SI PAUL
Nakasandal ako sa kotse ko nun sa parking lot ng school habang humihithit ng sigarilyo habang nagmumuni muni at nakatingala sa langit..Alam mo stars? Kahit magkamatayan hindi ako aamin na may gusto ako kay geo..Naaaa! never.. Haixt laking tuwa nun pag umamin ako beside mas ok na rin yun may chris na sya wala na rin silbi.. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. Kailan nga ba naging fair ang mundo sakin..? Hindi na ko nasanay..haixt always a second choice.. Ay oo nga pala ni wala nga ako sa choices ni geo..haha..For him I'm just a cute drummer and I'm not the type na minamahal.. What a life.
" Sunog baga." napalingon lang ako ng marinig yung boses ni joseph. Nakita ko lang syang kasama si erika.. Sinimangutan ko lang sya saka umiba ng tingin. Isa pa tong bwiset na to.. Inlove ako pero putek wala na ngang chance pinagduduldulan pa niya sa mukha ko.. Peste Ipis!. " Erika hindi ako sasabay sayo." saad nito kay erika na super inlove sa kanya pero hindi naman niya gusto.. Hindi pala ako nagiisa haha.. Ang mundo ay punong puno ng taong mahilig umasa.. Well kahit itanggi natin.. Umaasa tayo..Patuloy na umaasa.. Hoping.. Madali nga naman makahanap ng mamahalin pero hindi ganun kadali humanap ng tao na kaya kang mahalin pabalik... Well that's life.
" are you sure..?" tanong ni erika.
" Yeah sige na una ka na."
"pano ka uuwi..?"
" basta..bye ingat ka." ngiti pa nito sumakay naman si erika sa kotse ilang sandali pa ng umalis yung sasakyan nito. " so..kamusta.?" lingon sakin ni joseph.
" I'm fine.." walang emosyong saad ko saka nilaglag sa semento yung yosi saka tinapakan.. wala ako sa mood makipagasaran sa kanya.. All I want now is silence.. Peace of mind.. Haixt. " what do you want.. You know joseph I'm not in the mood makipagasaran sayo.. Pwede bukas nalang.. Or sa susunod na araw.. Bigyan mo naman ako ng katahimikan..?" Seryosong saad ko sa ibang dereksyon nakatingin.
" Bro.. Sorry na.." napapakamot na saad nito.. Kunot ang noo naman akong tumingin sa kanya.. Ano problema niya.. Haixt.. Ang tapang tapang niya tapos ngayon nagsosorry.. Aixt
" Sorry for what.?"
" sa pangaasar ko..?"
" It's ok.. Di naman ako napipikon."
"mukha mo! Pikon na pikon ka nga eh."
" ok fine.. Nakakapikon.. So bakit ka nagsosorry.? Marunong ka pala nun." nagkibit naman sya ng balikat.
" ayoko lang masira yung banda natin.?"
" Masira.. Bago pa nga lang masisira agad.?"
"baka kasi topakin ka tapos bigla ka nalang umalis sa banda.. Aminin ko man o hindi..you're good.. I mean the best.."
" So ano gusto mo sabihin.?"
"Paul.. di naman ako kasing yaman niyo yung scholarship na nakukuha ko dito.. Yun lang kasi yung way para makapagaral ako dito sa pesteng school na to.. So kapag nabuwag tayo baka mawala din yung scholarship ko.. Kaya sana maayos natin to." pilit na ngiting saad niya humugot naman ako ng malalim na hininga. Balita ko kahit nasali na sya sa banda mataas parin yung grades niya.. Proud siguro magulang niya sa kanya.. Haixt paul stop comparing your life.. Badtrip.
" kaw lang naman nangaasar eh.. hindi naman ako.."
" I know.." saad niya saka sumandal din sa kotse ko. " ito lang siguro way ko para wag masyadong maisip si franz..Mangasar ng iba." pilit na ngiti niya.
" bakit hindi mo mabitawan si franz..? Di ba si daryll na yung pinili niya.? Why don't you just move on.. Alam mo joseph natutunan ko na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo."
" Makukuha mo kung gugustuhin mo."
" Hindi rin.. What's the sense of getting what you want if that person don't want you at all..? You'll be happy but the question is.. Magiging masaya ba sya sayo.?"