hanggang makarating kami sa parking lot.
" make sure hindi si chris ang papakilala mo sakin."
" hindi nga si chris ang gusto ko.. ?"
" talaga lang huh." ngiti niya sumakay lang ako sa motor ganun din si Irene.. Agad ko lang tong pinaandar papunta sa subdivision nila chris.. Haixt bahala na.. Paul.. Kaw ang pagasa ko para di mabuking.. Buset naman kasing boyfriend na irene yan eh.. Kapag nakita ko sya tutuklapin ko kilay niya..! "Papunta to kala chris ah.?" saad niya pagpasok namin sa subdivision.
" dito rin sya nakatira."
"ok.." purity street..54.. 54.. San ba yung bahay na yun.. Haixt talaga oh.. Napangiti lang ako ng makita yung magandang bahay na may pulang gate.. Shet yun yung kotse ni paul. Tinigil ko lang yung motor sa harap nito saka humugot ng malalim na hininga.
"we're here." saad ko bumaba naman sya ng motor.
" wow nice house.. Mukhang mayaman .?"
" yeah.. He own that car." turo ko sa kotse na nasa garahe.
" Cool.." saad niya lumapit naman ako sa doorbell saka to pinindot.. Paul.. Sorry .. Haixt ibibili kita ng bagong car.. Makiride on ka lang ngayon haha.. "Kala ko ba tinawagan mo..? Tulog ata eh.?" saad niya ng makitang ilang beses ko na pinindot yung doorbell.
" gising yan." saad ko saka ilang beses pinindot yung doorbell napangiti lang ako ng makitang bumukas yung main door.
" fuck sandali.!" rinig kong sigaw ni paul.
" wag kang maiinlove sa kanya huh." lingon ko kay irene.
" oo naman.." ngiti niya paglingon ko sa gate nakita ko lang yung nagtatakang mukha ni paul pagbukas ng gate.
" hi babe..?" ngiti ko na lalong nagpakunot sa noo niya.
" anong ginagawa mo dito.?" saad niya.
"uhm babe kasi.. " kinindatan ko lang sya sabay bigay ng nakaganda kong smile haha. " di ba tumawag ako sayo kanina.?"
"and..?" saad niyang nakatingin kay Irene..
"uhmm kasi.."
"kasi what.. Sino sya.? Kilala ba kita.? Parang nakita na kita.?" tanong niya kay irene.
" You look familiar din.. So ikaw yung boyfriend ni geo.?" ngiti ni irene napatingin naman sakin si paul muli ko lang syang dinaan sa tingin.
" uhm yeah." ngiti ni paul shet ang gwapo niya sa ngiting yun.. Bumubukas nanaman ang langit! " wait naalala ko na.. May picture ka sa bahay nila blue..Ikaw yung kapatid niya right.?"
" Oh I see. Kilala mo si blue.?"
"yeah mejo close.."
" wow.. Nice.."
" Pasok kayo.? Kaso mejo magulo yung bahay eh."
"uhm nope.. Aalis na din kami babe.." ngiti ko.
"pero babe.. Namiss kita eh hindi mo man lang ba ko namiss.?" nakangiting saad ni paul napangiwi naman ako.. Aixt.. Baliw talaga tong bwiset na to oh.
" give me the key geo. Ako nalang uuwi magisa.."
" uhm no Irene.. Uuwi na din ako.. May pasok kasi bukas eh."
" babe.." hila sakin ni paul saka hinawakan yung kamay ko.
" paul..?"
"uhm Irene right.. Pakisabi kay blue kitakits nalang bukas.."kinuha lang ni paul yung susi sa kamay ko saka inabot kay irene.
" yeah sure.. Paul right.?" ngiti din ni irene saka sumakay sa motor.
"irene.. Ok lang ba.?" saad ko.
" oo naman.. Ok lang.. Mukhang istorbo pa ko sa inyong dalawa eh.? Alis na ko."
" bye Ingat ka." saad ni paul hanggang makaalis si Irene.. Ngumiti lang si paul saka pumasok habang hawak yung kamay ko.. Ang lambot ng palad niya shet.
"hui ano ba.?" tatangalin ko sana yung kamay niya ng higpitan niya yung pagkakahawak.. Hanggang makapasok kami sa bahay. Ang gwapo niya kahit nakapangbahay lang. Haixt may chris na ko..At faithful ako haha
"boyfriend pala huh." ngiti niya saka binitawan yung kamay ko. "Ang swerte mo naman kung patulan kita."
"Kapal mo huh mas swete ka kung patulan kita."
" ows di nga.."
" salamat huh.."
" For what..?"
"sumakay ka kanina.?" naglakad naman sya papunta sa sala at umupo sa harap ng desktop ..sumunod lang ako sa kanya.
"ok.. " saad niya
" bakit dinala mo pa ko dito.. Uuwi na ko." saad ko habang nililibot yung tingin sa buong bahay..ang ayos ng bahay niya kahit sya lang nandito.
" hep hep." awat niya sakin.
" what..?"
" May kapalit yung pagtulong ko sayo wala ng libre ngayon!.. Pakshet namatay ako dito sa nilalaro ko dahil sayo."
" bwiset kaya pala ang tagal mo buksan.. Ano ba nilalaro mo.?"
"lol. Marunong ka nito.?"
" lol.. Ano yun.?"
" Online game.. League of legends..? Tao ka ba talaga di mo alam to.?"
" hindi eh.."
" sus puro ka kasi lovelife.."
"Mind your own life pwede..? Anong kapalit naman nung pagtulong mo sakin.?"
" pagluto mo ko ng dinner..?"
"ano.?"
"pagluto moko.. Ang bingi mo.?"
" ang aga pa para sa dinner ah.?"
"eh wala kasing magluluto mamaya eh.. Sige na..?"
"wala pa din ba mommy mo.?"
" wala eh.. Matatagalan pa yun.. Sige na."
" naman eh.. ?"
" ang ganda nung kapatid ni blue noh.. Single ba yun.?" lingon niya sakin. Natawa naman ako.
"type mo..?" nagkibit naman sya ng balikat. " wala na.. May boyfriend daw sya eh.?"
" uhm I see..sayang." ngiti niya.
"ang bait mo ata ngayon.?"
" pagluluto mo kasi ako ng dinner baka lagyan mo ng lason pag sinungitan kita eh.." natatawang saad niya.
" wala ba kayong katulong.?"
" pinaalis ni mommy.. Para daw matuto ako mabuhay magisa.."
" maging indipendent?"
"yeah."
"for sure binibigyan ka din ng pera.. Kaya ganun din.?"
" sinabi mo pa..!" natatawang saad niya habang busyng busy nakaharap sa computer. " pagluto mo na ko babe."
" babe ka jan.?" simangot ko. Natawa naman sya.
"bakit nga pala pinakilala mo ko dun na boyfriend mo.?"
"eh kasi.. Eepal yun kapag nalaman na si chris ang boyfriend ko."
"kayo na ni chris.?"
"yeah..pero ang alam ni kuya aldred ikaw ang boyfriend ko.. Sa ngayon si blue lang ang nakakaalam na kami ni chris.. At ikaw." ngiti ko napalingon naman sya sakin. " hoy paul ang gwapo ko hindi ka na talo sakin noh.?"
"gago ka ba.. Hindi ako bakla noh.. Aixt bahala ka nga.." simangot niya saka muling humarap sa computer. " talo na ko kanina...hindi ako pwede matalo ngayon.. Badtrip kasi ang lalakas ng mga kalaban namin tapos yung mga kakampi ko ang weweak.. Mga walang kwenta."
"ano ba kasi nilalaro mo.?"
" Lol nga .. Wag kang makulit.. Mamaya na natin pagusapan yang problema mo basta ipagluto mo muna ako.. Saka pakilinis na din yung kusina..mejo magulo eh." saad niya.
"ano ako katulong..? Batukan kaya kita.?"
" bilisan mo na babe..?ikikisss kita after."
" sure.. Sabi na eh type mo ko eh."
"kapal huh..?"
" game laplapan na noh.?" hamon ko sa kanya.
" mukha mo..! Maglinis ka na dun.. Sarapan mo yung luto huh.."
" Ayoko.. Kainis naman to eh."
" Edi susumbong kita kay aldred..? Dinadamay mo pa ko sa mga kasinungalingan mo.. Alam mo yung relasyon niyo ni chris ay isang malaking kalokohan di ka naman niya mahal eh.. At lalong hindi ka niya mamahalin."
" Bakit ikaw ba si kupido.? pano kung bigla nalang panain ni kupido si chris.. Wag ka ngang kontra."
" Busy si kupido. Wag kang umasa."
" bakit may schedule ka ba sa kanya.?"
" shit ang daldal mo.. Patay tuloy ako." simangot niya saka humarap sakin.
" haixt ewan ko sayo."
" Pagluto mo na ko please..?"
" Fine.. Pero promise me na hindi mo ko isusumbong kay kuya aldred..?"
"uhmm.. Sige na.. Basta ipagluluto mo ko lage.?"
"lage.?" gulat na saad ko.. " baliw ka ba ano ako katulong.. Maghanap ka nalang pwede mong cook.?"
" ayoko.. Gusto ko nga matuto mabuhay magisa di ba.?"
" eh aasa ka nga sa luto ko eh.?"
" uhmm basta.. Para bawas gastos.?" ngiti niya saka tumayo at naglakad papunta kusina..tiningnan ko naman yung monitor ng computer niya. " hoy wag mo galawin yan tara na dito.?Baka makita mo yung scandal ko jan."
" aixt kasi naman." inis na saad ko saka sumunod sa kanya naabutan ko lang syang inaayos yung mga nakakalat sa kusina niya. " bakit hindi ka nalang maggirlfriend para may gagawa niyan para sayo."
" kaya ko naman to.. Saka hindi ko aalilain magiging girlfriend ko noh." lingon niya sakin. " Yung mamahalin ko.. Gagawin ko syang prinsesa.."
" Aixt baka mainlove ka sakin.. Ayoko maging prinsesa.." natawa naman sya.
"baliw.."
" so ok ka na..?"
" what do you mean ok.?"
"ok na.. Di ba parang ang hirap na ikaw lang magisa dito.?"
" well nagaadjust pa ko.. Look halika tingnan mo." saad niya saka binuksan yung isang pinto.. Sumunod naman ako sa kanya nakita ko lang yung napakadaming damit na nakasampay sa likod ng bahay. " ako naglaba lahat niyan.." ngiti niya. " ayt yung mga underwear.. What a view! haha
"seryoso.?"
" yeah.." pagyayabang niya saka pumunta sa ref.. Ang dami nun ah." nakakapagod pero enjoy." naglabas lang sya ng tubig saka kumuha ng baso. Next step maghahanap naman ako ng work."
" wow huh.. Seryoso ka talaga sa pagiging independent mo."
" oo naman.. Turuan mo ko magluto.?" ngiti niya.
" Uhm may internet ka naman dito.. Magaling kaya magturo si google.?"
" Hindi rin.. Yung niluto ko kanina.. Bang alat.!" napapakamot na saad niya. " turuan mo ko.." " haixt fine.."
" kayo na talaga ni chris.?"
" yeah.. Kami na.. And Im so happy." ngiti ko.
" may nangyare na sa inyo.?"
"wala pa ah.. Bakit intersado ka malaman yun.?"
" wala lang.. Masama magtanong..?" iwas niya ng tingin saka muling humarap sa ref. Haixt alam ko curious tong lokong to eh hahha." marunong ka magluto ng caldereta.?" tanong niya.
"yeah. Gusto mo yun.?"
" Kumain kasi ako jan sa labas last time.. Ang sarap.."
"uhmm.. May ingredients ka ba.?"
" Naggrocery ako.." saad pa niya saka nilabas sa ref yung mga gagamitin sa pagluluto. " Nagkausap na kami ni mommy.. Ok sya dun.. Masaya kaya sino naman ako para humadlang.. The least I can do as her son ay suportahan sya.. Magiging ok din lahat sa kanila ni lolo.. One day."
"Bakit parang nagiba ka.. Asan na yung paul na masungit.?"
"sinasapian na ko ng maturity.. Wag mo nalang pansinin baka mapossess uli akong kasungitan magsisi ka pa.." ngiti niya.
"hindi ka naiilang sakin.?"
" huh.?"
" bakla kaya ako paul.. Hindi mo ba naisip na tayong dalawa lang nandito.? Pwedeng ano.. uhm.."
" ano..? Gago ka straight nga ako.."
" hoy Paul base sa latest na pagaaral.. Theres a lot of straight men na naaarouse kapag naiimagine na nakikipagsex sila sa kapwa lalake.?"
" weehh.?"
" oo nga.. Ang gwapo mo paul.." ngiti ko sa kanya napalingon naman sya sakin saka natawa.
" hoy geo.. Tigilan mo ko.. Hindi kita papatulan."
" paul ang gwapo mo.." ngiti ko parin.
" kadiri to.. May boyfriend ka na kaya tigilan mo ko pwede.. Kung tinatamaan ka ng libog ilang street lang na kala chris ka na.. Sapakin kita jan eh."
" uhm joke lang..!" simangot ko.. Haixt pero kainis bakit ba naarouse ako ngayon.. Ang gwapo naman kasi niya..ang linis linis niya tingnan sa suot niyang white shirt tapos ang pula pa ng lips..tapos yung smile pa niya.. Tapos yung mga tingin niya.. May abs kaya sya..? Naman oh.. Pigil na pigil ako may mangyare samin ni chris.. Pero bakit ngayon.. Ang hirap haha..
" turuan mo na ko. At kung iniisip mo na papayag ako makipagsex sayo.. Asa ka."
" kahit ganito ako kagwapo.?"
"Geo.. Eh kung sapakin kita.. Sinusubukan ko na maging mabait sayo kaya kung ayaw mong hampasin kita ng kaldero tigilan mo ko ok.? Pwede kitang ituring na friend.. And about sexuality.. Tao ka naman kaya wala akong pakialam dun.. Basta walang taluhan.."
" Uhm pano kung.." nangaakit na saad ko saka dahang dahang lumapit sa kanya.
"pano kung saksakin kita ng kutsilyo.?" banta niya saka kinuha yung kutsilyo sa cabinet. " geo tigilan mo nga ako.?"
" Hindi ka man lang ba nagagwapuhan sakin.?"
"gwapo ka naman.. Kaso.. Babae ang gusto ko." sarkastikong ngiti niya.
" Kahit konti di mo ko gusto.?"
" Hindi.. Umayos ka nga.."
" Paul ang gwapo mo."
"I know a t hindi kita type.."
" pano kung mahulog yung puso ko sayo.?"
" walang butas yung puso ko kaya wala kang huhulugan.. Geo seriously kilabutan ko nga.. Saksakin kita ng kutsilyo jan eh.! maghiwa ka na." abot niya sakin nung kutsilyo saka naglakad pabalik sa sala. Haixt.. Edi wag.. Kapag nagyaya si chris.. Shet papayag na talaga ko.. Haha.. Papayag na ko! Bwiset na paul na yun naginit tenga ko haha.. Natigilan lang ako ng magring yung phone ko sa bulsa kinuha ko lang to agad saka sinagot.
" chris.?"
" yung picture..?!" inis na saad nito.
"nasa akin bakit.?"
"ibalik mo sakin yun geo.. Pwede.?"
"ayt naitapon ko na.."
" wag mo ko lolokohin.. Makikipagbreak ako sayo..?!" Banta niya natawa naman ako.
"sapak gusto mo.. Tinago ko lang picture.. Haixt chris.."
"please ibalik mo na.."
"ibabalik ko..In one condition.?"
"ano..?"
"uhmm.."
" ano..?"
" aixt ang hirap sabihin eh.."
"basta ibalik mo na lang .. Tinago ko na nga yun sa cabinet eh. Di ko na nilalabas yun pero kinuha mo parin."
" Gusto ko sana chris.. Uhmm.." nakagat ko lang yung labi ko.. Shet gusto kona.. " uhm "
"ano ba gusto mo..?"
" Can we make love..?" saad ko ilang sandali naman walang sumagot sa kabilang linya. " hoy chris.."
"uhm ano sabi mo..?"
"narinig mo naman eh.. ?"
"uhm kailan..? Tonight..?"
" Yeah .. Pupunta ako jan." saad ko saka pinatay yung cellphone.. Haixt shet bahala na si batman.. Buset kasing paul yun.. Ginising yung mga natutulog na ugat sa katawan ko haha.. Napalingon lang ako ng marinig yung mahinang tawa " ano ginagawa mo jan.?" angil ko kay paul.
" can we make love daw oh..?" tawa niya pa.
"ewan ko sayo batuhin kita ng kutsilyo jan eh.."
"so wala pa palang nangyayare sa inyo..?"
" wala pa.." simangot ko.
"so pumayag sya sa can we make love mo.,.?"
"oo naman.. Ang gwapo ko kaya." simangot ko sa kanya.
"mali kaya yung words mo.. Dapat sex tayo.. Hindi make love., kasi hindi ka naman niya mahal eh.."
" eh mahal ko sya eh.."
" para sa kanya sex lang yun.. ASa ka..!"
" kontra ka pa eh.. Shut up nga."
"ayoko magshut up.." sarkastikong ngiti niya.
"ayaw mo o gusto mo lang na tayo ang magmake love.?" asar ko sa kanya natawa naman sya.
" Mas lalong Asa ka! Itong katawan ko.. Sa panaginip mo lang to matitikman..!"
" kapal nito kala mo naman kung sinong hot..!"
" Hot ako.. Actually mas hot nga ako kay chris eh.."
"Kay chris..? Seryoso ka..? Ang gwapo gwapo ng boyfriend ko eh.. Walang wala ka dun.."
" Sigurado ka..?"
" oo naman.." sarkastikong ngiti ko sa kanya.
" haixt magluto ka na nga.. Maglalaro na ko dun.. Badtrip ka.!"SI IRENE
Umikot ikot lang ako sa subdivision na yun saka muling bumalik sa tapat ng bahay ng boyfriend ni Geo.. Mukhang nasa loob parin sya. Haixt hindi ako naniniwala. Mas naniniwala ako kay alex. Humugot lang ako ng malalim na buntong hininga saka muling pinaandar yung motor. Subukan mo lang chris guluhin si blue.. Mararanasan mo kung pano ako magalit.
Simula nung pinatawad ako ni blue sa nagawa ko sa kanila ni aldred pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na sya iiyak.. Wala namang ginawang masama sakin si blue para magalit ako sa kanya.. Sya yung nagturo sakin kung pano magmahal at mahalin yung sarili.. At pinaranas niya sakin kung pano magkaroon ng kapatid.. Kung pano mahalin ng isang tunay na kapatid.. Hindi ko na sasayangin yung binigay niyang chance sakin.. Hindi na.
Hininto ko lang yung motor sa isang di kalakihang bahay saka bumusina napangiti lang ako ng makita si alex na lumabas ng bahay.
"hi." nakangiting saad ko. Sino sya.? Si alex yung inutusan kong kumidnap kay blue nuon.. Haixt oo adik sya dati.. Or di ko sure kung totoo ba yung sinabi niya na tumigil na sya sa bisyo niya basta ang alam ko sya ang mahal ko.. Masyado lang akong natabunan ng galit kay blue dati.. OO mahal ko tong gagong to..hindi ko lang sya maipapakilala kay blue.. Alam ko makikilala sya nito kapag nakita sya.. Haixt one day.
" Irene..?" gulat na saad niya bumaba naman ako ng motor saka sya yinakap. " sabi mo next week pa.?" huimiwalay lang ako sa kanya.
" Suprise..?"
" Hindi ka man lang nagpasabi sana nasundo kita." natatawang saad niya.
" Si blue sumundo sakin kaya hindi pwede.."
" Ano plano mo dun sa chris na yun..?"
" Alex naalala mo ba si Paul Unidad..?"
" Sino..?"
" si Paul unidad.. Ang black sheep ng mga unidad..? Yung taong gumulpi sayo.?" ilang sandali naman syang nagisip.. Napangiti lang ako ng makita yung tingin niya sakin. " naalala mo na.?"
" Naalala ko na.. Tangina sya hindi pa ko nakakaganti sa kanya.!" gigil na saad niya.ITUTULOY