chapter 5

251 11 0
                                    

SI GEO

" ok ka pa ba geo.. Mukhang hilo ka na eh..?" seryosong tanong ni chris.. Natawa naman ako.
"ok pa ko.. Ikaw..?"
" ok pa naman tara.. Alis na tayo.."
"saan tayo pupunta.?"
" uhm kahit saan..?"
" sa lake side..?" wala sa sariling saad ko.
"late na eh.. Sobrang dilim na dun.." saad ni chris na nakatingin sa orasan sa kamay niya.
" Di ba may sinabi ka tungkol sa lakeside ng ganitong oras.. Gusto ko maexperience yun.." ngiti ko..
" huh..?" natigilan lang ako ng mula sa likod may tumabi sakin saka umakbay.. Napalingon naman ako.. Si paul..?
" pwede makijoin sa kwentuhan niyo.?" ngiti ni paul.. " hi chris right.. Schoolmate tayo nung highschool."
" Yeah I know.. But your name is.?"
"Paul Kendrick Unidad.." ngiti nito.. Wow nice name PK U.? haha
" Yeah I remember you.. Ang black sheep ng mga Unidad..Hindi agad kita namukhaan.. Godboy looking na ah.?" ngiti ni chris natawa naman ng payak si paul.. Black sheep..? Seryoso..?
" Nagbago na ko bro.."
" so hindi ka na nakikipagbasagan ng mukha kung kani kanino.?"
" well matured na ko.. Pero kapag napuno ako Magtago ka na.." sarkastikong saad ni paul habang nakatingin ng deretso kay chris.. Wala sa mukha niya ang nakikipagaway.. Shet. Eh kanis kinis niya.. Pano nangyare yun.? Sayang naman yung mukha niya.
"bakit ka ba nandito..?" simangot ko saka tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.
" makikijoin nga di ba.?"
" uuwi na kami eh."
" ihahatid kita." ngiti nito.
" bakit mo sya ihahatid ako nagdala sa kanya dito so ako dapat maghatid sa kanya.." kontra agad ni chris..
" ihahatid mo sya..? How about aldred.?" umiwas naman ng tingin si chris.. Aixt..
" May pupuntahan pa kami kaya pwede ba paul.. Lumayo ka samin.."
" saan kayo pupunta..?"
" Gusto mo i - On ko yung gps ko para malaman mo kung saan kami pupunta.?" seryososng saad ko umiwas lang sya ng tingin.. Kainis na tao to oh..
" nagtext ako kay aldred sabi ko kasama kita.. So nageexpect sya na ako maghahatid sayo since wala kang dalang motor.." napatitig naman ako sa mukha niya.. Shit ano ba problema ng lalakeng to.. Sabi niya wag ko na syang lalapitan tapos ngayon didikit dikit sakin.. Kainis naman oh..
" ako maghahatid sa kanya.." inis na saad ni chris saka tumayo.. Aktong tatayo ako ng hawakan ni Paul yung braso ko..
" ako maghahatid sayo.." madiin na saad nito.
" ano ba problema tol huh." seryosong saad ni chris.
" gusto ko lang ako maghatid sa kanya.. Masama ba yun.?" kita ko naman na lumingon to sa kinauupuan niya kanina..kita ko lang yung kumpulan ng mga bakla dun..mukhang mga lasing na. " ayoko lang umuwi magisa mahirap na." iwas nito ng tingin.
" edi maghanap ka ng iba na mahahatid mo.. Bakit ako pa.?"
" eh ikaw lang kilala ko dito eh.?" simangot niya sakin.
" eh kilala mo nga si chris eh.. Ay tanga sya.."
" gago ka ah.!" amba niya sakin..
" ginugulo ka ba nila.?" tanong ni chris. Nang tingnan ko yung mga bakla ay nakatingin to sa dereksyon namin.. Napangiwi lang ako ng kindatan ako ng isa.. Ayt!! Panget!
" fine.. Gusto ko lang na umuwi na.." inis na saad ni paul.
" mukha ba kaming kalsada ni chris..? Uwi ka magisa.!"simangot ko napabuntong hininga naman si chris.
" gusto ko lang umuwi.. Ayoko lang mapaaway dito.."
" Hindi pwede geo."
" at bakit hindi pwede.?"
" delikado dito.." napapakamot na saad ni chris.
" no choice.. Baka hindi na ko sikatan ng araw kapag nakipagaway ako dito.."
" hindi naman ata talaga sumisikat ang araw dito..? Tuyong tuyo yung mga tao eh.. Parang mga gutom na gutom." ngiwi ko napatingin lang sila parehas sakin..
" gago ka yung bibig mo nga kapag napaaway tayo dito..?!" pinanlakihan lang ako ng mata ni paul.. Aixt ang cute pero.. Wait.. Ano ba sinabi ko haha..
" buti walang nakarinig sayo.. Kung nagkataon nasirang geo ka na.." natatawang saad ni chris.. Napalingon naman ako sa paligid ko..ngayon ko lang napansin yung mga nagiinom..shet mukhang mga adik baka nga di na ko sikatan ng araw kapag nagkarumbulan dito.
" ay sorry.."
"kung gusto mo mamatay.. Wag kang mangdamay.?"
" eh kung ikaw unahin kong patayin huh." nguso ko sa kanya.
" asan na yung kasama mo kanina..?" tanong ni chris dito.
"si ethan..? I don't know sabi bibili lang di na bumalik..kainis yung mga bakla na yun ang lakas ng loob manghipo..haixt badtrip pasalamat sila wala ako sa mood makipagaway ngayon." inis na saad nito hindi ko naman mapigilan mapangiti.. " bakit ganyan ngiti mo.?"
" uhm wala lang.. Kala ko pa naman sanay ka sa ganitong lugar.?"
" sanay ako ayoko lang mapaaway.. Hindi na pwede.. Chris magkaschoolmate naman tayo dati.. Pasabay lang kahit hanggang labasan. Wala kasi akong dalang car eh."
"eh bakit wala kang dalang sasakyan..? Pupunta punta ng party di naman pala alam kung pano uuwi."
" shut up ok.. Kinakausap ba kita.?"
" sige tol sabay ka na samin."
" badtrip naman chris eh.. Di ba may pupuntahan pa tayo.?" simangot ko .. Panira naman tong bwiset na to kainis
" kahit hanggang plaza lang..?!" inis na saad nito.
" next time kasi magdadala ka ng sariling sasakyan."
" geo ayoko pumunta ng lakeside.. Delikado dun sa gabi eh." saad ni chris.
"sa lakeside kayo pupunta..?"
"kasasabi lang ni chris na sa lakeside magtatanong ka pa.?. Bingi ka talaga eh noh."
" eh kung sapakin kaya kita ngayon.. Ang daldal mo talaga."
"haixt.. Panira.." simangot ko.
" tara na alis na tayo.." saad ni chris saka naglakad..inis lang na sumabay ako sa paglalakad nito... Badtrip talaga eh noh.. Moment namin ni chris tapos ganito.. Naramdaman ko lang yung pagkahilo kaya muntikan akong madapa buti nalang agad nahawakan ni paul yung braso ko...
"lasing ka nga.." saad nito.
"ok ka lang ba geo..?" tanong ni chris.. Tumango naman ako dito.
" mejo nahihilo lang ako..wag mo nga ako hawakan.." tanggal ko sa kamay niya na nakahawak sa braso ko..
" edi wag ang arte mo inaalalayan na nga eh." simangot niya saka ako nilampasan.. Naman oh.. " kala mo chicks.!" habol pa ni paul kita ko naman na natawa si chris.
" sana nagapply ka nalang na personal alalay ko.?!" ismid ko sa kanya..
" ok ka lang ba talaga geo.?" tanong ni chris.. Pinilit ko naman ngumiti saka tumango..ok lang ba talaga ko.. Uhm mejo umiikot yung nakikita.. Nahihilo nga ako haha.. Buset na alak yun.
" ok lang ako chris.."
" sure ka huh.?" ngumiti lang ako saka naglakad.. Naabutan lang namin si paul na nagyoyosi sa tabi ng motor ni chris.. yikes. Yosi boy.
" gusto mo bro.?" alok nito ng sigarilyo kay chris.. Please no... Hindi nagyoyosi yung chris na nakwento sakin ni blue..no please.. Ilang segundo tumigil yung paligid. No chris.. Bumagsak lang yung balikat ko ng kumuha si chris ng yosi sa kaha ng sigarilyo na hawak ni paul.. Damn it! Sabay lang silang naghithit buga sa harap ko.. Ayoko ng yosi pero bakit ang astig tingnan ni chris habang hinihithit yung pesteng sigarilyo na yun.." ikaw gusto mo.?" untag sakin ni paul. Tiningnan ko lang yung hawak niya saka umiling.
" hindi ako nagyoyosi.."
" goodboy.." sarkastikong ngiti nito.. Inismiran ko naman to.. itong lalakeng to kapag napuno talaga ko dito.. hahalikan ko sya! Nakakainis na.
" lage ka dito bro.?" tanong ni chris kay paul.
"hindi naman.. Kaibigan lang ni ethan yung may birthday."
" Ah i see parang galing lahat sa musiko yung bisita eh."
" napansin mo pala.. Sabit lang tayo..pang banda lang kasi tayo." natatawang saad ni paul.. Ang sarap niya tirisin.. Chance ko na to eh.. Yun na yun eh.. Pupunta kami ng lakeside ni chris para hindi manuod kundi para magbigay ng liveshow sana eh haha.. joke..
" so kamusta yung banda na ginawa ni blue.?"
" well magaling yung vocalist namin at yung lead guitar..idagdag pa ko at si ethan.. Handa na ba kayong matalo ngayong taon sa battle of the band.?" natawa naman si chris.. Shit ang cute.. Ang sarap ng smile niya na yun. " seryoso ako bro.. Kung gusto niya mauwi yung title.. Mag nobena kayo araw araw sa qiuapo." ngiti nito.. Yabang eh alam ko sila chris ang nanalo last year.. Ang imposible.
" wow tiwalang tiwala ka sa vocalist niyo ah.. Mas magaling ba sakin.?"
" mas magaling... Pero mas magaling yung lead guitar namin.. Sa kanya pa lang taob ka na.. Pag kumanta kasi yun madadala ka niya sa mundo niya."
" wow may sariling mundo.. Paki sabi envite niya ko.." sarkastikong saad ko..umiba lang ng tingin si paul na parang walang narinig.. I exist shet to ah.
" seryoso chris.. Magschoolmate tayo before pero ngayon hindi na so magkalaban na tayo ngayon.. Piece of advice.. Move on.. Baka kasi pag nagawa mo yun magkachance pa kayo manalo." hindi naman nagsalita si chris.. Humithit lang to sa sigarilyong hawak nito. "hindi mo parin kaya..? Well goodluck kakainin kayo ng buhay ng banda namin."
" really.. Edi goodluck.." nakita ko naman na tinapon na ni paul yung sigurilyo niya ganun din si chris. " wait silipin ko lang yung bahay nila CJ." saad ni chris saka naglakad patungo sa tapat ng bahay ng kaibigan niya.. Nang tingnan ko si paul nakapamulsa lang to.
" may gusto ka sakin noh.?" untag ko sa kanya.. Natawa naman sya ng payak. " bakit ka tumatawa.. Gusto mo ko.. Alam ko.." sarkastikong saad ko.
" I'm not that desperate and you aren't that lucky.." payak na saad niya. " swerte mo naman kung patulan kita.. Gising gising... Wag assuming." ngiti niya sasagot sana ako ng tumalikod to.. Aiixxxtt naman oh.. Dun naman bumalik si chris.. Sumakay lang to sa motor niya saka inistart.. " tara tulog na talaga si Cj eh.."
" yeah." saad ni paul natauhan lang ako ng banggain niya ko.
" ano ba.?" asik ko sa kanya.
" wag mo masyado tititgan baka mapansin niya agad na may gusto ka sa kanya..patay ka.." bulong niya..natigilan lang ako.." sakay ka na."
" gusto mo na ba mamatay paul.?" deretsong saad ko.
" daldal.. Sakay na." turo niya sa motor.
" sa gitna ako..?"
" gusto mo ikaw sa likod.? Edi ba lasing ka pano kung mahulog ka.?"
" yeah geo.. Ikaw na sa gitna..?"
" kunware ka pa.. I know naman na gustong gusto mo yun.." bulong ni paul.. Sinimangutan ko naman sya saka sumakay sa likod ni chris.. " urong ng konti.." sarkastikong ngiti ni paul..
" geo wala akong sakit don't worry." natatawang saad ni chris.
" uhm eh kasi.." aixt fuck.. Pano kung maramdaman niya yung ano ko.. Aixt tinatablan na pa naman ako.. Shet magkadikit na magkadikit kami eh..
" urong na.. Parang chicks eh!" simangot ni paul..umurong naman ako halos di ako makahinga ng sobrang idikit ko yung katawan ko kay chris.. Lalo lang akong nainis ng makita yung nakakalokong ngiti ni paul.. Naman oh hanggang sumakay sa likod ko si paul lalo lang akong nailang.. Ano ba to.. " heaven ba.?" bulong ni paul sa tenga ko.. Shit! Parang tumaas lahat ng balahibo ko ng maramdaman yung mainit na hininga ni paul sa balat ko.. Ano ba to.. " baka gusto mo pang yakapin kita.?" bulong uli niya..
" gago..!!" gigil na saad ko.. Rinig ko lang yung mahina niyang tawa.. Umandar lang yung motor ni chris ilang sandali ng tumatakbo yung motor ng maramdaman ko yung kamay ni paul sa bewang ko ng lingunin ko sya nakita ko lang yung nangaasar na ngiti niya..ayoko na magsalita baka mapansin na ko ni chris.. Aaaiixxxxtt bakit ba kasi niya nalaman na may gusto ako kay chris eh.. Naman oh. Naging abnormal naman yung paghinga ko ng sumunod na segundo.. " pwede tanggalin mo yung kamay mo.?" lingon ko sa kanya.. Shet ang lapit ng mukha niya. Ilang sandali ko lang syang napagmasdan..ang tangos ng ilong niya at ang pula ng lips.. Nasa heaven na ba ko.? haha
" baka mahulog ako eh..pasalamat ka nga isa ka sa mga napakaswerteng nayakap ko eh.?"
" yakap na ba tawag mo jan.. Boring." sarkastikong saad ko..ngumiti lang sya saka lalong hinigpitan yung isang kamay niya sa bewang ko.. Damn it..! Bakit ang sarap.?
" ganito ba..?" saad niya sa tenga ko.. Napalunok naman ako..aixxxtt Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating kami sa plaza.. Bumaba naman ng motor ni paul. Shet ano ba to.. Bwiset naman na pual to oh.
" salamat.. Uwi na ko..geo uwi na ko.." ngiti ni paul.
" dapat lang..alis na." simangot ko..
" sige bro ingatz." saad ni chris.. Naglakad lang si paul palayo hindi ko naman mapigilan pagmasdan sya habang naglalakad. Pwede..? Aixt si chris nga pala.. " close ba kayo nun.?" umurong naman ako ng konti.. Shet tinablan ako dun ah..sana naman hindi naramdaman ni chris yung galit galit na kaligayahan ko haha..
" si paul..? Hindi kami close nun noh.."
" bulungan kasi kayo ng bulungan.."
" nangaasar lang yun.."
"ok. Hatid na kita sa inyo..?"
" ayaw mo talaga pumunta ng lakeside..?"
" Ayoko eh.. Uwi na din ako hinahanap na ko ni mommy eh."
"ganun syanag naman.."
"don't worry marami pa namang chance remember sa URS ka na magaaral.."
" sabagay.."
" lets go..?" saad niya.
" ok.." pinaandar niya lang yung motor niya patungo sa subdivision nila kuya aldred lampas alas dose na nun ng gabi ng makarating kami sa kanto kung saan niya ko inantay kanina..
"pasensya na geo dito lang kita mahahatid.. Alam mo naman yung sitwasyon namin ni aldred diba.?" saad niya bumaba naman ako.
" I know naman.."
" salamat naiintindihan mo.."
" chris ok naman tayo di ba..?"
"what do you mean..?"
" wala kang galit sakin..?"
" wala.. Wala naman tayong issue di ba..?"
" so pwede tayong maging friends.?" ngiti ko or more than that haha gusto ko sana sabihin kaso wag na haha..
" ok lang.. Hehe yun ay kung gusto mo ko maging friend..?" ngiti niya habang deretsong nakatingin sa mata ko... Natawa naman ako..ayt yung tingin niya hindi ko kaya haha..
" gusto ko.. Wala pa kasi akong friend dito eh.."
" yun.. Friends.?" lahad niya ng kamay sakin.
" friends forever ba to.?" pilit na ngiti ko natawa naman sya.
" basta friends.. " saad niya tinanggap ko naman yung kamay niya..nang maglapat yung kamay namin feeling ko naging si volta ako.. Haha parang napuno ng kuryente yung katawan ko. "uwi na ko geo." saad niya saka hinugot yung kamay niya.. No ba yan.. Ang lambot ng kamay niya..
" ah yeah sure.." ngiti ko.. Pinaandar niya lang yung motor niya.. Pinagmasdan ko lang sya palayo hanggang mawala na sya sa paningin ko.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka.. Waaaaaaaaaahhhhhh!! Gusto ko sumigaw nun pero . Aiixxxxtt kinikilig ako.. Si chris..! One step closer geo.pero waaahh.. Shet friend na talaga kami..! Waaah akin ka chris.. Magiging akin ka.. At si pesteng blue.. Buburahin ka sya jan sa tanga mong puso.. After ng friend ek ek na yan.. Madedeveloped sakin si chris tapos mamahalin niya ko.. Tapos magiging kami tapos makikisss ko sya.. Waaaah.. Relax heart.. Kalma lang heart! Haha.. Pwede ba maglupasay.? Haha I can clearly see the future Magkaholding hands kami ni chris habang naglalakad. Shet ang saya nun..!
Natauhan lang ako sa pagpapantasya ng may mapansin akong magjowang nakatingin sakin.. Aixt mukha akong tanga.. " why.?" tanong ko sa dalawa.
" inlove ka." saad nung babae.. Napansin ko lang na magkaholding hands sila.. Waahh buti pa sila.
" tingin mo honey.?" saad nung lalake.. Abay mga bwiset to ah.
" ano naman sa inyo.?wala kayong pake.. Basta ako masaya..!" ngiti ko saka sila nilampasan..aixt magiging kagaya din ako ng magsyota na yun hahaha.. Parang nawala yung tama ko sa alak nung hawakan ni chris yung kamay ko..ngumiti lang ako saka tumakbo papunta sa bahay nila kuya aldred.. One step closer geo.. Konting kembot nalang.

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon