chapter 13

201 13 0
                                    


SI IRENE

Umikot ikot lang ako sa subdivision na yun saka muling bumalik sa tapat ng bahay ng boyfriend ni Geo.. Mukhang nasa loob parin sya. Haixt hindi ako naniniwala. Mas naniniwala ako kay alex. Humugot lang ako ng malalim na buntong hininga saka muling pinaandar yung motor. Subukan mo lang chris guluhin si blue.. Mararanasan mo kung pano ako magalit.
Simula nung pinatawad ako ni blue sa nagawa ko sa kanila ni aldred pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na sya iiyak.. Wala namang ginawang masama sakin si blue para magalit ako sa kanya.. Sya yung nagturo sakin kung pano magmahal at mahalin yung sarili.. At pinaranas niya sakin kung pano magkaroon ng kapatid.. Kung pano mahalin ng isang tunay na kapatid.. Hindi ko na sasayangin yung binigay niyang chance sakin.. Hindi na.
Hininto ko lang yung motor sa isang di kalakihang bahay saka bumusina napangiti lang ako ng makita si alex na lumabas ng bahay.
"hi." nakangiting saad ko. Sino sya.? Si alex yung inutusan kong kumidnap kay blue nuon.. Haixt oo adik sya dati.. Or di ko sure kung totoo ba yung sinabi niya na tumigil na sya sa bisyo niya basta ang alam ko sya ang mahal ko.. Masyado lang akong natabunan ng galit kay blue dati.. OO mahal ko tong gagong to..hindi ko lang sya maipapakilala kay blue.. Alam ko makikilala sya nito kapag nakita sya.. Haixt one day.
" Irene..?" gulat na saad niya bumaba naman ako ng motor saka sya yinakap. " sabi mo next week pa.?" huimiwalay lang ako sa kanya.
" Suprise..?"
" Hindi ka man lang nagpasabi sana nasundo kita." natatawang saad niya.
" Si blue sumundo sakin kaya hindi pwede.."
" Ano plano mo dun sa chris na yun..?"
" Alex naalala mo ba si Paul Unidad..?"
" Sino..?"
" si Paul Unidad.. Ang black sheep ng mga Unidad..? Yung taong gumulpi sayo.?" ilang sandali naman syang nagisip.. Napangiti lang ako ng makita yung tingin niya sakin. " naalala mo na.?"
" Naalala ko na.. Tangina sya hindi pa ko nakakaganti sa kanya.!" gigil na saad niya.
" Oopps kalma.. Nakita ko lang sya kanina.." ngiti ko.
" Tangina nun dalawang araw ako sa ospital dahil sa kanya..kapag nagkasalubong kami nun babangasan ko sya! dudurugin ko talaga mukha niya."
" Wag mo muna sya galawin.."
" bakit..?"
"Si geo.."
" oh kinalaman sa kanya nung pinsan nung aldred na yun..?"
" syota niya daw si paul.?"
"kasinungalingan.. Nakita ko sila.. Magkaholding hands ng chris na yun.. Nagpaloko ka naman sa ugok na yun..?"
" hindi of corse.." ngiti ko. " Pero Nakikita ko gusto ni geo si paul.." natawa naman si alex.
" malabong patulan nung paul na yun si geo.."
"ows.. Nagholding hands sila sa harapan ko.?" seryosong saad ko kita ko naman yung titig niya sakin. " at mismong si paul ang nagsabi sakin na may relasyon sila." Natawa lang sya ng payak.
" seryoso..?"
" seriously.."
" pero.. Hindi.. Mali.. Mali.. Nakita ko si chris at geo, May namamagitan sa kanila. Alam ko, Hindi naman ako bulag Irene.. Nakita ko. At hindi ako tanga para hindi maniwala na walang namamagitan sa kanila.. Alam ko yung nakita ko."
" isang beses mo lang sila nakita di ba.?"
" Oo.! Sabi ko nga sayo di ba Nasa mall ako nun para bumili ng damit ng makita ko sila.. May kasama pa nga silang tomboy nun eh."
" once lang.. Malay mo mali ka lang ng nakita."
" kalokohan tama ang nakita ko at parehas natin alam na mali yung relasyon nila,"
" haixt ok.. " buntong hininga ko.. Humanda si geo sa oras na malaman ko kung ano ang totoo.
" San mo nakita si paul.?"
"Basta.. wag mo muna galawin si paul.."
" ang tapang ng hayop na yun..! Makakaganti din ako sa kanya. Pasalamat sya binayaran ng lolo niya lahat ng gastos sa ospital..kung hindi.? Nasa Ilalim na sya ng lupa.. matagal na."
" Yeah I remembered that.. Nang makita ko sya kanina Parang may nabago na sa kanya. Yung astigin niya na look wala na.. Parang ang bait niya na nga ngayon eh. I don't know if its his hair or the aura.? Basta may nagbago."
" naalala ka ba niya.. Nakilala ka.?"
" Nope.. Mas gumanda na ko ngayon kaya siguro hindi niya ko nakilala.." ngiti ko kita ko naman na napangiti sya saka hinawi yung buhok ko na napunta sa mukha.
"yeah gumanda ka nga.."
" Alex.. Nangako ka sakin na titigil ka na sa bisyo mo di ba..?" kita ko naman na umiwas sya ng tingin. Napabuntong hininga nalang ako. " alex sabi mo.? Pinagusapan na natin yun di ba.?"
" minsan nalang naman.?"
" Pero sabi mo tumigil ka na.?"
" Sunusubukan ko naman para sayo eh.. Irene wag mo ko iwan ikaw nalang yung pamilya ko eh..Sorry,"
" Alex.. Itigil mo na.?" nakatungong saad ko narinig ko naman na bumuntong hininga sya saka Tinaas ng daliri niya yung baba ko para magtapat yung mukha namin.. Napagmasdan ko lang yung mukha niya.. Gwapo sya.. Pero kita mo sa nangingitim na palibot ng mata niya yung epekto sa kanya ng bisyo niya. Nung nakilala ko sya dati alam kong ganito na sya pero tinanggap ko yun. Tinaggap ko kasi mahal ko sya.. Ganun naman ata sa love kahit alam mong may mali Mas bibigyan mo ng panahon kung ano yung tama.. Oo nagdadrugs si Alex pero tuwing matino sya nararamdaman ko yung care, yung assurance..And yung love. Yun naman ang importante di ba.
" Irene Mahal kita.."
" I know.. Pero nawawala yun.. Kapag.."
" Promise.. Iiwasan ko na talaga.."
"pangako..? Alex gusto kita ipakilala kay blue saka kay daddy.. Pero sana gusto ko nasa ayos ka."
" OK.. Pangako.. Hindi ako magbabago dahil sinabi mo.. Magbabago ako kasi mahal kita..Pipilitin ko.." seryosong saad niya napangiti naman ako nilapit ko lang yung mukha ko saka sya mabilis na hinalikan sa labi. " Mahal naman eh.. Nasa labas pa tayo oh.?" napapakamot na saad ko.. Namiss ko sya. Nung gabing naaksidente si aldred tumawag agad sya akin para ipaalam yung nangyare.. Kaya agad ako umuwi para puntahan si blue at magsorry.. Gusto pumasok ni alex sa ospital nun pero pinigilan ko sya. " nakakahiya dito..?" pilit na ngiti niya pa.
" I don't care." ngiti ko saka sya hinila papasok sa bahay niya nagpaubaya naman sya. " safe naman yung motor dito sa labas right.."
" yeah safe yan..takot lang nila sakin."
" good."
" anong gagawin mo kapag totoo yung relasyon ni geo at nung chris na yun..?" tanong niya pagpasok namin sa bahay.. Agad ko lang nilock yung pinto.
" Simple lang.. Makikita nila kung pano ako magalit..at Yung alex na nakashabu..? Yun ang ipapakilala ko sa kanila." natatawang saad ko sinimangutan naman niya ko.
" iiwasan ko na nga yun di ba.?"
" JOke lang.." ngiti ko.
" Irene sana wala ng aksidenteng mangyare.. Yung nangyare sa kapatid mo.. Sobrang guilty ko nun..lalo na yung nangyare kay aldred.. Kung hindi siguro sya nakaligtas ipapakulong ko yung sarili ko."
" I know at pinagsisihan ko din yun..pero..subukan lang nilang guluhin ung kapatid ko..hindi nila mgugustuhan ang mangyayare.."
" Irene..?"
" I'm serious alex.. Para kay blue."
" bahala na Kung yun yung way para makabawi tayo kay blue.. So be it.. Basta alam mo naman na kahit ano ipagawa mo gagawin ko di ba..?" ngiti niya.
" I know kaya mahal kita eh.." saad ko saka sya mapusok na hinalikan sinagot naman niya yung halik na yun hanggang maramdaman ko yung kamay niya sa ibang parte ng katawan ko. Dahan dahan lang akong humiwalay saka sya binigyan ng matamis na ngiti. " namiss kita"
"Mas namiss kita." ngiti niya.

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon