chapter 19

232 12 0
                                        

SI PAUL

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang pinagmamasdan palayo yung sinakyan ni geo na tricycle. Haixt Sabi na si blue parin ang mahal ni chris.. Buset tanga din pala tong geo na to.. Hindi bagay sa kanya yung naghahabol..buhay nga naman..Muli lang akong sumakay sa kotse saka to pinaandar pauwi sa bahay.. matutulog nalang ako.. Di ako makikialam.. Kung hindi sila maghiwalay edi Ok.. Pero kung maghiwalay sila mas ok.. Baka sakaling magkachance ako.. Haha ganito ata talaga magiging role ko buong buhay taga salo ng mga taong iniiwanan.
Pagdating ko sa bahay pabagsak lang akong naupo sa sofa..kanina habang nakikita kong umiiyak si Geo habang nakaharap sa motor ni chris.. Gustong gusto ko bumaba sa kotse para yakapin sya. Punasan yung luha niya..at higit sa lahat sapakin si chris! Pero wala naman akong karapatan .. Ni hindi nga kami magkaibigan ni geo eh at lalong hindi naman talaga kami close..Hindi ko man narinig yung sinasabi ni chis kanina.. Alam ko si blue parin yung mahal niya.. Aixt Geo.. tumayo lang ako saka nagpasyang buksan yung computer at nagsimula maglaro. Buti pa ang LOL hinding hindi ako iiwan.
Maya maya naisipan ko magbukas ng facebook, natigilan lang ako ng isang familiar na mukha yung nag message sakin. Si nathan..

Hi paul.. Kamusta ka I miss you na.. finally nakatanggap din ako ng message from you ang tagal kong hinintay yun eh inisip ko kasi na baka galit ka sakin. Masaya ako dito kasama yung boyfriend ko.. Alam mo araw araw niyang sinasabi na maganda ako tulad ng ginagawa mo dati. pero di na ko napipikon ngayon.. Kasi totoo na maganda na ko..hehehe. Miss you na bestfriend sana magkabalita naman ako sa lovelife mo Coz someone like you deserves to be happy.. Balitaan mo ko pag natagpuan mo na yung the one mo huh love yah and take gaod care of yourself.. See you soon.

Ilang sandali lakong nakatitig lang sa screen ng computer habang paulit ulit na binabasa yung msg niya sakin.. Isang ngiti lang yung pinakawalan ko.. Pano mo masasabi na move on ka na..? Kapag naramdaman mo na masaya ka na masaya sya.. nagsimula lang akong magtype sa keyboard.

Hi Nate.. first of all maganda ka naman talaga dati pa..haha.. Miss you na din at hindi ako galit sayo.. Kailangan ko lang talaga lumanghap ng hangin from outerspace haha..Mejo naenjoy ko eh.. Im so happy na masaya ka na pag pray mo naman lovelife ko as of now kasi complicated eh.. Always nga palang complicated lovelife ko. Remember sarah.. Naging kami pero naghiwalay din.. Si dennis talaga mahal niya eh well that's life.. Magkakalovelife din ako.. At ipapakilala ko sya sayo...Remember that ok.. Love ya din and see you soon.

Reply ko sa msg niya.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka ngumiti. I'm happy for him I mean for her. haha
Halos isang oras na ko nakaharap sa computer nun ng makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura.. Haixt simula nung iwan ako ni mommy di na ko nagluluto tuwing nagugutom ako sa labas nalang ako kumakain. Ang hirap naman kasi matuto magluto nakakainis.. Maski pritong itlog nasusunog ko pa..si google nakakaboring sya magturo haha
Tumayo lang ako saka lumabas ng bahay at tumuloy sa kotse ko.. Ang daming nangyare ngayong araw.
Nagpasya lang ako bumuli ng pagkain sa tapsihan sa highway.
" ate tapsilog po.. Take out." saad ko sa waitress tinanguan naman ako nito.. Ilang sandali pa kong naghintay ng ibigay nito yung oder ko. Pagkasakay ko ng kotse may napansin lang akong apat na kalalakihan na nagtatawanan habang nakatingin sakin. Problema ng mga to..? Pinaandar ko lang yung kotse.. Napansin ko naman na naghiwahiwalay yung apat yung dalawa humarang lang sa dadaanan ng kotse ko. Shit..! Trouble..
Bumisana naman ako pero hindi parin sila umalis kaya tinigil ko yung kotse. "FUCK!!" gigil na saad ko ng marinig yung pagkabasag ng salamin sa likod ng kotse ko.. Shit! Gigil lang akong bumaba.
" ano problema niyo huh!" angil ko sa kanila nagtawanan naman sila na lalong kinagigil ko.
" Well naghahanap lang kami ng mapagtitripan.. Sakto nakita ka namin.."
" Kilala niyo ba ko huh mga gago pala kayo eh.?!!"
" hindi pero si alex kilala ka.."
" So inutusan kayo ni alex..? Hayop talaga yun.. Ilabas niyo sya.. Tang ina niya!" sigaw ko.
" I'm here Pinsan..." rinig kong saad mula sa likod.. Nakita ko lang si alex na nakasakay sa motor niya. " ganda ng kotse mo tol.. Ginasgasan lang namin.. Ok ba.?" ngiting saad nito.
" Duwag ka talaga eh noh..?" sarkastikong saad ko. " di ka makalapit sakin ng magisa ka lang.. Kung hindi mo kasama yung girlfriend mo itong mga panget na to yung dala mo.. Napakaduwag mo! Subukan mo kaya kumain ng balot para naman tumibay tibay yang tuhod mo!" saad ko pero isang sapak mula gilid ko yung tumama sa mukha ko.. Napaupo lang ako sa kalsada habang nagtatawanan sila.
" Duwag na kung duwag .. Ang importante makaganti ako sayo." rinig kong saad nito ngumisi lang ako saka tumayo. " sige boys kayo na bahala dyan.. Wag niyo papatayin huh siguraduhin niyo lang na pagpapawisan yung doctor na gagamot sa kanya."
" Gago bakit hindi ikaw ang lumaban sakin..?" hamon ko sa kanya.
" wag na tol.. Sa mga yan palang kawawa ka na.. Alis na ko.. Dadalawin nalang kita sa ospital.." natatawang saad nito saka pinaandar yung motor niya.
"hayop ka alex bumalik ka dito!!" sigaw ko nagtawanan lang yung apat na kasama nito saka ako pinalibutan.. Nakuyom ko lang yung kamao ko.. Saka gigil silang tiningnan.. Nahagip naman ng mata ko yung hawak na baseball bat nung isa.. Shit.. " kaibigan ba kayo ni alex..? Bakit ang papanget niyo Putek maghahanap lang ng kaibigan yung gagong yun mga iskwater pang mukhang di nasasayaran ng malinis na tubig ang balat!? Kayo niyo ba talaga ko mukha kayong hindi kumakain eh.!" sarkastikong saad ko.. Natawa lang ako ng makita yung gigil sa mukha nila. Lumapit lang ako sa kotse ko saka kinuha yung binili kong pagkain sa loob. " kumain kayo mga gago..!" bato ko ng plastik sa kanila. Nagkalat lang yun sa kalsada.
" simulan na natin to.. Paduduguin ko yang bibig mong gago ka!! Masyado kang madaldal." gigil na sigaw nung isa.
" gawin mo!! Sa panget mong yan di na kita kailangan gulpihin. Wasak na wasak na yang mukha mo!"
" talaga lang huh.. Game.!" saad nung isa aktong sabay sabay silang lalapit ng ngumisi ako.
" mga duwag din pala kayo.? Apat laban sa isa..? Wow mana nga kayo sa amo niyo." Saad ko kita ko lang gigil sa mukha nila saka sabay sabay lumapit sakin.. Shit.. Sinugod ko lang ng sapak yung isa.. Sapul to sa mukha pero pagtalikod ko isang sapak yung sumalubong sakin.. Bumagsak lang ako.. Namilipit pa ako ng bigla akong sipain ng isa sa kanila sa sikmura.. aixt.
" Ano tumayo ka.. Matapang ka di ba.?" natatawang saad nung isa.
" tayo.!" isa pang sipa yung natanggap ko mula sa likod..
" Wala pala to eh.. Bagsak agad .. Hindi man lang ako pinagpawisan.. Hindi na pala kailangan to eh." saad nung may hawak na baseballbat.. Pinilit ko naman tumayo.
" tanga pala kayo.. Apat na nga kayo.. May baseballbat ka pang hawak..? Damn it! Mga iskwater! Naliligo ba kayo.. Mga putang ina niyo! Ang babaho niyo lumayo kayo sakin!" Sigaw ko.. Mabuhay lang ako dito tangina ka alex babalikan kita.
" Tang ina ka din..!" sigaw nung isa.
" Mga bakla!" sigaw ko aktong susugod sila sakin ng umatras ako.. Shit Sa mga itsura nitong mga to mga mukhang pumapatay ng tao.. Haixt.. Nakakailang hakbang na ko ng sumugod yung isa.. Sinalubong ko naman to ng sapak.
Bagsak sa kalsada.. Naglakad naman papalapit sakin yung dalawa pa habang yung isang may hawak na baseballbat ay umikot sa likod ko.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumugod sa dalawa.. Pilit ko nilalaban bawat suntok nila..bawat pagdapo ng kamo nila sa mukha ko. Aktong hahampasin ako mula sa likod ng agad akong umilag..
" Damn it!! Lumaban kayo ng patas!" gigil na saad ko.. Pinalibutan naman nila ko.
" Bakit kami lalaban ng patas kung pwede ka naman namin pabagsakin ng sabay sabay.." ngiti nung isa.
" Mga duwag!!"
" Game na... Tol gamitin mo na yan baseballbat mo.." saad nito sa kasama niya.. Napangisi naman yung isa.
" peram ako tol huh nasapak ako ng gagong yan.. Isang matinding hampas lang." Shit.. Ospital ata talaga bagsak ko ngayon ah.. haixt.

" Paul..?" Napalingon lang ako ng marinig yun.. Nakita ko lang si Geo habang nakangiti sakin.
"Umalis ka na.. Anong ginagawa mo dito.?"
"ayt kala ko kasi naglalaro kayo.. Sali sana ako..?" ngiti niya.. Yung mga mata niya.. Halata na galing sya sa pagiyak.. Pero bakit nakakangiti parin sya.
" fuck geo umalis ka na!" gigil na saad ko.. Nakuyom ko lang yung kamao ko ng makita na lumapit yung isa kay geo.
"gusto mo sumali..?" saad nito Saka sinapak si geo..Shit!!
" geo!" Sigaw ko..kita ko naman na nahawakan niya yung panga niya.
"yan na ba yung pinakamalakas mo..?" sarkastikong ngiti ni geo. Nagtawanan naman yung ibang kasama nito. Muli lang tong lumapit kay geo, muli isang sapak yung binigay nito. Damn it. Tangina sinapak niya yung mahal ko!?? Nakagat ko lang yung labi ko sa gigil.. Mga putang ina talaga tong iskwater na adik na to,
" shit ano ba ginagawa mo Geo!" sigaw ko aktong lalapit ako ng humarang yung dalawa pang lalake sakin
" kasali na sya dito since mukhang kaibigan mo sya." saad nung isang mukhang tilapia na tinubuan ng tigyawat..
"fuck ako nalang wag niyo na sya idamay!"
" Sure idamay niyo ko.!!" sigaw ni geo.. Napangiwi naman ako baliw na ba sya..!
" Geo nababaliw ka na!"
" mahina pa ba..?" gigil na saad nung lalake.
" ang hina! Lakasan mo pa.!" gigil na saad ni geo muli lang syang sinapak nung panget na lalake.. Hanggang makita ko na napaupo na sa kalsada si geo.. Mahal ko yan bakit sinasapak niyo..!! aiixxxxtt Shit..! Gigil ko lang sinugod yung dalawa saka ubod lakas na binigyan ng suntok.. Bagsak agad to.. Aktong sasapak yung isa sa gilid ko sipain ko yung tuhod niya dahilan para mapaluhod sya agad ko lang syang tinuhod sa mukha.
Napalingon lang ako sa likod ng marinig yung pagbagsak sa likod ko.. Nakita ko lang si geo na nakangiti sakin sabay kindat.. Hindi ko naman napigilan pagmasdan yung mukha niya pero biglang isang suntok yung dumapo sa mukha dahilan para bumagsak ako napapikit lang ako ng makita ng aktong sisipain pa ko nito sa mukha pero nagulat ako ng tumamba to sa tabi ko.. Ngumiti lang si geo saka nilahad yung kamay sakin Tinanggap ko naman to saka sumugod sa likod niya at sinuntok yung may hawak na baseball bat. Ilang minuto din kaming nakipagsapakan hanggang isa isa tong nagsitakbuhan. Hindi ko lang mapigilan yung sarili kong pagmasdan si geo habang nasa balikat niya yung baseball bat at nakangiti.
" are you ok..?" tanong niya.
" Ok lang ako.. Ikaw.. Tanga ka ba bakit nagpasuntok ka dun.?!"
"Sarap nga eh. Para lang niya kong tinapik.. bakit ikaw hindi ka ba nasuntok.?"
"nasuntok..?ouch." inda ko sa suntok sakin kanina pero natigilan ako ng makita ko yung pagtulo ng dugo sa noo ni geo mula sa ulo niya.
"why.?"
" Are you ok Geo..?"
"Yes I'm fine..mejo nahihilo lang." ngiti ko.
" dumudugo yung ulo mo.. Natamaan ka ba..?" tarantang saad ko. Dinala niya lang yung palad niya sa ulo niya.. Nang tingnan niya to napangiti lang sya ng makita yung dugo sa kamay niya
"ah wala to.. Natamaan lang kanina.." natatawang saad niya lumapit lang ako sa kanya ng mawalan sya ng balanse saka sya hinawakan para hindi matumba." wait I'm ok nahihilo lang ako."
" No hindi ka ok dadalhin kita sa ospital.."
" wa-" saad pa niya pero nawalan na sya ng malay.. Shittt!! Agad ko lang syang binuhat saka dinala sa kotse ko.

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon