chapter 7

202 12 0
                                    

SI GEO

" geo bahala na.. Gusto ko na rin sumaya si chris eh.. Gusto ko makita na nagmamahal sya at minamahal. Deserve niya kasi yun.. Geo nasa likod mo ko.."
"talaga blue..?"
" yeah.. Bahala na. Akong bahala kay aldred.."
" seryoso blue huh.."
" oo nga.." ngiti niya.. Agad ko naman syang niyakap. " ang higpit geo.?"
" sabi na eh.. Maiintindihan mo ko."
" bitawan mo na ko.,. Baka biglang dumating si aldred eh.. Alam mo naman na selos na selos yun sayo eh.."
" ay oo nga pala.." humiwalay lang ako sa kanya.. " blue Friday ngayon.?"
" and so.?"
" may tugtog si chris sa bar di ba..?"
"yeah.." saad niya..
" samahan mo ko..?" ngiti ko sumimangot naman sya.
" gusto mo ba magaway kami ni aldred..?"
" uhm please..? Hindi ko kasi alam kung saang bar sya tumutugtog eh.. Samahan mo na ko..?"
" ayoko.." nangalumbaba naman ako sa kama niya.
"never ko pa nakita kumanta si chris eh.. Sige na blue oh.. Maganda ba boses niya..?"
" maganda boses niya.. Ikaw nalang pumunta tuturo ko sayo kung saan.."
" nakakahiya pumunta magisa eh..?"
" sabagay.. Uhm wait I have an idea.." ngiti niya saka kinuha yung cellphone niya at nagdial.. " hello paul.." napangiwi naman ako ng marinig yung pangalan na yun.. Si paul ano kinalaman niya dito.. ?" samahan mo naman si geo oh.?.. Yeah.. Ngayon gabi.. Ok sige sige.." saad pa niya saka binaba yung cellphone.. " sasamahan ka ni paul."
" sinong paul..?"
" paul.. Member ng the antagonist..?'
" what..?!!"
" why.?"
" bakit sya.. Saka tinanong man lang ba niya kung saan niya ko sasamahan.?"
"hindi." ngiti ni blue napakamot naman ako sa ulo.
" alam mo mejo tanga yang paul na yan.. Apply kaya akong teacher niya ng makaIQ naman sya kahit konti..?"
"wala naman daw syang gagawin mamayang gabi eh.."
" eh di ba puyat kayo..? Edi matulog nalang sya..? Ang dali ng problema niya huh hindi niya ko kailangan bwisetin.. Matulog nalang sya!."
" hindi antukin yun.. I think ok lang beside kailangan din namin makita kung pano tumugtog sila chris para mapagaralan namin."
" ah ganun.. Para matalo niyo sila..?"
"parang ganun..?"
"ang sama mo blue pagkatapos mong saktan yung tao pati sa pagbabanda gagawin mo syang loser.. Ay grabe ka wala kang kunsensya..ang demonyo mo."
" demonyo agad..?"
" edi demonya.. Sus.." saad ko sinimangutan naman niya ko. "Ang sama mo blue.. Parang wala kayong pinagsamahan nung tao.."
"uhm kailangan kasi geo.. Yung school ang nakataya dito. Labas yun kung ano man yung past namin ni chris.."
" nakataya..? Sugal ganun..?"
" hindi.. Pride ng school namin to.?"
" eh sa URS ako magaaral ah..edi kalaban mo na ko..?"
" geo."
" ewan ko sayo.."
"di ba ok kayo ni paul.. Magkasama nga kayo nung nakaraan di ba.?"
"hindi kami ok.. Positive ako negative sya.. Langis sya tubig ako.. Hindi kami ok.. Hinding hindi.. ang hangin nun eh."
"why.?"
" eh may gusto sakin yun eh... At hindi ko sya gusto.." simangot ko.
"seryoso.?" kunot ang noong saad niya.
" hindi joke lang.. Si joker ako di ba..?" sarkastikong saad ko.
" seryoso nga.?"bumuntong hininga lang ako saka tumango..paulit ulit lage. " ayaw mo sa kanya.. Alam mo ba break na sila nung girlfriend niya..?"
" paki ko.. Buti nga sa kanya yun..I don't like him kahit gusto pa niya ko.."
"pero di panget si paul di ba.?"
"may sinabi ba kong panget sya..? Ang Totoo nga.. Ang gwapo niya.. Alam mo yun blue para syang babae sa kinis.. At ang puti ng balat niya at yung ilong niya.. Totoo ba yun bakit ang perfect..? Then yung lips niya na parang ang sarap halikan.. Hindi yun tao blue.. Promise..wait yung mata pa pala niya.. Gusto ko matunaw kapag tinitingnan niya ko eh at yung smile niya blue..??? Nagbubukas ang kalangitan at feeling ko lumiliwanag ang paligid!" inis na saad ko natigilan lang ako ng makita yung tingin sakin ni blue habang nakakunot ang noo. " what.?"
" hindi mo nga sya gusto..naniniwala na ko sayo.."
"huh..?"
" sure ka ba talagang si chris ang gusto mo..?"
"oo naman.. Si paul.. Hindi ko sya gusto pwera nalang kung.."
"what..?"
"no.." iling ko.. " never ko sya magugustuhan.."
" sabi mo eh.. Pero sasamahan ka ni paul mamaya huh.."
" bakit kasi sya..?"
" ayaw mo nun magbubukas ang kalangitan at liliwanag ang paligid everytime na ngingiti sya sayo.. Palabiro pa naman yun.." ngiti ni blue natawa naman ako ng payak.
" blue hindi ko sya gusto huh.."
"may sinabi ba ko..? Tingin ko naman totoo yung ilong niya.. Ang perfect di ba.? Ang tangos.."
" talaga..? Mukha namang totoo pero ang perfect talaga eh."
"at yung lips niya na sabi mo na parang ang sarap halikan..?"
"yeah.. Ang pula kasi eh.."
" yeah.." natatatawang saad niya. " wait meron pa pala yung mata niya na feeling mo matutunaw ka tuwing titingnan ka niya..?"
" kaya ayoko sya tingnan eh.. Haixt.."
"hindi mo nga sya gusto..end of the story.." bato ni blue ng unan sakin. Natigilan naman ako.. Nasabi ko ba yung mga salitang yun..? Aixt pakshet pero hindi ko talaga gusto si paul noh.. Naaaa!! Never.. Oo gwapo sya saka .. Aixt naa! Ano ba kasi.. Kainis naman.. "alam mo geo ingat ka.. Kasi once you start loving someone.. Its really hard to stop.."
"blue I dont like him..?"
" sabi ko nga hindi mo sya gusto di ba..?" ngiti niya.
" hindi nga talaga..? Eh bakit ganyan ka.?"
"alam mo naman magkaiba yung love sa like di ba.. Hindi mo nga gusto si paul. Malay mo love mo pala sya..?"
"naaa!!?" nanlalaki ang matang saad ko habang hinihimas yung braso ko.. Shet nakakakilabot... "NAa!! Blue kinilabutan ko.."
" what.?" natatawang saad niya.
" love..? Yuck..!"
" ewan ko sayo.. Labas ka na nga matutulog na ko.."
" hindi ko sya gusto.. End of eternity.. Kahit end of forever pa.. Naaa! Blue yuck.."
"oo na labas na ang defensive mo."
" defensive.. Ako..?"
"ay ako pala ang defensive.. Labas ka na nga..?"
" blue baka ikalat mo na gusto ko yun eh hindi naman eh."
"chismoso ba ko geo..? Isa lang pagsasabihan ko.. Si aldred.." ngiti niya sumimangot naman ako. " bakit..?"
" blue naa!! Noo.. Hindi ko nga gusto si paul..?"
" hindi gusto ni geo si paul... Yan ba gusto mo marinig.. Fine.. Labas na..?" simangot niya.
"blue I'm serious hindi ko talaga sya gusto..?"
" oo na nga di ba..?"
"hindi ka kasi naniniwala eh..?"
" naniniwala ako..?" ngiti niya bigla naman nagring yung cellphone niya binigyan niya lang ako ng makahulugan tingin ng makita kung sino yung tumatawag.. " oh paul.. Why..?" sinamaan ko naman sya ng tingin. " Sa Maysha Bar.. Yeah saka wala kasi syang kasama eh saka di ba plan na rin natin to kailangan meron man isa satin makapanuod kay chris.. Yeah... Uhm Si geo may gusto kay chris..??" nakangiting saad pa ni blue habang nakatingin sakin. " alam ko na yun.. Nasabi niya na sakin.. Ok basta later sunduin mo nalang sya kala aldred.. Ok.." saad niya saka binaba yung cellphone..
"sumbungero ng gagong yun.." inis na saad ko.
"alam niya.?"
"eh kasi.. Hindi ko naman sinasadya na masabi..?"
" ah ok.. Goodluck geo.. Yung lovelife mo putok na putok.. Namumukadkad.. Are you ready..?"
"para saan..?"
" to love ..to be happy.. And specially to be hurt.."
"masasaktan agad..? Wala pa nga..?"
" well maybe wala pa.. Pero dapat handa ka.... Ang love parang parang buble gum.. Dapat alam mo kapag wala ng lasa.. dapat alam mo kung kailan na to dapat iluwa.. Or isuko.."
" buble gum..? Ano konek ko dun..?" ngiwi ko natawa naman sya.
" wala.. Labas ka na nga..matutulog pa ko."
" dito ba matutulog si kuya aldred..?"
"siguro.. Walang pasok bukas eh.." ngiti niya.
" mali pala.. Hindi pala natutulog si kuya dito noh.. Gising na gising kasi kayo pag magkatabi.. Pwede naman kasi akong referee.. Bang dadamot niyo lang.."
" gago ka geo.. Labas na." simangot niya.
" referee lang eh..?"
" ewan ko sayo.. Kadiri ka..labas.."saad niya skaa nagtalukbong ng kumot napabuntong hininga lang ako saka tumayo at lumabas ng kwarto.. Si paul kasama ko nanaman mamaya.. Kainis talaga.. Pagdating ko sa bahay naabutan ko lang si kuya aldred habang may inaayos na cake sa mesa..
"ano meron kuya..?" usyoso ko sa sa ginagawa niya.
" marunong ka naman siguro magbasa noh.?" simangot niya.. Aixt sabi ko nga..
"monthsary niyo..?"
" abvious ba..? Ang ganda noh."
" kuya dapat ang icelebrate niyo nalang lage monthsary..wag na kayo magaaniversary ni blue.."
" why..?"
"eh kasi di ba ang panget lagi ng anniversary niyo.. Monthsary nalang ok.."
" ewan ko sayo.."
"aalis ako mamaya kuya.."
" saan ka pupunta..?"
" somewhere.."
"somewhere..?"
"down the road kuya.." ngiti ko..
" lumayo ka nga sakin baka mangudngod kita dito sa cake ko eh.."
" kuya anong naramdaman mo nung nainlove ka kay blue.?" seryosong tanong ko saka umupo sa upuan sa tapat ng mesa.. Kita ko naman na natigilan sya saka ngumiti.." why kuya.? Nakakabwiset yung ngiti mo..?"
" naramdaman ko..? Natakot.. But eventually yung takot na yun napalitan ng saya.. Ganun naman talaga sa love geo.. Hindi lahat madali.. Pero kung magiging matapang ka you'll be happy..courage para ilaban yung pagmamahal mo at lumaban para sa mahal mo... Yun lang yun."
" tingin mo kuya matapang ako..?"
" fuck you ka.. Kung hindi ka matapang sana wala kang lakas ng loob agawan ako ng girlfriend before...?"
" sabagay..?"
"kuya aldred pano kung yung mamahalin ko ayaw mo.?"
" inlove ka ba.. Kay paul..?"
"sapakan nalang kaya tayo.. Gago ka kuya hindi noh.."
" ok lang sakin si paul.. Nakwento sakin ni mommy yung pagamin mo sa kanya.." natatawang saad nito. " kaya kung kay paul. Ok lang sakin mabait naman yun.."
" si tita talaga nakakainis.."
"ok lang yan bro.. Naiintindihan naman kita eh.. Kung gusto mo magmahal at mahalin.. Trust ang importante.. Magtiwala ka na yung relationship na bubuuin mo.. Maglalast forever.. Trust paul...mabait sya."
" yun mabait..? Eh basagulero daw yun ah.?"
" sabi nga nila. Pero ang alam ko nagbago na yun..people change and its always a choice.."
" aixt bakit ba kasi si paul.. Hindi ko nga yun gusto.? Halimaw yun.. Tapos ako gwapo kuya cannot be kami.."
" eh di ba sabi mo gusto ka nun.. Why not give him a chance.?"
" ayoko kuya may mahal na ko noh.." simangot ko saka tumayo..
" hui sino mahal mo.?"
" mahal ko..? I so love myself kuya..!" natatawang saad ko...
" layo.. Saan ka nga pupunta mamaya.?"
"haixt somewhere down the road nga kuya.." saad ko.
" saan naman yun..?" sarkastikong saad niya.
" gusto mo malaman kuya.?"
" yeah.. Saan nga sabi eh."
" gawin mo muna akong referee niyo ni blue sa kama.?" ngiti ko sumimangot naman sya.." jokie!!" saad ko saka tumakbo papunta sa kwarto ko.. Love.. Love love.. Mararanasan din kita.. At sisiguraduhin ko kay chris yun at hindi kay paul.!

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon