chapter 22

223 11 0
                                    


SI CHRIS

Paglabas ko ng airport napansin ko lang yung kakaibang simoy ng hangin na humahaplos ng balat ko..woow.. Tiningnan ko lang yung oras.. Ano kaya magiging reaction niya kapag nakita ako.. Bahala na.. Aixt chris. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagpara ng taxi.
Pagsakay ko binigay ko lang yung address nila Geo.
" Gower street..?" lingon sakin nung driver marahan naman akong tumango saka tumingin sa labas ng taxi..pinaandar naman nito yung sasakyan.
" whats happening in that street?" tanong ko sa driver ng mapansin na maraming tao sa street na dinaanan namin..
" winter festival sir.. Street dancing and theres an event after that.. You wanna go there first.?" tiningnan ko naman yung relo sa kamay ko maaga pa naman..
" Just wanna buy a flowers.. Is there any flower shop along in that street..?" tanong ko dito.
" Yeah Of course."
" ok.." ngiti ko minaniobra naman nito yung taxi papunta sa street na yun kung saan nakita ko yung kumpulan ng mga tao.. Habang papalapit kami rinig na rinig ko na yung malalakas na tambol. Hanggang tumigil yung taxi nagbayad naman ako dito.
" Welcome to newfoundland sir enjoy your stay here.." ngiti nung taxi driver tumungo naman ako dito. Lumapit lang ako sa kumpulan ng mga tao saka nakiusyoso kung ano yung pinapanuod nila. Napangiti lang ako ng makita yung mga nagsasayaw kasabay ng malalakas na tambol.
Hanggang Isang familiar na mukha yung nakita ko. Hindi ko naman napigilang mapangiti habang pinagmamasdan yung mukha niya na may ngiti sa labi habang pinapanuod yung mga nagsasayaw. Ang cute parin niya. Napalingon lang ako ng sa mga nagsasayaw ng marinig yung malakas na pagtambol hudyat na tapos na yung street dancing.
" Nice.." bulong ko nagsimula naman maglakad yung mga nasa tabi ko kaya napaatras ako.. nang muli kong tingnan yung pwesto ni Geo ay wala na sya dun.. Shet.. Lumingon naman ako sa paligid.. Nasaan na sya. Nagsimula lang ako maglakad saka tumawid sa kalsada.. Nasaan na ba sya.. Haixt. " geo..?" tawag ko dito.
" Hey.!" inis na saad nung babae ng di sinasadyang mabangga ko to.
" I'm sorry.." saad ko.. Napakamot lang ako ng ulo saka tumalikod.. Uhmm bilis naman niyang nawala., nandun lang sya kanina eh.
Natapos na yung street dancing pero napakarami paring tao.. May mga nagmamagic show pa sa gilid ng kalsada. May ilang nagsasayaw parin.. Ano ba gagawin ko. Nandito lang sya kanina eh. Umuwi na kaya si Geo. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.
Binagtas ko lang yung kalsada na yun at naghanap ng pwedeng mabilihan ng bulaklak.. Habang nililibot ko yung tingin ko sa paligid hindi ko lang mapigilang mamangha sa ganda ng mga makalumang straktura sa lugar na yun at yung kakaibang pagkakagawa ng mga restaurant sa pailigid nito. Yung amoy ng hangin, Yung mga taong nakakasalubong ko, yung kalsadang tinatapakan ko.. Nasa ibang lugar nga ako.. Ibang iba sa Pilipinas.
Pagpasok ko sa isang flower shop napakamot lang ako sa ulo.. Ano ba gustong bulaklak ni geo..? Or mahilig ba sya sa bulaklak..? Kainis naman Sa huli nagpasya lang akong bumili ng dozen ng red roses. Inamoy ko lang to saka napabahing. Shit! Di ako maihilig sa bulaklak haha.. Di ko maalalang nabigyan ko ng bulaklak si blue dati .. Zest-O lang kasi masaya na yun.. Haha Si blue Masaya na ko para sa kanya, ganun pala yun kapag natanggap mo na yung realidad.. Nakakagaan ng dibdib. Parang Pinanganak uli ako.. Parang Nagsisimula na uli ako punuin ng kulay yung canvas ng buhay ko.. Isang ngiti lang yung pinakawalan ko.. salamat kay geo kasi sya yung unang naglagay ng kulay para masimulan ko yung paglikha ng bagong yugto ng buhay ko.
Paglabas ko dun sumakay lang ako ng taxi saka binigay yung address nila Geo.. Sana nandun na sya.. Please. Habang nasa taxi kinabit ko na yung simcard na nabili ko sa airport saka dinial yung number ni mommy.
" Mom.. I'm here na.." saad ko.
" Chris?"
" yes mom it's me."
" Wow so nakapunta ka na kay geo."
" I'm on my way mom.. Ok ka lang ba dyan..?"
" I'm fine.. Don't worry about me anak ikaw ang magingat jan.."
"Di ka ba nalulungkot sorry mom kung iniwan kita ayaw mo naman kasi sumama eh.."
" It's ok son.. Dami ko din kailangang ayusin dito..make sure you'll update me huh.. And please keep safe. "
" Sure mom..ingat ka jan huh.. See you soon.."
" Ok son I love you..see you soon."
" love you too mom.." saad ko saka binaba yung phone. Hinanap ko naman yung number geo na binigay ni blue.. Tatawagan ko ba sya.? Kinakabahan ako.. Pano kung galit pa sya sakin..I mean kagalit galit naman talaga yung ginawa ko sa kanya.. Bahala na..tumanaw lang ako sa labas ng taxi. Ilang minuto din naming binagtas yung kalsada hanggang tumigil to sa tapat ng isang bahay.
Pagbaba ko napagmasdan ko lang yung napakagandang Asul na bahay na may malawak na bakuran. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pinindot yung doorbell.. Dasal dasal.. Ano ba to.. Yung dibdib ko parang sasabog sa kaba.. Pano kung bigla nalang akong patayin sa loob..? Haha haixt. Naramdaman ko naman yung nanunuot na malamig na simoy ng hangin.. dapat pala mas makapal na jacket yung binili ko. Sobrang lamig pala dito.
Ilang sandali pa ng may lumabas dun na babae.. Tingin ko nasa late 40's na to. Nakita ko na sya before.. Uhmm nung play ni aldred nung highschool.. Yeah it's her.
" Good afternoon ma'am." saad ko lumapit naman to sa gate saka ako mariing pinagmasdan..
" What can I do for you..?" saad nitong nakatingin sa bulaklak na hawak ko.
" I'm looking for Geo.. Geoffrey kurt Young..? Is he there..? I guess he's your son..?"
" Chris right..?" saad nito natigilan naman ako. "Christian castillo right..?"
" Uhm yeah.. Goodafternoon po." pilit na ngiti ko. Kilala niya ko.
" Ako yung mother niya.. Pasok ka." saad nito saka naglakad papunta sa bahay.. Nanatili naman akong nakatayo lang dun. " lalamigin ka jan..?" lingon nito..Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad papasok.
" so what are you doing here..?" saad nito pagpasok ko.. Nakita ko naman yung lalakeng nakawheelchair.. Pansin ko mejo hawig nito si geo.. Yung bahay nila napakaayos.. Ibang iba din yung ambience sa loob.. May napansin din akong picture ni Geo at ng buong Pamilya nila. Ang saya ni Geo sa larawan na yun.
" goodafternoon po.." ngiti ko dito. " uhm. I'm here po kasi.. Uhmm..gusto ko po makita si geo."
" Makita..?"
"Yes po.. Nakita ko po sya sa Downtown kanina kaso po nawala eh kaya po dumeretso na po ako dito."
" Upo ka.." saad ng daddy ni Geo tumango naman ako saka umupo sa sofang nandun.. Ilang sandali walang nagsasalita sa kanila.. Nanataili lang silang nakatingin sakin na lalong nagpakaba ng dibdib ko.. haixtt
" So how's Your study..?" tanong ng mommy ni geo..
" Ok po nakapagenrol na po ako sa next sem. Actually po three days lang po ako dito.. Gusto ko lang po talaga makausap si geo."
" So san ka magsstay..?"
" Uhmm.. Maghahanap po ako ng hotel." ngiti ko.
" Eh bakit hindi ka muna naghanap ng hotel bago ka pumunta dito.."
" UHmm.. " pilit na ngiti bakit nga ba.. Aixt.
" You know what Iho.. I don't know what happened Pero tingin ko Ikaw yung dahilan kaya gusto pumunta agad ni Geo dito..umalis sa pilipinas.."
" Po..?"
" nagaral si Geo sa Public because of you right..?" seryosong saad ng daddy niya napatungo naman ako.
" I don't know po..?"
" So anong ginawa mo sa anak namin..?" seryosong tanong ng daddy niya.. Humugot naman ako ng malalim na hininga. " Alam mo si geo.. Ayaw na ayaw niyang nakikita namin na umiiyak sya.. Matatag yung batang yun eh. Pero nakita ko syang umiyak nung gabing dumating siya dito.. Hindi niya masabi yung reason pero nabanggit niya yung pangalan mo." saad nito..
" uhmm.. Nasaktan ko po sya.." saad ko habang nakatungo.
" Nasaktan..?"
" Pero I'm here po para magsorry.. Gusto ko po ayusin yung mga maling nagawa ko. Gusto ko po magsorry sa lahat ng masasakit na salita na nasabi ko kay Geo.. Wala po kasi akong karapatan saktan sya.. Alam ko po na mali yun.. That's why I'm here.. Para po makapagusap kami.. Para po hingin yung pagpapatawad niya." narinig ko naman yung sarkastikong tawa ng mommy niya.
" Sinaktan mo si geo.?" saad nitong deretsong nakatingin sakin.
" Hon.. Hayaan mo ng si Geo yung kumausap sa kanya.." saad ng daddy ni geo. Napabuntong hininga naman to.
" I'm sorry po kung nasaktan ko po yung anak niyo.. I'm really sorry.. I know nagkamali po ako." nakatungong saad ko napalingon lang ako ng marinig yung pagbukas ng gate.
" Geo that was awesome..!" rinig kong saad ng isang babae.
" I know.."
" sino ba yung hinahanap mo kanina..?" tanong pa nito hanggang bumukas yung pinto.
" May nakita kasi ako kanina..aixxt nevermind baka imagination ko lang yun.." saad ni geo habang tinatanggal yung jacket niya. " hi mom..Dapat nakita niyo ni daddy yung street dancing.. Galing nila grabe." halik ni Geo sa pisngi ng mommy niya.
" Hi tita.." bati nung babae habang nakatingin sakin. " may bisata ata kayo geo.."
" uhmm" saad ni geo kita ko naman yung gulat sa mata niya ng makita ako. " chris..?" pinilit ko naman ngumiti saka tumayo.
" Si chris son.. Punta muna kami sa kwarto ng daddy mo magpapahinga na sya." saad ng mommy ni geo saka inakay yung wheelchair papunta sa isang kwarto sa unang palapag ng bahay nila,
" hi..?" bati ko sa kanya.
" Wow..familiar ka sakin.." saad nung babae. Kumunot naman yung noo ko saka pinagmasdan yung mukha nito... "wow yun naalala ko na.. Galing tayo sa isang school nung highschool.." ngiti pa nito.
" Really..?"
" yeah.. Sikat ka kaya nung higschool.." Umupo naman si geo saka yung kasama niya sa sofa sa harap ko.. " I'm nadine.." ngiti nito.
" di kita matandaan eh.."
" I know..wag mo na alamin kung bakit.. Hey geo natahimik ka.."
" Uhm wala lang..anong ginagawa mo dito chris..?" pilit na ngiti niya.
" gusto kita makita..?"
" Wow.. Sya yung kaMU mo..?" ngiti ni nadine..
" uhmm.. Nasaan na ba si Peter.. Naku baka yung friend mo naligaw na.?"
" Aixt hinanap pa ni Peter bigla daw nawala eh..pero iniiba mo yung usapan. So sya yung KaMU mo..?"
" Uhmm.. Umuwi ka na nadine.. Maguusap lang kami..?"
" Wala man lang intro sa isat isa..?pakilala mo naman sya sakin..?"
" eh di ba sabi mo kilala mo sya..?"
" Oo nga pero syempre iba pa rin yung pormal..?"
" fine.. Chris this is nadine.. Nadine this is chris.." Pakilala ni geo sakin nagkamay naman kami.
" Nice to meet you.. My god I love gravity.. Super fan niyo ko nung highschool days as in super ang astig niyo kaya!! Inlove na inlove ako sa boses mo my god!! Tumutugtog parin ba kayo until now..?"
"Yeah.. Salamat huh.."
" Nadine.. You can go na please..?" saad ni geo habang pinanlalakihan ng mata si nadine. napakamot naman ako sa ulo.
" ang sad naman gusto ko marinig yung paguusapan niyo eh..?"
" irerecord ko for you umuwi ka lang.." ngiti ni Geo.
" talaga..?"
" ewan ko sayo sige na uwi na.." saad niya saka tumayo at hinila yung nadine palabas ng bahay pagbalik niya sa harap ko ngumiti lang sya sakin.. " hi chris.." saad pa niya.
" Hi again.." ngiti ko din.
" Uhm ano ginagawa mo dito..?"
" pwede ba tayo magusap..?"
" naguusap na tayo..?"
" I mean yung seryoso.?"
"seryoso.. Magseserious face pa ko ganun..?" ngiti niya. " joke lang."
" geo please..?" Ilang sandali lang syang nakatingin sakin saka tumango.
" Sure.." saad niya.. " but wait may kukunin lang ako.." umakyat lang sya sa hagdan pagbalik niya may dala na syang makapal na jacket. " here suotin mo.." abot niya sakin.
" Uhmm nakajacket na ko.."
"masyadong malamig ngayon.. Ang nipis ng jacket mo pang Pilipinas lang yan eh." natatawang saad niya " sige na suotin mo na..?" inabot ko naman yung jacket saka sinuot. "tara..?"
" saan..?"
" ayoko tayo dito magusap.. Tsismosa mommy ko.." ngiti niya saka tumuloy sa pinto..
"Wait yung mga gamit ko.?" Saad ko natigilan lang sya ng makita yung bulaklak sa sofa.. Agad ko naman tong kinuha. " para sayo.?"
" Hindi ako mahilig sa bulaklak. Iwan mo nalang jan." ngiti niya tumango naman ako. "Let's go..?" humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumunod sa kanya.. Baka lulunurin niya na ko sa dagat.. Ayt.. Bahala na nga. paglabas ko ng bahay nila napangiti lang ako ng makita sya habang sinasalo yung maliliit na snow na bumabagsak.
" Umuulan ng snow..?"
" Stone chris.. Umuulan ng bato ." natatawang saad niya. " kainis.. Maya maya wala nanaman yan.. Paasa kaya ang snow dito babagsak tapos biglang mawawala.. Ang magagawa lang is hintayin syang magpakita uli. Kahit maglumuhod ka para hilingin na bumagsak sya kung ayaw niya talaga bumagsak wala kang magagawa..saklap noh.?" Saad niya natigilan naman ako saka pinilit ngumiti. " may mga bagay na hindi dapat pinipilit.. Like snow.. Kahit gaano mo kagusto umulan ng snow tuwing summer... Hindi uulan..ganun lang yun."
" winter festival dito sabi nung taxi driver..?"
" yeah.. Pero I dont know ang tagal bumagsak ng snow. Winter pero ang konti ng bumabagsak na snow.. Bang damot eh..tara na..?"
" saan..?" tanong ko nakita ko naman na may kinuha syang bike sa gilid ng bahay.
" here ito sayo.." ngiti niya saka may kinuha pang isa.. " marunong ka naman siguro magbike..? Magaling ka naman sa lahat ng bagay right."
"Oo naman.." ngiti ko.
" kaya pala..Then let's go sunod ka sakin.." saad niya saka sumakay sa bike.. Sumakay lang din ako saka sumunod sa kanya.. Di ko naman mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sya habang nagpepedal hanggang makarating kami ng highway.. Damang dama ko yung lamig ng simoy ng hangin.. Yung malamig na haplos nito sa mukha ko.
" Saan tayo pupunta Geo..?" tanong ko ng magtapat yung bike namin.."
" basta sunod ka lang sakin.." saad niya saka mas binilisan yung takbo ng bike niya. Natigilan lang ako ng makita yung gilid ng highway.. Kitang kita dun yung lawak ng dagat kaya hininto ko yung bike saka to pinagmasdan.. Woooww.. " chris ano na..? Ngayon ka lang ba nakakita niyan..?" sigaw ni geo.
" ay sorry.." saad ko shet ang ganda muli lang akong nagpedal saka sumunod kay geo hanggang makita ko na tumigil sya sa gilid ng kalsada saka bumaba sa bike niya..
" tara akayin mo yung bike mo.." ngiti niya saka naglakad papunta sa batuhan.. Sumunod lang ako sa kanya saka hiniga yung bike sa batuhan. Paglapit ko sa kanya nakatanaw lang sya lawak ng dagat habang hinahangin yung manipis niyang buhok. Nilanghap ko naman yung hangin.
" Ang ganda naman.." ngiti ko habang nakatanaw din sa dagat rinig na rinig ko din yung mga barko na dumadaong at paalis sa lugar na yun.
" So kamusta ka..?" lingon niya sakin.
" Ok lang.."
" Uhm Nabalitaan ko yung nangyare sa battle of the band.. Nanalo pala yung Schoneberg academe..sayang.."
" yeah pero ok lang they deserve it naman.. Magaling naman talaga yung Antagonist..Saka two years na kami nagchampion..I think It's enough."
" enough..?" lingonn niya.
" yeah.."
" alam mo pala yung word na yun.?" mapait na saad niya pero ngumiti lang sya ng lumingon sakin.
" Oo naman.."
" so bakit ka nandito..?"
" Gusto kita makita..?"
" why..?"
" Geo I'm sorry." saad ko nanatili naman syang nakatanaw sa dagat. " geo..?"
" napatawad na kita.." lingon niya sakin. "Di mo kailangan magexplain.. Naiintindihan ko lahat.. Don't worry."
" Geo.." saad kong nakatitig sa mata niya.
" uhmmm..?"
" Do you still love me..?"
" You know what.. Winter festival ngayon alam mo ba na may event malapit dito mamaya.. May live bands pa nga. Since nandito ka na dapat mapanuod mo yun." ngiti niya humugot lang ako ng malalim na hininga.
" Layo naman ng sagot mo sa tanong ko..?" napapakamot na saad ko.
" malayo ba? atleast malayong masaktan nanaman ako." ngiti niya natigilan naman ako.. " joke lang.. Alam mo ang ganda dito.. Ilang buwan na rin akong nandito and gustong gusto ko. Tinulungan ako ng lugar na to tanggalin lahat ng sakit dito..sa puso ko.."
" Geo.."
" Kung pwede nga lang dito na kami tumira for good.. Kaso hindi pwede eh.."
"uuwi na kayo ng Pilipinas..?"
" Yeah."
" Si Paul sabi niya pupunta daw sya dito..? Pumunta na ba sya.?"
" Si paul.?" marahan naman syang umiling.
" why..?"
"Uuwi din kami next week.. Gusto niya pumunta.. Ang kulit nga eh pero sabi ko uuwi na din kami so dun nalang kami magkita."
" kayo na ba..?"
" Alam mo pwede akong maging tourguide mo kung gusto mo..?" ngiti niya tumanaw naman ako sa dagat saka humugot ng malalim na hininga.
" haixxt sige na nga.. Ayaw mo sabihin kung mahal mo pa ko ayaw mo din sabihin kung kayo na ba ni paul.. Kaya itour mo nalang ako.?" ngiti ko napangiti naman sya.
" better.." saad niya.
" Mas lalo kang gumawapo..?"
" naman.. Hiyang kaya ako dito.. Rosy cheeks na nga ako eh.." natatawang saad niya habang hinihimas yung pisngi niya. Masayahin parin talaga sya.. Walang nagbago. " guwapo ka rin naman chris.. Sobra nga eh.." iwas niya ng tingin natawa lang ako.
" Geo masaya ako na pagkatapos ng ginawa ko sayo.. Hindi ka nagbago.."
" nagbago ako chris.. Mas lalo kong minahal yung sarili ko. Natutunan ko kasi.. People come and go and life goes on.. Ganun lang yun.. May darating may aalis pero may darating uli na bago. May magpapaalam pero may mananatili Kung di mo masabayan yun talo ka.."
" Yeah right.. Sakin maraming dumating pero hinayaan kong mawala.. Parang ikaw.."
" Ako..?"
" Yeah.."
" tara.. Hanap tayo pwedeg makaininan..?" ngiti niya.. Napakamot naman ako sa ulo.
" iniiwasan mo talaga huh..? Nagbyahe kaya ako ng milya milya para lang makapgusap tayo.."
" Wala naman nagsabi na puntahan mo ko dito.."
" pumunta ako dito kasi gusto kita makausap..?"
" naguusap na tayo.. Hello chris.. Im talking to you kaya.."
" I mean pagusapan natin yung nangyare..?"
" di ba sabi ko.. Naiintindihan ko lahat.. Tapos na yun nakamoved on na ko.."
" you mean hindi mo na ko mahal.?"
" nagugutom ako..tara na.." ngiti niya saka kinuha yung bike niya at naglakad .. Napabuntong hininga lang ako saka sumunod sa kanya. " saan ka nakacheck in..?"
" wala pa eh.. "
" ganun ilang araw ka ba dito.?"
" tatlo..?"
"wow.. Ang bilis lang.. Next week yung uwi namin sa pilipinas.. So mauuna ka parin."
" talaga..?" sumakay lang kami parehas sa bike saka to mabagal na pinaandar.. " madami kang friends dito..?"
" Dalawa nga lang eh.. Yung kanina si nadine yun .. Makulit sya lagi kong kakuwentuhan kaso busy din sya sa school pati yung boyfriend niya.. Si peter filipino rin.."
"I see..lamig dito noh..?"
" Winter na kasi.. Di ko lang alam bakit ayaw pa bumagsak ng todo ng snow."
" Kumanta ka daw kasi.." ngiti ko natawa naman sya.
" baliw.. Tara .." saad niya saka mabilis na nagpedal. Napailing lang ako saka sumunod sa kanya.
" Geo wait.." habol ko sa kanya. " Geo Sana mapagusapan natin yung nangyare bago man lang ako bumalik ng pilipinas..?" saad ko ng magtapat yung bike namin.. Hininto naman niya yung bike kaya huminto din ako. : gusto maayos natin yung mga bagay na dapat natin ayusin.?"
" You know what Chris.. Masasayang memories kasi yung binubuo ko dito sa lugar na to.. Pwede Ba paguwi nalang natin ng Pilipinas..? Dun kita papatayin.." ngiti niya.
" uhm..?"
" Sayang wala si paul dito.. Alam mo bang mayplano kami sayo..?" natatawang saad pa niya.
" anong plano..?"
" Uhmm nevermind.. Di mo gugustuhing malaman..tara na..?" saad pa niya saka muling pinaandar yung bike niya. Ngumingiti sya pero.. Yung mga mata niya.

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon