SI GEO
Isang linggo yung mabilis na lumipas. Hindi ko alam kung bakit di ko na macontact si Paul.. Mukhang nagalit nga.. Tuwing pupunta naman ako sa bahay niya laging wala yung kotse. Kapag tinatanong ko naman sya kay blue lage lang daw nasa music room ng school nila.. Haixt mas ok yun para mabilis sya makamove on sakin.. Kami ni chris ok kami. Masaya lagi akong nasa bahay nila o kaya sa music room kakwentuhan yung mga kabanda niya.. Madami na rin akong nalaman sa kanya.. Minsan tumatambay lang kami sa pool side nila habang naguiguitara sya,, minsan naman nagswiswimming kami. alam ko unti unti ko ng napupunan lahat ng parte ng puso niya na nawasak dahil kay blue. Unti unti na syang nabubuo.. Unti unti na syang nakakalimot.. Nakikita ko na yung mga totoong ngiti niya..mga malulutong na tawa.. Yung chris na masayahin..
" Geo..pop corn." abot ni chris ng hawak niya.. Nasa mall kaming dalawa nun para manuod ng movie.. Ayoko sana pumunta sa mall..natatakot parin ako na baka makita kami ng boyfriend ni irene.. Haixt pero bahala na.. Magkahulihan na kung magkahulihan.. Ipaglalaban ko to kahit ano mangyare kahit si kuya aldred pa ang kalaban.
nagtaka lang ako ng isang malaking box lang ang binili niya.
" bakit isa lang.?"
" Ayoko ng pop corn eh."
" why..?"
"gusto ko ikaw.." ngiti niya saka umakbay sakin.
" weeehh... Bakit nga isa lang.?"
" kasi nga nagiisa ka lang sa puso ko..?" lingon niya sakin na may ngiti sa labi.. Natawa naman ako.
" ang corni mo..?"
" joke lang .. Ayoko di ako kumakain ng pop corn.." saad niya.
" huh.?
"Gusto ko ng fries..?" saad niya saka tumigil sa tapat bilihan ng fries. " tingin mo bakit gusto ko ng fries."
" why..?"
"kasi para kang fries.. Isang napakalaking jackpot prize." ngiti niya kinurot ko naman yung tagiliran niya.. Natigilan lang ako ng makita yung tingin samin nung tindera.
" ate pakibilisan..?" saad ko agad naman tong umiwas ng tingin.
" wala panga kayong order..?"
" uhm ate yung cheeze large..gusto mo.?" lingon niya sakin marahan naman akong umiling. " uhm ate chee" nagtaka lang ako ng matigilan sya paglingon ko sa likod nakita ko lang yung lalake na nakangiti kay chris.. Agad naman umiwas ng tingin si chris. " yan lang ate.. Pakibilisan po,.. Magsisimula na po yung movie." saad ni chris.
"long time no see tol." saad nito.
" kilala mo sya chris.?"
" oo naman.. Bestfriend ko yan eh." saad nung lalake.
" Wag kang maniwala.." maikiling saad ni chris.
" di mo ba ko papakilala sa kanya.?" ngiti nito.
"sigurado ka? baka magsisi ka pag pinakilala kita sa kanya.?" kita ko lang yung gigil sa mukha ni chris ng mga oras na yun.
" Kilala mo ba ko..?" tanong ko habang pinagmamasdan yung mukha niya.. Matangkad sya mestiso.. Parang may iba lang sa mga mata niya.. Parang panda..! Haha.. Eyebags,.!
" Oo naman kilala kita.. And I'm sure kilala mo ko.." ngiti niya marahan naman akong umiling.. Nakita ko naman na inabot na kay chris yung fries niya.
" let's go geo." hawak ni chris sa kamay ko.
" Wait geo.. I'm alex..Girlfriend ko si Irene.." saad niyang nakatitig sa mata ko.. Hindi naman ako nakagalaw.. Shet..! Sya yung letseng detective na panira ng lovelife ko! Nyemas.. Sayang wala akong dalang kutsilyo.. Gusto ko dumanak ang dugo ngayon! haha
" Ohh kayo parin pala hanggang ngayon.. So what do you want.?" inis na saad ni chris.
" Chris.. Let's go na." pilit na ngiti ko.
" natatakot ka ba geo.. Kala ko ba si paul? Actually kasama ko si irene ngayon.. Nasa Cr lang sya."
" huh.?" tarantang saad ko.
" And so.. ?" saad ni chris lalo lang akong nataranta ng makita si Irene na papalapit samin.
" chris let's go.. Please.?" bulong ko.
" why..?"
" basta tara na please.. Magstart na ata yung movie.. Tara na,?"
" chris..long time no see.." masiglang bati ni Irene paglapit samin.. The fuck! " geo you're here..magkasama kayo.?" obvious naman ata na magkasama kami. Maganda nga syunga naman..
" yeah.. Long time no see.." seryosong saad ni chris.
" hi Irene..?" bati ko sa kanya.
" So.. Anong ginagawa niyo dito.?"
" manunuod ng movie.." saad ni chris nakita ko naman na tumingin si Irene sa kamay ni chris na nakahawak sa kamay ko.. Agad ko naman tinanggal yung kamay niya.. aixt
" babe..sorry matagal ba ko.?" sabay sabay lang kaming napalingon sa likod ng marinig yun. Nakita ko lang si paul na nakangiti.. Damn it.. Shit di ko pa nga nasasabi kay chris eh. Aixxt.. Otoke otoke! Kinuha naman ni paul yung kamay ko.. Kita ko naman yung pagtataka sa mukha ni chris. " Irene kamusta..who is he..? Boyfri-?" ilang sandali naman natigilan si paul ng makilala kung sino yung kasama ni Irene.
"hi paul..alex nga pala.. Kung nakalimutan mo na." saad ng boyfriend ni Irene..
" Ano to Geo.?" tonong ni chris.. Nakagat ko naman yung labi ko.
" Mukhang mahaba habang uasapan to ah.?" sarkastikong saad nung boyfriend ni Irene sinimangutan ko naman sya.
" Pakialam mo.?" bara dito ni chris..
" Oo nga naman.. Ano nga naman pakialam mo alex..?" saad ni Paul na sa ibang dereksyon nakatingin.
" Wait sino ba talaga ang syota mo geo.?" tanong ni Irene napal
ingon naman ako sa kanya.. Napalunok lang ako ng makita yung deretsong tingin niya sa mga mata ko.. Aamin ba o hindi..!? Decide agad ayt.. Halos lahat ng mata nila nakatuon sakin.. Ano ba gagawin ko.? " What geo..? Mahirap ba yung tanong ko.. Sino sa kanila yung syota mo.?" ngiti ni Irene.. Putek kahit nakangiti sya I know deep inside nagkikiskis na sya ng bato para sa nagbabaga niyang apoy.. " sino geo.?"
" ako.?" sabay na saad ni chris at paul.. Damn it.. Nagkatinginan naman sila parehas.
" ako syota ni geo, chris..?" madiin na saad ni paul.
" nababaliw ka na ba paul?" gulat na saad ni chris.
" Oo.. Nakakabaliw si geo..? Feeling ko nga hindi na ko mabubuhay ng wala sya eh." ngiti ni paul. " di ba geo.?"
" uhmm.. Aixt teka nga." napapakamot na saad ko.
" Oh really paul.. Ang hirap lang paniwalaan ng sinasabi mo..Ikaw..?" natatawang saad nung boyfriend ni irene pero di man lang to tiningnan ni paul.
" ano naman mahirap paniwalaan dun.? Mas mahirap pa ata paniwalaan na pwede pala magexist yung mga walang kwentang katulad mo." walang emosyong saad nito.
" Tang ina mo!" galit na saad nito natawa naman ng payak si paul.
" until now nagagalit ka parin pala kapag sinasabihan ka ng walang kwenta.. Trurt hurts? right alex..? Well patapon naman talaga yung buhay mo.. Kaya ka nga itinakwil ng magulang mo di ba.?" wow may issue sila.. Pwede magaway nalang sila ngayon para makascape na kami ni chris..! haha..please.
" Hindi ko sila magulang naiintindihan mo.??"
" Oh I'm sorry.. Ibig kong sabihin.. Nang kinilala mong magulang.. wasted.."
" drop it paul.. Si geo ang pinaguusapan dito.. Hindi ikaw o si alex." inis na saad ni Irene.
" Geo pakiexplain nga.?" saad ni chris. " at pwede tol pakibatawan yung kamay niya kung ayaw mong magkagulo dito.?" saad ni chris agad ko naman tinanggal yung kamay ni paul sa kamay ko.. nyeta.
" Chris.. You like Geo.?" tanong ni Irene.. Habang nakaakbay sa kanya yung boyfriend niya.
" yeah.. May mali ba dun.?"
" Oo.. May plano kang gumanti..? In your dreams chris di mo na maaagaw si blue kay aldred.. Hanggang nandito ako."
"Nonsense Irene alam mo ayoko kita kausap eh.. Manunuod na kami ng movie.. At ikaw paul.. Nagusap na tayo di ba.?"
" Ang alam ko kasi kami ang manunuod ng movie ni geo eh.?" saad ni paul sabay kindat kay chris..napangiwi naman ako.. Ang cute naman niya.. Shet hahaha.. Kita ko naman na napatingin si chris kay irene na nakataas ang kilay.
" Chris kung may plano ka sa kapatid ko.. Stop it.. Kasi di ako papayag.?"
" Ano ba sinasabi mo.?" kunot ang noong tanong ni chris. " wala akong planong gumanti.. Hobby mo yun di ba bakit pinapasa mo sakin.. Bukod pa dun Irene.. Yung pamilya mo ba kilala yang boyfriend mo.? I'm sure hindi.. Or kung gusto mo samahan kitang ipakilala sya.? Kung gusto mo lang naman.?" sarkastikong saad ni chris.. Umiwas naman ng tingin si Irene.
" Wag mo sya idamay dito."
" Edi wag mo ko pakialaman.? If you'll mess up with me..? Magkakagulo tayo..So back off Irene." banta dito ni chris natameme naman to.
" Tingin mo natakot mo kami.? " sagot ng boyfriend ni Irene.
" Hindi ko naman kayo tinatakot.. What I'm saying is.. Wag niyo kami pakialaman kung ayaw niyo ng gulo.. I know you Irene.. Oh I mean I know you well..Eh ikaw.? Hindi mo pa kilala kapag nagalit.. Kaya wag niyo ko subukan. Aalis na kami.." seryosong saad niya. " at ikaw paul.. Bumili ka ng ticket mo kung gusto mo sumama manuod.."
" Pero chris.?" saad ni paul na nakatingin kay irene.
" Once and for all.. Ako ang boyfriend ni geo.. At wala akong planong itago yun.. Kahit sayo pa Irene.. I love him.. He loves me.. End of the story.. Bye.. And have a nice day." saad ni chris saka ako hinila.. Wala naman akong nagawa kundi magpahila sa kanya.
" chris.." saad ko habang papasok kami sa movie house.
" why.?"
" galit ka.?"
" nope.." ngiti niya.
" Sorry .. Si paul kasi.. Ano..uhmm.."
" ano.?"
" alam nila kuya aldred na sya yung boyfriend ko.." " and.?"
" pumayag si paul na magkunwareng boyfriend ko."
" and.?"
" EH kasi si Irene.. Susumbong niya kasi ako kay kuya aldred kapag nalaman na ikaw boyfriend ko eh."
" Di ba sabi ko seloso ako.?"
"yeah.?"
" Subukan pang hawakan uli ni paul yang kamay mo.. Dudurugin ko yung mukha niya."
" UHm sorry about sa paghawak niya ng kamay ko.. Uhm chris pano kung malaman ni kuya aldred..?"
" yung pagpapanggap niyo ni paul.. Tigilan mo na yun huh."
" chris pano si kuya aldred.? Sigurado magagalit yun sakin.. Baka itakwil ako nun.."
"at ayoko makita syang kasama mo.. Ayoko.. Ok.?"
" hui sabi ko pano si kuya aldred.?"
" Ano ba meron kay aldred.? Wala akong pakialam sa kanya o kahit kay irene.... Basta naiinis ako kay paul naiintindihan mo.?"
" huh.?"
" hinawakan niya yung kamay mo!" inis na saad niya.
" teka sabi mo hindi ka galit.?"
" oo nga.."
" eh bakit ganyan ka.?"
"hindi ka tanga Geo.. Magkaiba yung nagseselos sa galit.?" simangot niya.. Natameme naman ako. Sabi ko nga.. hahaha
" nagseselos ka.?"
" hindi.. Tuwang tuwa ako.."
" chris naman eh.." nguso ko.
" Anong gusto mo maramdaman ko.?"
" uhmm.."
" Next time sasabihan mo naman ako.. Wala akong kaalam alam na nagpapanggap pala kayo ni paul..hindi ako tanga kaya wag mo ko pagmukaing tanga.. Ganyan ka pala."
" sorry na..?"
" Sorry..? Sorry your face." saad niya saka mahigpit na hinawakan yung kamay ko papasok sa sinehan.. Pagdating namin sa loob hindi pa nagsisimula yung movie.. Pagkaupo namin kita ko parin yung nakasimangot niyang mukha. Konti lang yung tao sa sinehan nun dahil siguro mahigit isang buwan na ng unang ipalabas yung movie na yun.
"hoy teka nga."
" ayoko ng explanation.? So shut up.?"
" chris.?"
" di ba sabi ko shut up.?!" gigil na saad niya.
" pero.?"
" I said shut up.!" lingon niya sakin.. Sumimangot naman ako saka umayos ng upo.. Hanggang maramdaman ko na hinawakan niya yung kamay ko.. Hindi naman ako lumingon sa kanya,. Pinisil niya lang to pero hindi parin ako lumingon" ano di ka na magsasalita.?"
" sabi mo shut up di ba.?"
" di mo man lang ako kukulitin.?"
" eh sabi mo nga shut up eh..? Ang labo mo pa nga chris.? Marunong kaya ako makinig at sumunod..? Sabi mo shut up.. So I shut up..? Madali ako kausap."
" haixt.. Kainis..!"
" tapos ngayon naiinis ka.?"
" eh di ba sabi ko seloso ako.?"
" oo nga.?" nguso ko.
" eh alam mo naman pala.. Kanina parang enjoy na enjoy mo na magkaholding hands kayo.? Ang tagal nun.." nagenjoy nga ba ko..? Haha kanina habang hawak ni paul yung kamay ko feeling ko parang bulak yung kamay niya super lambot.. At yung init na nagmumula dun.. Shet.. haha
" uhm eh hindi ko napansin eh."
" nagenjoy ka kamo.?"
" uhmm."
"ano.?"
" malambot yung kamay ni paul." ngiti ko binitawan naman niya yung kamay ko saka umiba ng tingin. " pero hindi ko naman sinabi na hindi malambot yung kamay mo.. Mas gusto ko parin yung pakiramdam na hawak mo yung kamay ko."
" break na tayo." saad niya.
" Sure." ngiti ko napalingon naman sya sakin. " what.?"
" papayag ka talaga.?"
" bakit kaya mo ba.?"
" fuck!"
" Sa cute kong to.. Im sure hindi mo kaya."
" di ba dapat magsorry ka.?"
"nagsorry na ko kanina.?"
" I mean... Lalambingin mo ko.. ?para patawarin kita.?"
" hindi ako sweet.?" pabagsak lang niyang sinandal yung likod niya sa upuan. " hindi ata ako tinubuan ng sweet na ugat kaya magdusa ka."
" Pasalamat ka mahal na kita kung hindi nasapak na kita."
" chris wala akong ginagawang mali.. At hindi kita niloloko. I love you kaya.. Si paul.. Yes he likes me pero he's not my type.. Kaya wag kang paranoid."
" eh nagseselos ako..?"
" wala ka ng karapatan magselos.. Break na tayo di ba.?"
" fuck..naniwala ka naman.?"
" oo lahat ng sasabihin mo paniniwalaan ko.?"
" edi tayo na uli.? May karapatan na ba ko magselos.?"
" wala pa.. Hindi pa kita sinasagot eh.?"
" Aixt geo." saad niya saka ginulo yung buhok niya natawa naman ako.. Chris is so cute hahaha.. Shet ang gwapo niya lalo na kapag naiinis. Yung lips and eyes niya ang hirap pgilan na wag titigan. " sagutin mo na ko pwede para may karapatan na ko magselos.?"
" fine sinasagot na kita." ngiti ko lumingon naman sya sakin na nakakunot ang noo. " sinasagot na kita.?"
" Alam mo kung wala lang tayo dito.. Kawawa ka sakin.."
" bakit ano gagawin mo..?"
"hahalikan kita hanggang di ka na makahinga.? Tapos kakagatin kita jan sa lips mo hanggang magdugo." gigil na saad niya..
"exciting yun."
" Oo.. At di kita titigilan hanggang maubusan ka na ng lakas.."
" UHmn gusto ko yan..pwede ba dito.? Parusahan mo ko chris..!" ngiti ko.
"ewan ko sayo!" simangot niya saka umayos ng upo.. Ilang sandali naman walang nagsalita samin.
"tapos ka na ba.?" tanong ko.
" naiinis parin ako sayo.. Geo ayoko na masaktan di ba.?"
" Pain..? Kapag nagmahal ka kasama naman talaga yun eh.. Ang maipapangako ko lang sayo is.. Sasamahan kita sa lahat ng sakit na mararamdaman mo.."
" I hate you."
" I love you." ngiti ko sa kanya.. Umiwas naman sya ng tingin.
" ewan."
" I love you.." ulit ko.
" Magsisimula na yung movie.."
" kapag nagsimula yang movie na yan na hindi ka pa nagAI love you. Break na tayo huh." lumingon lang sya sakin saka sumimangot.
" edi break.?" saad niya.
" fine.. Kapag nagsimula yan huh.. Break na tayo.."
" di ba sabi mo hindi mo ko bibitawan.?"
" Just ask for it..basta hiniling mo.. Gagawin ko.." saad kong nakatitig sa mukha niya.. Umayos naman sya ng upo.
"I love you." saad niya napangiti naman ako.
" hindi ko narinig."
" I love you na nga.?"
" takot ka pala eh." ngiti ko saka hinawakan yung kamay niya.. Dinala naman niya to sa labi niya saka hinalikan..
" humanda ka sakin mamaya."
" kahit ngayon na eh." ngiti ko.. Kahit saan niya ata ako repin papayag ako hahaha..
" baka kapag pumayag ako magsisi ka..?"
" game.?"
" Geo kakaiba ka talaga.?"
" oo naman.. Kiss me..? Yung masarap na masarap na kiss huh.?" kita ko naman na lumingon sya sa paligid,
" may makakakita satin.?"
" risk taker ako chris." saad ko napakamot naman sya ng ulo. " kaso ikaw duwag kaya nevermind nalang." ngiti ko.
" hindi ako duwag.."
"then kiss me here...?" bigla naman namatay yung ilaw hudyat na magsisimula na yung movie .. Hindi lang ako nakagalaw ng maramdaman yung paghalik niya sakin. Mapusok yun.. Agad lang syang humiwalay saka umayos ng upo..
" You like it.?" tanong niya. " watch na tayo start na ng movie."
" Uwi nalang tayo.?"
"huh.?"
" eh kasi.." nakagat ko lang yung labi ko.. Rinig ko naman yung mahina niyang tawa,.
" later.."