SI PAUL
Pabagsak lang akong naupo sa sofa pagdating ko sa bahay.. Ilang oras din ako tumambay sa music room kasama yung mga kabanda ko.. Bakit ba naiinis ako ngayong araw.. Wala namang reason.. Tumayo lang ako saka pumunta sa kusina para tingnan kung ano ang pwede kainin.. Binuksan ko lang yung kaserolang pinaglutuan ni geo ng caldereta.. Napangiwi lang ako ng maamoy to.. Shet ang baho na.. Kumuha lang ako ng kutsara saka to tinikman.. Panis na nga ! Inis ko lang na kinuha yung cellphone ko saka nagdial.
" hello.." nagtaka lang ako ng marinig yung mahinang boses nito.
" bakit ganyan boses mo..?"
" hindi na ko virgin.." mahinang saad parin nito.. Maya maya narinig ko na yung pagsara ng pinto saka kabilang linya. " paaull!"
"you mean..?"
" Yeah.. Paul.. Shet.. Finally.. Ang sarap sarap niya..sheeett!"
"fuck you ka.. Kadiri.."
" sus.. Im happy.."
"nasaan ka na ba.?"
" nasa CR ako.. Baka magising si chris eh..Paul.. I love him.. Bahala na talaga. Kahit masaktan ako.. Bahala na.." ilang sandali akong hindi nagsalita.. Aixt bakit ba parang nagsisikip yung dibdib ko.. Haixt. "anjan ka pa ba.? Paul.. Mahal niya na ko.."
"paki ko..?"
" gusto ko lang sabihin..?"
"ewan ko sayo.. Kainis wala akong pagkain ngayon.."
"naubos mo yung caldereta..?"
"di mo naman sinabi na dapat ilagay sa ref eh.. Napanis tuloy..?"
" ay bobo.."
"gago..!"
" ang tanga mo naman eh.. Di mo man lang nilagay sa ref.. Sayang tuloy yan.."
"wala kang sinabi.." Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.. Aixt kainis bakit ba ganito nararamdaman ko.. Anong rason.? Wala naman ah.?
" haixt magpadeliver ka nalang.. Bukas nalang kita ipagluluto.. Paul ang saya saya ko.."
" Oh anong gusto mong gawin ko..?" inis na saad ko.
" uhm.. Wala.. Gusto ko lang sabihin.."
" di mo man lang tatanuningin kung ano nararamdaman ko ngayon..?" nakagat ko lang yung labi ko.. Ano ba tong sinasabi ko.. Narinig ko naman yung sarkastiko niyang tawa.. Damn it.!
"huh bakit may sakit ka..?"
" hindi mo ba tatanungin kung nagseselos ako..?" gigil na saad ko ilang sandali naman walang nagsalita sa kabilang linya.
" huh..?"
" Shit.. Sana hindi mo na lang sinabi eh.. Damn it!..bye nagugutom na ko..!" saad ko saka pinatay yung cellphone.. Haixt bakit ba ganito nararamdaman ko.. Gigil ko lang hinawakan yung kaserola saka binato sa basurahan.. Nagkalat lang yung laman nun sa sahig.. Haixxt! Gigil ko pa tong sinipa .. Damn it! inis ko lang na kinuha yung cellphone ko ng marinig yung pagriring nito. Si geo tumatawag.. Fuck you may gana pa syang tumawag.!.. Sigaw ko sa cellphone saka binato rin to sa basurahan.. Saka nagmamadaling lumabas ng bahay at tumuloy sa kotse ko.. Ano ba paul? Fuck you ka din eh.. Ano ba nangyayare sayo.. Nasaktan ba ko..? Hindi.. Haixt bakit ako masasaktan.. Pano..? Pero bakit parang nadudurog yung puso ko.. Hindi hindi eh ano naman kung nagsex sila..wala na akong pakialam dun.. Wala..! Hinampas ko lang yung manibela ng kotse.. Hindi pwede.. ! Damn it.. Wala naman akong gusto kay geo..? Walang wala. Aixt teka. Si kupido..? Shet sya.. Kalokohan! Muli ko lang hinampas yung manibela.. Ouch! Please not again.. Hindi na ko maiinlove sa isang.. Aixxt noo.. Straight ako.. Nooo...!
Nagdrive lang ako papunta sa isang seven eleven store.. wala sa sariling kumuha ako ng isang bote ng alak at ilang sitsirya.. Haixt Ang imposible talaga.. Gutom lang ako.. Gutom lang.. Baka napapraning na yung mga bulate ko sa tyan kaya pinoposses nila yung mga bulate ko sa utak..! Saka yung mga bulate ko sa.. Sa.. Sa puso..haixt shet bubuhusan ko talaga sila ng isang kilong asin. haixt
Bago umuwi ay dumaan muna ako sa isang tapsihan saka bumili ng tapsilog. Hindi ako nasaktan at lalong wala akong gusto kay geo.? Imposibleng mangyare yun.. Eh ano kung nagsex sila.? Nakakadiri.. Damn it.. Habang nagdadrive nagfaflash back yung paghalik sakin ni geo kahapon... Eh kung pumayag kaya ako kahapon.. Masasaktan kaya ako ngayon.? Tsk! No.. Bakit ako papayag eh straight ako.. Naah! Damn it..! Ano ba. Kala ko ba anghel si kupido pero bakit parang kinukulam ako.? Nyeta.! Ilang beses ko ba sasabihing straight ako..? Damn it.. Tama na yung isang beses.. Tama na yung isang beses na pagkakamali.. Ayoko na ulit maulit yun.. Ayoko na ulit.... masaktan..
Pagdating ko sa bahay ay dumeretso na ko sa kusina para ihanda yung binili ko. Napailing lang ako ng mapansin yung nagkalat na ulam sa sahig sa tabi ng basurahan.. Buset bakit ba kasi binato ko to kanina eh.. Pero mas bwiset si geo.. Aixt sino ba yun.. May kilala ba kong geo..? Wala.. Wala.. Maghahanap ako ng albularyo bukas baka kinukulam nga ako.. Tangina si joseph susungalngalin ko talaga sya kapag .. Kapag.. Ayt ayoko isipin.! Imposible.. Napaka imposible..! Paano ako magkakagusto sa kanya.. Eh kailan ko lang yun nakilala ah.. Saka hindi naman sya babae..? Malakas ko lang na binatukan yung sarili ko. "Pwede ba wag mo na isipin yung taong yun!" inis na saad ko.
Pinulot ko lang yung kaserola saka nilagay sa lababo pagkatapos ay kumuha ng basahan para punasan yung sahig.. Haixt paul.. Pinahirapan mo lang yung sarili mo. Ilang sandali pa ng mapansin ko yung cellphone ko sa gilid ng basurahan. Humugot lang ako ng malalim na buntong hininga saka to kinuha,. Nakaoff to dahil siguro sa pagbato ko kanina buti nalang hindi nabasag.
Pinindot ko lang yung power.. Agad naman tong bumukas ilang sandali pa ng may message na dumating.. From geo.. Napailing lang ako.. Sana di ko nalang sinave yung number ng bwiset na yun eh.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka binuksan yung message.
" Uyyyyyy nagselos ka noh..? Move on ka na huh.. Sorry kasi kahit gaano ka pa kagwapo si chris lang ang mahal ko.. Move on na huh.. mwuah." basa ko sa text inis ko lang binato uli yung cellphone nakita ko naman na nabasag to ng tumama sa pader..
" shit!!" sigaw ko.. Nababaliw na ko badtrip talaga. " tangina ka geo hindi ako nagseselos.. In your dreams! In your fucking dreams asshole!" umupo lang ako sa sahig saka binato yung basahan na hawak ko napalingon lang ako sa bote ng alak na nasa mesa agad lang akong tumayo saka to binuksan at kumuha ng baso.
Pinuno ko lang yung baso saka agad na tinungga.. "Shit! Nangako na ko sa sarili ko na hinding hindi na ko uli magkakagusto sa.. Damn it!! Straight ako..!" iling ko ng maramdaman ko yung pag guhit nito sa sikmura ko.. Badtrip! Muli lang akong nagsalin sa baso saka agad tong tinungga.. Hanggang di ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko. " mommy..ayoko nito.. ayoko." bulong ko.
