chapter 14

1K 13 0
                                    


SI Chris
Chris.. I'm sorry May dinner kasi kami ngayon
Nakauwi na kasi si Irene.. I'll call you later.
Basa ko sa text na galing ay Geo. Nilibot ko lang yung tingin ko sa buong park na yun saka humugot ng malalim na buntong hininga.. Nagexpect ba ko na pupunta sya.. Aixt kanina nung sinabi niya yung tungkol sa make love..? Di ko alam bakit naexcite ako.. Aixt chris.. Muli ko lang sinuot yung helmet na hawak ko saka sumakay sa motor. Ilang sandali pa yung lumipas bago ko pinaandar yung motor papunta sa bahay nila blue. Sisilipin ko lang.. Kahit sandali lang..kahit ngayon lang.
Ilang metro mula sa bahay nila blue ng itigil ko yung motor sa gilid ng kalsada saka hinubad yung helmet na suot ko. 5 minutes kapag hindi sya lumabas uuwi na ko..
Lumipas ang ilang minuto ng sabay lumabas si aldred saka si blue ng gate habang nagtatawanan. I can't hear what they are saying pero kitang kita yung saya sa mukha nila parehas... Yes oo masaya sila.. Yung mga tingin nila sa isat isa. Yung mga magkahawak nilang mga kamay.. Yung mga ngiti nila sa labi.. Mahal nila ang isa'tisa.. Mahal na mahal.. Chris si aldred ang mahal niya eh..sya lang.. Sya lang.. Kailan mo ba itatak sa puso mo yun.. Kailan..? Kailan mo ba matatanggap na wala ng pagasa.. Kailan ka ba titigil na umasa.. Umasa sa bagay na alam mong imposibleng mangyare..
Nagsimula Tumulo yung masaganang luha mula sa mga mata ko.. Mga luhang kahit kailan hindi niya makikita. Nang mga oras na yun parang yung sakit na naipon ko sa loob ng dalawang taon.. Lumabas lahat.. Parang Unti unti akong nanghihina... Parang unti unti akong natutunaw at nawawalan ng lakas.. "Blue.. Blue.." iling ko.. Pinunasan ko lang yung luha sa mata ko..muling sinuot yung helmet saka pinaandar yung motor ko papunta sa ibang dereksyon.. Ayoko na..
Pagkaparada ko ng motor sa garahe nakita ko na si mommy na nasa front door ng bahay.
" Where's geo.?" salubong sakin ni mommy pilit lang akong ngumiti saka umiling..nilampasan ko si mommy saka pumasok sa bahay. " why what happened.? Nagaway ba kayo.. Kala ko pupunta sya ngayon..? Nagluto pa naman ako ng masarap na dinner.?" habol niya sakin.
" May dinner sila ngayon with blue..Nakauwi na kasi si Irene."
" Si Irene.? You mean yung malditang kapatid ni blue..?"
" Yes mom."
" may ginawa ba sya sayo..?" Gigil na saad ni mommy pinilit ko lang ngumiti saka umiling.
" wala mom. Hindi kami nagkita.. nagtext lang sakin si geo hindi sya makakapunta.. Akyat na po ako gusto ko na po matulog."
" nagluto ako anak..?"
" I'm not hungry mom.. Initin ko nalang po kapag nagutom ako.. Don't worry about me mom." saad kong may pilit na ngiti kita ko namna yung tingin sakin ni mommy na wari binabasa kung ano yung nararamdaman ko. " mom.?"
" Chris..Are you ok.?" marahan naman akong tumango.
" Yes mom.. I'm ok.. Akyat na po ako." ngiti ko saka tumalikod at naglakad paakyat sa kwarto ko.. "I'm ok.. I'm perfectly fine.." Saad ko lang sa sarili ko. Pagpasok ko sa kwarto pabagsak lang akong nahiga sa kama. Nakipagtitigan sa kisame. Hanggang kailan ba ko ganito? Kailan ba maghihilom yung sugat sa puso ko.. Kailan ko ba makakalimutan lahat ng memories namin.. Hanggang kailan ko ba sasaktan yung sarili ko.. Pagod na pagod na ko.. Unti unti lang dumaloy yung luha sa mga mata ko. Hinayaang ko lang silang magunahan dumaloy sa gilid ng mata ko... Gusto ko na sila maubos.. Gusto ko na tumigil yung mga luha.. Ayoko na.. Ayoko na umiyak.. Ayoko na.. Tama na..Please.. Tama na..
" dalawang taon.. Fuck blue..!! Ano ba ginawa mo sakin..! dalawang taon ba talaga yung sinayang ko.. Sinayang ko sa taong alam ko naman na hindi ako mamahalin..taong kahit kailan hinding hindi ako mamahalin." bulong ko kasabay ng pagiyak. Ang sakit na..Please chris kalimutan mo na sya..Shit.. Parang awa mo na kalimutan mo na sya.. Tumayo lang ako sa kama saka humarap sa computer. Isa isa ko lang binuksan yung mga folder na may lamang video namin ni blue.. Hindi kolang mapigilan umiyak habang nakatingin sa screen ng computer.. "Simula ngayon kakalimutan na kita.." bulong ko habang nagpeplay yung isang video.. Sabay kaming kumakanta nun ni blue habang parehas kaming may hawak na guitara. iTo yung panahon na akin sya.. Na ako yung mahal niya.. Mali.. ang totoo.. Ito pala yung panahon na niloloko ko yung sarili ko na ako yung mahal niya.. Na akin sya. Ito yung panahon na pinaniniwala ko yung sarili ko na kami yung para sa isa't isa. Pagkatapos ng video na yun agad ko lang yun dinelete..
" Bye blue.. Bye." bulong ko pa.. Isa isa kong pinanuod lahat ng video namin, isa isa.. Sa bawat ngiti.. Sa bawat tawa.. Sa bawat yakap ko sa kanya na napapanuod ko sa video.. Ay isang malaking kasinungalingan.. Ganun ko ba talaga katagal niloko yung sarili ko.. Shit.!shit chris..
" I love you blue." nakangiting saad ko sa isang video habang natutulog si blue.. Tumulo lang yung luha ko pero agad ko tong pinunasan.
"I love you aldr-" saad niya habang nakapikit sa video dun naman nacut yung pagkakarecord nun dahil nung oras na yun agad ko tong pinindot sa pagaakalang naalala niya na si aldred.. Nung nalamanko na nagkaamnesia si blue.. Sobrang saya ko.. Sobra.. Pero yung saya pala na yun.. Ay isa ding malaking kasinungalingan.
" Si aldred lang ang mahal mo.. Sya lang.." iling ko kasabay ng mga luha.. Ngayong gabi.. Papakawalan na kita..at higit sa lahat..blue papalayain ko na yung sarili ko.. Sa kulungan na gawa ng pagmamahal ko sayo. Iiyak ako.. Pero ito na yung huli.
Halos abutin ako ng ng 10pm sa harap ng computer.. Naubos na rin yung luha ko.. Nakakapagod rin pala umiyak.. Nakakapagod.. Pagod na ko kaya handa na kong sumuko. Pinatay ko lang yung computer pagkatapos idelete lahat ng video at pictures naming dalawa. Isang payak lang na ngiti yung pinakawalan ko.. Kaya ko pala.. Kaya ko palang burahin lahat yun.. Chris isa kang malaking tanga..napakatanga mo.. At higit sa lahat.. Ang gago mo..
lumabas lang ako ng kwarto saka bumaba papunta sa kusina.. Pagkakuha ng tubig ay dumeretso ako sa likod papunta sa swimming fool para sana magpahangin. Natigilan lang ako ng maabutan dun si mommy na nakaupo sa bench at nakatanaw sa pool.
" mom..?" saad ko paglapit sa kanya.
"nanggugulat ka naman.. Kala ko tulog ka na.?" nakangiting saad ni mommy.
"hindi po ako makatulog.." saad ko saka umupo sa tabi niya.
" Umiyak ka ba.? Sabi mo ok ka lang..?"
" halata ba na umiyak ako mom.?" natatawang saad ko. Ngumiti lang to saka tumango.. Pinagmasdan lang niya yung mukha pero agad syang umiwas ng tingin ng may sumilip na luha sa mga mata niya. " mom.. What's wrong..?"
" chris.."
" mom bakit..? Anong nangare..? May problema ba kayo..?" nagaalalang saad ko.. Tungkol ba to kay daddy.. Haixt. " mom Is it about dad..?" tanong ko agad naman sya umiling. " eh bakit kayo umiiyak..?ano problema.?" napabuntong hininga lang sya.
" Son nasabi ko na siguro sayo lahat ng reason para makamove on ka lang, tingin ko naman naibigay ko na siguro lahat ng advice para kalimutan sya.. Hindi ko na alam gagawin ko eh.. Chris nasasaktan ako.. Chris kung gusto mo umiyak I'm here naman eh.. Kung gusto mo ng karamay sa pagiyak.. Anak nanito ako.. Wag mo sarilinin kasi anak.. Ang sakit dito." naluluhang saad nito habang nakaturo sa dibdib niya. tumungo naman ako para wag makita yung mga luha ni mommy. " Chris.. Kung alam ko lang sana una palang pinigilan na kitang mahalin si blue.. Kung alam ko lang sana hindi ko hinayaang lumalim yung pagtingin mo sa kanya.. Kasi anak tuwing nakikita kitang nasasaktan.. Chris doble yung sakin eh."
"mom wag ka ng umiyak..please"
" Chris.. Anak.. Tanggapin mo na oh.. Tanggapin mo na wala na.. Please..? Hindi ko na talaga alam yung sasabihin ko.. Makalimutran mo lang sya,." umiiyak na saad ni mommy tumulo naman yung luha ko.
" mom.."
"Chris.. I'm sorry kung nasasaktan ka.. I'm sorry..Mommy mo ko pero wala akong magawa.. Wala akong magawa para mawala yung sakit jan sa puso mo.. Chris wala akong magawa para wag ka na umiyak.. Para wag ka ng masaktan..anak ang sakit sakit sakin na makita kang ganyan.. Ayoko umiyak.. Pero kasi anak.. Hindi ko na kayang ganyan ka eh,"
"mom wala kang kasalanan..wala..kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan.. Im sorry mom kung pati kayo nadadamay dahil dito sa kabaliwan ko.. I'm really sorry .. Ang selfish ko. hindi ko man lang naisip na apektado narin kayo.. Mom I'm sorry."
" Chris.. It's ok.. Mommy mo ko..Ang gusto ko lang naman sumaya ka eh.. Chris I just wanted you to be happy.. Gusto ko lang maibigay kung ano yung magpapasaya sayo.. Pero bakit hindi ko magawa..?" punas niya ng luha sa pisngi niya.. " Chris Tuwing nakikita ko yung sakit na nararamdaman mo.. Feeling ko na napakawalang kwentang nanay ko.. Kasi hindi kita maprotektahan sa sakit.. Wala akong magawa eh."
" No. Mom.. Dapat alam ko na mas nasasaktan kayo pag nakikita niyo kong nasasaktan.. MOm.. And I'm really really sorry.."
" Chris.. Anong gusto mong gawin ko..? Kahit ano makita lang uli kitang masaya.."
" Mom.. Wag na po.. Simula ngayon.. Si blue.. Tatangalin ko na sya dito. " turo ko sa ulo ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko..nakagat ko lang yung labi ko para pigil yung pagiyak.. " at higit sa lahat mom.. Dito.. Dito mom.." turo ko sa dibdib ko..tumungo lang ako saka hinayaang dumaloy yung luha sa mata ko.. " mom.. Kakalimutan ko na po sya.. Kakalimutan ko na lahat.. Mom buburahin ko sya dito.. Dito sa puso ko.. Mom.. Pangako buburahin ko na sya.." umiiyak na saad ko.
" Chris anak.."
" pangako mom..Pinapangako ko.. Huling pagiyak ko na sa kanya to..huling huli na..mom huli na to...Mom pagod na ko eh..MOm pagod na pagod na ko.. Dalawang taon yung nasayang sa buhay ko.. Dalawang taon ako nagpakatanga at umasa na babalik sya.. Na pwede kami.. na pwedeng mahalin niya rin ako.. Pero mom.. Kahit kailan hindi mangyayare yun kasi hindi naman niya ko minahal. mom hindi eh... Hindi niya ko mahal at kahit hindi niya ko mamahalin..ang bobo ko.. Napakabobo.. Mom simula ngayon.. Magsisimula ako.. Bubuuin ko yung sarili ko..Im gonna pick up all the pieces of me.. Lahat mom.. Lahat ng nawala sakin..? MOm Mom gusto ko na magsimula.." umiyak na saad ko. " mom magsisimula ako...."
" totoo ba yan chris..?" ngiti ni mommy kasabay ng pagpatak ng luha niya. Marahan naman akong tumango,
" Yes mom.. Narealized ko Siguro nga si blue at aldred talaga yung para sa isa't isa.. Na sila talaga yung nakatadhana. Mom pinaikot ko yung mundo ko sa kanya.. Ang tanga ko dahil ginawa ko yun.. Hindi naman si blue yung dahilan kung bakita ko nasasaktan eh.. Mom sarili ko.. Ako yung nanakit sa sarili ko.. Una palang sinabi na sakin ni blue na si aldred yung mahal niya.. Pero umasa parin ako.. Mom kasalanan ko.."
" Lagi mong tandaan chris.. I'll always be here.. And I'm happy na you've finally realized that..Anak.. Magsimula ka na uli... But before that.. Youhave to forgive yourself too..Yes anak kasalanan mo.. Pero bago ka magsimula.. Patawarin mo rin yung sarili mo.." saad ni mommy habang tuloy yung luha sa mata niya.. Tumango naman ako.
" Pangako mommy.. Makikita niyo na uli ako nakangiti.. Mom gusto ko na ibalik yung dating chris.. Yung masaya..mom babalik na ko.." ngiti ko.. Hinawakan lang ni mommy yung kamay ko. " wag na kayo umiyak.. Bukas.. Sisimulan ko na buuin yung sarili ko."
" How about geo..?"
" Mom.." saad ko saka umiwas ng tingin.
" hindi mo ba talaga sya gusto..?"
"Mom I like him..gusto ko na sya." ngiti ko habang nakatingin sa pool. " alam mo mom..Nung hinalikan niya ko.. Aminin ko man o hindi.. Mom may iba akong naramdaman nun.. ngayon ko lang naramdaman na may taong pwede ako mahalin.. Na may taong pwede ako pahalagahan.. Mom nung hinalikan niya ko.. Narealize ko na ang sarap pala mahalin."
"mahal ka niya anak.."
" Nararamdaman ko naman mom eh..yung nararamdaman ko sa kanya I don't know or I'm not sure.. Im not really sure.. if it's love.. Or nakakatawa lang talaga sya.. Basta mom ang alam ko.. Pinaramdaman sakin ni geo na pwede akong mahalin.. Na pwede akong maging bida sa sarili kong kwento." kita ko naman na napangiti si mommy saka ako yinakap.
" Ngayon ko lang nakita yang ganyang smile mo." saad niya ng humiwalay sakin.
"thanks to geo.." natatawang saad ko.
"please anak.. Mahal ka niya.. Wag mo sasayangin huh.."
"Of corse mom.. Hindi.."
" Alam mo si erika.. Remember her..?"
"yes mom.."
"I like her para sayo.. I know sinubukan mo mahalin sya.. Pero Narealized ko maybe you're not really meant to love a girl.."
"Minahal ko naman po si erika.."
" bilang kaibigan.."
" uhmm yeah.. Tama siguro kayo.. Lalake ata talaga yung para sakin..kung yun talaga..so be it.."
" I love you son.." ngiti ni mommy.
"I love you too mom.. Wag na kayo umiyak.."
" Basta promise me na hindi ka na iiyak..?"
" hindi na..Mom pahug uli.?" ngiti ko tumango naman si mommy.. Agad ko lang syang yinakap ng mahigpit ramdam ko lang yung paghaplos niya sa likod ko.. Ilang sandali kaming nasa ganun pwesto.. Pumikit lang ako.. Ang sarap pala na palayain yung sarili. Acceptance.. Minsan yun talaga eh.. Mahirap oo.. Napakahirap..napakahirap tanggapin na yung taong gusto mo.. Hindi talaga para sayo.. Pero kapag natanggap mo na wala na talaga.. Dun mo mararamdaman na masaya ka.. Na pwede ka sumaya.. At magpasaya.
. "Bakit ayaw niyo maglovelife.. Malay niyo po kayo ni CJ ang meant to be.?" ngiti ko ng humiwalay ako sa kanya.
" ah ganun..?" simangot niya.
"joke lang.. Akyat na po ako sa kwarto."
"sige.. First day of school.. First day niyo ni geo.. New start.. New beggining.."
" yes mom.." saad ko saka tumayo.. Nilahad ko lang yung palad ko sa kanya. " let's go mom..kahit magmahal uli ako.. mommy ko parin kayo at hindi hindi ko kayo iiwan." kita ko naman na nangilid uli yung luha sa mata niya.
" Son naman eh..ayoko na umiyak."
" Lets go.. I'll always be your prince ang you'll always be my beautiful queen.."
" chris.. I hate you.." ngiti niya.. Muli lang pumatak yung luha sa mata niya.
" i love you mom.." ngiti ko.. Tumayo naman sya. Sabay lang kaming pumasok sa bahay. Pagakyat ko sa kwarto hinawakan ko lang yung cellphone ko.. Geo.. Salamat talaga sayo.. Sana matagal ka ng dumating para mas maaga ako nagising.. Tawagan ko kaya sya.? Uhm baka busy pa.. Aixt pano ba.. Inlove ba ko sa kanya..? Pero kasi.. Haixt bukas na nga lang susunduin ko naman sya sa kanto ng subdivision nila eh.. Nilagay ko lang sa sidetable yung cellphone ko.. Napalingon lang ako nang bigla tong tumunog. Agad ko lang tong dinampot...si geo nga..
"hello geo.?" saad ko.
"uhmm.. Chris sorry kanina huh."
" Ok lang. Bakit gising ka pa.. May pasok na bukas ah."
"katatapos lang namin magkwentuhan nila kuya aldred eh.. Sorry talaga huh.."
" Ok lang talaga.. Tulog ka na.."
"hindi pa ko antok eh.. Bakit gising ka pa.?"
" hindi ako makatulog eh.. Maybe excited para bukas.. First day of school uli eh." saad ko pabagsak lang ako nahiga sa kama..
"oo nga pala.."
" chris.. I love you." Saad niya ilang sandali naman akong hindi sumagot.. I love you too na ba dapat kong isagot..aixt napabuntong hininga naman ako.. " ok lang chris.. Just want to say i love you lang naman eh.. Kahit hindi mo sagutin."
" uhm geo.."
" Naiimagine ko kanina yung mukha mo nung tumawag ka ..Don't worry babalik ko na yung picture bukas.. Sayo naman yun eh."
" may ipapakita ako sayo bukas geo.. Wag kang aabsent huh.."
"ano..?"
" basta.. Wag mo na muna ibalik yung picture namin ni blue."
" bakit.?"
"uhmm Kasi Simula bukas geo.... Susubukan ko ng mahalin ka.."
" huh..?" humugot lang ako ng malalim na hininga.. Haixt bahala na.. May nararamdaman ako sa kanya.. Susugal sya kaya gusto ko din sumugal. " chris.. Ano sabi mo.?"
"bukas.. Sisimulan ko ng mahalin ka...di ko alam pero may iba na kong nararamdaman sayo.. Geo I'm not sure kung love na ba to or natutuwa lang ako sayo.. Geo susubukan ko pero promise me kapag mahal na kita.. Wag mo ko iiwan huh.. Promise me na hindi mo ko bibitawan.. Geo ayoko na masaktan.." hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko.
" umiiyak ka ba chris..?"
" Geo promise me..Kasi kung sasaktan mo lang din ako.. Itigil mo na..ayoko na maramdaman yung sakit.. Geo ayoko na masaktan.. Geo ayoko na.. Promise me geo please."
" Promise chris." pinunasan kon lang yung luha ko. " promise chris.. Hindi ka na uli masasaktan.."
" salamat Geo.." saad ko.
" yes!!" bulong niya. " aixt chris gusto ko sumigaw!" napangiti naman ako. " wala ng bawian yan huh.!"
" Yeah oo naman.."
" aaaaiixt chris.. Nakakainis ka!"
" tulog na ko geo.. Maaga pa tayo bukas eh.."
" aixt chris.. Ang saya saya ko talaga.."
" Ako rin geo..masaya ako.. I love.. Uhm Aixt kitakits tom.." saad ko natigilan naman sya. " goodnight.." pinatay ko lang yung cellphone ko saka niyakap yung unan ko na yinakap ni geo nung nakaraan.. "Geo" saad ko na may ngiti sa labi. Bakit ba ko kinikilig.. Iling ko..ano ba to.. Aixt nababaliw na ata ako... Kanina lang umiiyak ako dahil kay bue.. Pero nung nakauspa ko si geo.. Napalitan yun ng saya.. Ito na ba yun.. Sana ito na..

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon