chapter 3

298 12 0
                                    

CHAPTER 3

SI GEO

Hapon yun ng magpasya akong maglakad papunta sa park.. Haixt bukas pa ko makakapagenrol.. Wala man lang akong friends dito.. Di naman ako loner pero bakit magisa ako ngayon.. Asan ang hustisya..?? Tapos sinira pa ng paul na yun yung araw ko..ano be nemen yen! Pagdating ko sa park nakabusangot ang mukhang umupo ako sa bench na andun.. Sana umulan.. Napagaling na kaya ng summer rain yung puso ni chris..Sana OO.. Gusto ko sana itanong kay blue kung saan sya nakatira kaso nakakatakot si kuya aldred eh kaya nevermind nalang haha.. Haixt sa pasukan ko pa talaga sya makikita.. Pero oks lang.. Ilang sandali pa kong nandun ng isang motor yung pumarada sa harap ko.. Nakahelmet to kaya hindi ko makita kung sino..
" bakit.?" saad ko saka tumingin sa ibang dereksyon... Baka magtatanong ng dereksyon.. haixt Hindi ako mapa kaya wag sya umasang sasagutin ko sya ng maayos.
" Kamusta.?"rinig ko saad nito..natigilan lang ako ng marinig yung boses nito.. Shet.. Dahan dahan naman akong tumingin sa kanya.. Kita ko lang yung pagtanggal niya ng helmet saka ako binigyan ng isang ngiti.. Damn!!!
" chris.?" gulat na saad ko.. Shet anghel!! Bigla atang nagwala yung puso ko.. Super bilis ng tibok.. Shet heart you behave!! Pero kasi aixt sabing behave eh ! please baka mahalata ka niya.. Otoke Otoke..? Lumunok lang ako saka nagbigay ng ngiti..
" Yeah long time no see." saad niya saka bumaba sa motor niya..aixt iniisip ko lang sya kanina tapos ngayon.. Nasa harap ko na sya at ang gwapo..! Please sana hindi na sya broken hearted.. Sana ok na sya.. Haixt gusto ko sya,.. God gusto ko nga sya., or mahal ko sya..? Habang tinitingnan ko sya parang may nagwawalang musiko sa loob ko.. Parang all i can hear nalang is yung tambol na dumadagundong sa buo kong pagkatao.. It must be love na talaga! yung puso ko gusto lumabas at kumawala sa mga ugat na nakakonekta dito. " hey.?" pilit na ngiti niya.. Natauhan naman ako.. Kalma nga lang heart.! Kulit mo din noh.
" uhm yeah.. Tagal din nating hindi nagkita.. Kamusta ka na." ngiti kong nakatingin sa mga mata niya..those eyes.. Yung smile niya.. Siguro kung nakita ko yung smile niyang ganyan nung una kaming nagkita baka imbis na suntok ang ginawa ko baka hinalikan ko pa sya!
" a year na ata..? Pero don't worry hindi naman kita nakakalimutan eh.." ngiti niya aixt hindi niya ko kinakalimutan.,. Ibig sabihin ba may special place na ko sa puso niya..? Yes!!
" so kamusta ka na.?"
"ok naman.. Pwede makiupo.?" tanong niya marahan naman akong tumango umupo lang sya malapit sakin... Nang tingnan ko sya kita ko lang yung pagtingala niya. " hindi uulan ngayon..? sayang.." lingon niya sakin.
" pano mo naman nasabi..Close ba kayo ni kuya kim.?"
" uhm I mean mukhang hindi uulan.."
"huh.?"
" malabong umulan."
"eh summer kaya..?" kunot ang noong saad ko natawa naman sya.
" May favorite part of the year is summer.. Lalo na kung umuulan sa panahon na yun.."
" why.?"
" may nagsabi kasi sakin na magical daw yung rain tuwing summer.." ngiti niya natawa naman ako.
" wait Ako ba nagsabi nun.? Parang sakin galing yun ah."
" ikaw ba yun..?" natatawang saad niya.. Napangiwi naman ako.. Ako nga ba yun.? Pero ang cute ni chris.. Ang sarap niya tingnan habang tumatawa.. Its like tumitigil yung mundo at kailangan ko lang gawin is titigan sya.. " alam mo ang wierd nun pero tuwing umuulan pag summer ikaw naalala ko.. May nagsabi nga sakin na kalokohan daw yung summer rain..?"
" sino nagsabi.. Papatayin ko.? Totoo kaya yun sabi ng mga friend kong tikbalang.." ngiti ko.
" tikbalang..?"
" yeah.. So sino nagsabi gigilitan ko yun ng leeg.?"
"uhm a friend.."
"ah I see.. Girlfriend..?"
"nope.. Friend lang.."
"bestfriend.?"
"uhmm pwede na rin." ngiti niya.. "Do you have plan tonight.?"
"wala naman.. Naboboring nga ako sa bahay nila kuya aldred kaya I'm here.."
" I see.. tara stroll muna tayo.. Mamayang gabi pa kasi yung pupuntahan ko eh.. Mukha naman hindi uulan ngayon eh."
" wait you mean pumupunta ka dito tuwing umuulan.?"
" yeah.. Naniniwala ako sa sinabi mo eh.. Na pwede maghilom yung mga sugat sa help ng summer rain.." ngiti niya. " kahit wierd gusto ko maniwala.. Yun lang kasi ang paraan para makamove on ako eh.. Maniwala na kaya ko."
" so.. Nakamove on ka na..?'
" uhm 90 percent siguro.?"
" wow gagawa muna ako ng pie graph." ngiti ko saka kumumpas sa hangin natawa naman sya.. " how about the 10 percent.?"
"geo di naman totally nawawala yung love eh.. Gusto ko may maiwan na magandang memories samin..alam mo laki nga ng naitulong mo eh."
" huh ako.? Kailan ako gumawa ng charity works.?"
"I mean ikaw.. Pinaniwala mo ko sa isang kalokohan."ngiti niya. " summer rain.? Alam mo kasi kapag pumapatak yung ulan sakin parang unti unting naghihilom yung mga sugat ko.. At dahil sayo yun kaya thank you." saad niyang may matamis na ngiti sa labi.. Pinagmasdan ko lang yung mukha niya.. Yung haplos ng hangin sa maninipis niyang buhok.. Yung mata niyang parang puno ng saya.. " thank you geo.. Kasi binigyan mo ko ng chance magsimula uli.."
" may girlfriend ka na siguro noh.?"
" wala nga eh.."
"boyfriend..?" ngiti ko natawa naman sya.
"mas lalong wala.." napangiti lang ako.. Shet.. Ibig sabihin pwede na kami.. I'll do everything para mainlove sya sakin.I mean everything..! Damn it.. Chance na to..
"bakit.? Inaantay mo siguro ako bumalik noh.." biro ko.. Napakamot lang sya ng ulo habang natatawa. " joke lang.."
" hanggang ngayon lakas mo parin magbiro.. Tara na sama ka sakin.. May gusto kasi ako bilihin eh.. Since pinaniwala mo ko tungkol sa summer rain.. Papaniwalain din kita sa isang magical na pagkain."
" ano naman..? Hoy kung apple yan na may lason wag nalang huh."
" hindi.. Tara lets go." ngiti niya saka inabot sakin yung helmet niya saka tumayo.
" eh ikaw wala kang helmet.?"
" ok lang ako.. Mas mapapanatag ako kapag ikaw may suot niyan."
"chris may gusto ka sakin I can feel it." ngiti ko.
"Are you sure.? Oh ikaw ang may gusto sakin.?" lingon niya .. Napangiwi naman ako.. Huli ka! Wahahaha.. " kala mo ikaw lang marunong magjoke huh.. Madami na kong natutunan simula nung nagcollege ako."
" like what..?"
"na hindi lahat ng sinasabi ng tao ay seryoso.. Don't assume.. Tara na." saad niya saka sumakay sa motor.
"wag magassume.?"
" yeah.. Sakay ka na.. Suotin mo yung helmet."
" edi hindi mo na makikita kung gano ako kagwapo.? Sigurado naman akong gusto mo makita yung mukha ko eh.."
"ewan.. pero atleast mapagmamasdan mo naman kung gano ako kagwapo.?" natatawang saad niya.
" wow chris nagbago ka na talaga ah.?" ngiti ko natawa naman sya..
" oo naman..lahat naman tayo nagbabago.."
" that's great.."
" Great..?"kunot ang noong saad niya.
" great wall of china." ngiti ko bakit ba ganito feeling ko close na kami.. Close na ba talaga kami..? Pano pag nalaman ni kuya aldred to.. Magagalit kaya sya sakin..? Haixt bahala na..
"Tara na kasi..hindi tayo close.. Pero feeling ko close na tayo.. Ang tagal nating hindi nagkita pero parang kahapon lang yun.. Dito sa park right habang sinasalo yung summer rain.." ngiti niya nabasa niya ang mga brain cells ko.. Parehas kaya kami ng nararamdaman..? Siguro haixt. " geo let's go.?"
" sige na nga.." saad ko saka sinuot yung helmet.
"nagkikita pa kayo ni blue or ni kuya aldred.?" tanong ko pagsakay sa likod niya.. Humawak lang ako sa balikat niya.. Shet ngayon ko lang nahawakan uli si chris ng ganito.. Pwede bang masahihin ko na rin yung likod niya..haha Joke.
"uhm hindi na eh.."
"kaya nga siguro nakamove on ka na noh.?"
" siguro.." lingon niya.." kapit ka mabuti."
" pwede payakap..?" saad ko natawa naman sya. " joke lang ok na ko dito hindi mo naman ako ihuhulog eh."
"oo naman.." saad niya saka pinaandar yung motor.. Wala na kaming imikan habang umaandar yung sinasakyan namin.. Haixt feeling ko nasa music video ako haha.. Screamo yung genre ng song!! Sleeping with sirens..idol Screamo..! wahahaha hanggang tumigil yung motor niya sa isang tindahan ng kung ano ano.. Nang basahin ko yung sign sa taas. MANI NI ALING TINAY. Atb. Astig ng name haha
" baba ka na.." saad niya,
" meron bang paakyat to.?" saad ko natawa naman sya..hinubad ko lang yung helmet saka Bumaba ng motor..nagkamot lang ako ng ulo.. Bumaba naman si chris..
" You have to taste this.. Sabi kasi nila kapag natikman mo yung mani ni aling tinay.. Para ka na rin pumunta sa heaven.."
" ows hindi nga.?"
" oo naman.. Sure yun."
" Maganda ba si aling tinay.?" tanong ko.. Kitang kita ko lang yung pagpigil ni chris na matawa.. So cute haixt. " why.?"
" uhm wag mo na itanong yan."
" why. Panget si aling tinay..?"
" basta ang importante masarap ang mane niya."
"natikman mo na.? Shit chris sa matanda ka na pumapatol.?"
"hindi hindi.. Yung mani.. I mean Peanut.?"
" ay kala ko natikman mo na si aling tinay eh.?"
" yung mani lang niya..at ang sarap sarap.. Ayoko na nga ang bastos sa tenga." natatawang saad niya.. Lumapit lang kami sa harap ng tindahan kitang kita dun yung sandamukal na ibat ibang luto ng mani. " this is the best mani in town."
"wow the best pala yung mani ni aling tinay."
"sobra.." ngiti niya. " kumakain ka ba neto.?"
" Oo naman.. Pero sure kang malinis yan..?"
"oo naman... Mamasa masa pa yan.."
"hinuhugasan ba ni aling tinay yung mani niya.?" pilit na ngiti ko kita ko naman yung tindera na napatingin sakin.. Why may sinabi ba kong masama.?
" I think naman naghuhugas si aling tinay ng mani niya."
" Are you sure chris.. Bakit nakita mo.?" ngiti ko umiwas naman ng tingin si chris saka nakagat yung labi para pigilin yung pagtawa.
" bakit ka ba kasi natatawa..?"
" wait lang shut up muna.." ngiti niya saka kinausap yung tindera.. Sumandok naman ng mani to saka binigay kay chris yung dalawang pack.. " tara sa lake side natin kainin.. Malapit na yung sunset oh."
" lake side..?"
"yeah nakapunta ka na dun.?"
"hindi pa nga eh.?"
" well hindi ka nga taga dito.. Kasi pag dito ka nakatira.. Dapat napuntahan mo na yun. Isa kasi yun sa pinagmamalaki dito." saad niya saka sumakay sa motor.
" bakit maliit ba yun kaya dapat ipagmalaki pa.?" ngiwi ko.
" ewan sayo.." ngiti niya.. " lets go.."
"wait ayoko na maghelmet.. Ang init kasi eh."
"pero..?"
"para fair tayo... makikita ko yug kagwapuhan mo.. Makikita mo rin yung kagwapuhan ko.?"
" ah ok.. Sabi mo eh.." natatawang saad niya.. Ibang iba na sya.. Muli lang akong sumakay sa likod niya..pinaandar lang ni chris yung motor patungo kung saan hehe ..kahit saan niya siguro ako dalhin sasama ako Haha.,. Kahit sa heaven pa yan basta magkasama kami the best na yun haha..kahit naiilang ako ang sarap parin ng feeling na magkasama kami ngayon.
malayo palang yung motor nararamdaman ko na yung kakaibang haplos ng hangin sa balat ko.. Woow..Ang bango ng hangin.. Hangang matanaw ko yung malawak na damuhan habang may mga naglalarong mga bata.. Naghahabulan at kung ano ano pa kita din dun yung mga nakalatag na kumot habang may nagpipicnic na magasawa or magsyota.. Wow this place.. Its awesome..! Hanggang tumigil yung motor dahan dahan lang akong bumaba ng makita yung malawak na anyong tubig.. sa dulo nito matatanaw mo yung mga naglalakihang mga building. Haixt may ganitong place pala dito.
" maya maya lulubog na yang araw.. Mejo maaga tayo."
" ang ganda naman chris dito.?"
" yeah I know.. tara upo tayo dun hindi na nanaman mainit sa balat yung sikat ng araw eh." saad niya saka naglakad papunta sa isang bench na andun...sumunod naman ako sa kanya.. Napangiti lang ako ng dumipa sya habang sinasalo yung hampas ng hangin mula sa lawa. Umupo naman ako sa bench habang pinagmamasdan ko sya.. Ng lingunin niya ko parang biglang tumigil yung mundo ko at yung pagihip ng hangin.. Shet inlove nga ako sa kanya.. Nakamove on na sya siguro naman pwede na kami.. "Alam mo sabi nila tong place na to.. Takbuhan ng ibat ibang uri ng tao.. Taong malungkot taong masaya.. Something like that."
"what do you mean." kunot ang noong tanong ko.. Umupo naman sya sa tabi ko saka inabot yung binili niyang mani sakin.. Kinuha ko naman to. " alam mo ba sa umaga ang pumupunta dito is yung mga taong inspire.."
" why naman.?"
" well dami kasing nagyoyoga or nageexcersice dito eh.. Inspire to have a good health.." ngiti niya natawa naman ako..
" sabagay.." ngiti ko saka nilanghap yung hangin.
" pag tanghali naman.. Yung pumupunta dito is yung mga taong gusto mapagisa."
" bakit naman.?"
" eh kasi wala naman tao dito pag tanghali.. Ang init kasi.. So kung gusto mapagisa just go here kasi walang iistorbo sayo.. Mangingitim ka nga lang." ngiti niya.
"eh pag hapon anong uri ng tao pumupunta dito.?"
" yun yung mga taong gusto umasa na pwede magsimula pagkatapos ng paglubog ng araw.."

GEO - MR. ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon