SI GEO"Shet christian castillo..? Kissed me..? That was so fucking awesome!!" Saad ko lang sa sarili.. wow.. pagdating ko sa bahay naabutan ko si kuya aldred na natutulog sa sofa habang nakabukas yung tv haixt wala ako sa mood para manggising haha.. Dumeretso lang ako sa kwarto saka pabagsak na nahiga sa kama..saka "waaaaaaaaahhhhhhhhh." sigaw ko.. Shet! Napabalikwas lang ako ng biglang bumukas yung pinto.. " kuya aldred..!"
"nakauwi ka na..?"
"paalis palang ako.." saad ko saka tumayo..
"gago.. Kanina ka pa ba.?"
"kahapon pa.. Tulog ka kasi ng tulog eh..?"
"nagmotel pa kayo noh..?"
"nino..?"
"ni paul..?"
"ah hindi..?"
"eh bakit sabi niya sa text..?" saad niya habang hawak yung phone niya..lumapit naman ako dito saka kinuha yung cellphone sa kamay niya. " so nagmotel pa kayo..? Kayo na ba..?" binasa ko naman yung text.. -pare si geo gusto dumaan sa motel..hope hindi ka magalit. Basa ko sa text.
" gago talaga yan.. Hindi kami nagmotel noh..!" balik ko sa kanya ng cellphone.
" umayos ka geo huh."
"maayos ako.. Yang paul na yan ang hindi maayos..!"
" ows.. Hindi ka na virgin noh..?" ngiti ni kuya aldred.. Sinimangutan ko naman sya..
"labas !" tulak ko sa kanya saka sinara yung pinto..bubutasin ko talaga gulong ng kotse nun! Haixt.. Teka..ayoko .. Tangalin sa utak ko si paul.. Si chris.. Sya lang.. Kami na ba ni chris.. He likes me.. I like him too. So meaning pwede na maging kami..? Shet..! Pink helmet..I told ya.. Natigilan lang ako ng marinig yung katok sa pinto.. Nakasimangot ko naman tong binuksan. " kuya..?"
" wait sigurado ka na ba kay paul..?" tanong niya.
"kuya ano ba.. Hindi ko nga sya gusto.."
" nagdate nga kayo eh....?"
"ah eh. Basta..!"
"si Irene.. Uuwi na.."
" sino..?" kunot ang noong tanong ko.. Si Irene..? Seriously..?
" si Irene yung kapatid ni blue.. Di ba nabanggit mo dati na you like her.." napakamot naman ako sa ulo.. Oo super ganda ng kapatid ni blue pero.. Kasi bukod sa ugali nun na kakaiba.. Si chris talaga yung gusto ko eh..haha " ano..? Naguluhan ka na.?"
"no hindi ah.. Seryoso ka ba talagang babalik na si Irene.. Ang alam ko di ba after college pa yun babalik.. What happened.?"
" gusto na daw niya bumalik eh.."
" pano kung guluhin uli kayo nun kuya..? Naku kuya baka nagipon lang yun ng shakra sa States.. Tapos Pagdating nun ilabas niya na yung kyubi sa katawan niya.. Patay kayo ni blue.!"
" Matagal ng maayos lahat.. Gulpihin ko sya pag nangulo pa sya.."
" eh praning nga yun kuya di ba..? May pagkasasuke yun eh.."
" dati siguro.. Pero ngayon natuto na yun.. Ok na sila ni blue ok na ok. Wag lang luluwag uli turnilyo niya."
" pag dumating yun kuya ako magluluwag ng turnilyo niya para guluhin uli kayo.." nangaasar na saad ko.
" gago...papasok nga may gusto ako itanong sayo eh.." saad niya saka ako hinawi.. Nakita ko lang na pabagsak syang nahiga sa kama ko.
" make sure na may question mark sa dulo yung sasabihin mo huh para alam ko kung nagtatanong ka..?" ngiti ko skaa kinuha yung upuan sa gilid saka umupo.
" haixt geo seryoso nga..pwede ba ibulsa mo muna yang mga jokes mo.?"" Hindi magkakasya sa bulsa ko lahat kaya wag ka ng epal kuya.. Ano ba kasi yun.?" sumimangot lang sya saka umiwas ng tingin.
"nabanggit sakin ni blue na nakita mo si chris.. Ano sabi sayo..?"
" huh..?"
" ano sabi sayo..? ni chris.?"
" kuya aldred magkaiba po ang nakita sa nakausap.. Ano bang IQ meron ka huh..?" simangot ko binato naman niya ko ng unan..
" eh kung bugbugin kaya kita ng commonsense huh..?" inis na saad niya. " ang hirap mo kausap .. Ang ibig kong sabihin nakausap mo ba sya.. Or nagkausap ba kayo.?"
" close ba kami..?"
" may sinabi ba kong close kayo..? Tinatanong ko lang kung nagkausap kayo..?"
"uhmm .." iwas ko ng tingin.
"nakausap mo nga..? Ano sabi.."
" kuya classmate ko sya.."
"huh..?"
" si paul ka ba kuya..? Ang bingi mo.. Sabi ko classmate ko sya.."
" Si Chris.. Classmate mo..? Pano mo nalaman..? Next week pa ata pasukan niyo ah.?"
" sabay kami nagenrol nung kaibigan niya.. And beside Hello kuya sikat po si chris sa buong school.. Sya lang naman ang vocalist ng Gravity at ang champion ng battle of the band taon taon so what do you expect..? Na walang nakakakilala sa kanya.? Eh halos lahat ng kasabay ko magenrol bukang bibig na magiging classmate namin si chris eh.. Paliguan kaya kita ng IQ kuya.. Baka sakaling tablan ka."
" eh kung suntukin kaya kita para magkaroon ka naman ng seryosong ugat sa katawan.?"
" ewan ko sayo kuya.."
" Nakita mo na ba sya..? Nakamove on na ba..?"
" kuya aldred.. Almost 2 years na..? At ang haba haba na nun..hindi naman lahat ng tanga.. Eh tanga na forever tinutubuan din sila ng mga bagong neurons everyday."
"I know.. Pero."
"natatakot ka parin..? Ang gwapo nji chris para maging ghost huh.?"
" ayako lang mawala pa si blue sakin." naupo namna sya sa kama saka umiwas ng tingin. I understand kuya naman.. Kahit ako siguro matatakot ako everyday kung si blue ang mahal ko.. Haha.. Kainis naman kasi ang gwapo ng bwiset na yun.. Oo nga pala isa pala sya sa kontrabida sa love story namin ni chris .. Ibuburn ko sya sa hell kapag umepal sya haha.
"ano ba..? Kuya ang haba ng story mo ano gusto mo magkaroon ka pa ng book 2? aba abuso ka naman huh..beside ako ang classmate niya hindi si blue.?"
" Nakita ko sya sa park last time.."
"sino..?"
"si chris.. Ang lapit lang ng bahay nila blue sa park.."
" assuming ka..? Kayo lang ba ni blue ang nakatira sa subdivision na to.. Malay mo iba na pala ang inaantay niya hindi na si blue..? Wag kang praning." ngiti ko kita ko naman yung tingin niya sakin.
" what do you mean..?"
"na may iba na syang pinupuntahan dito..?"
" sino..?" tanong niya nagkibit naman ako ng balikat.
" sabi nga nila hindi lang sa isang tao umiikot ang mundo.. May orbit sya kaya wag kang epal." natatawang saad ko. " hindi lang kayo ang anak ng diyos kuya.. Lahat tayo may pantay pantay na karapatang mahalin at magmahal wag kang suwapang.. Si chris.. Pwede syang magmahal ng iba.. At pwede syang mahalin..lahat naman deserve maging happy.. magmove on na kayo sa kanya kasi yung tao I know gusto na rin nun magmove on."
" tingin mo nakalimutan niya na si blue..?"
" yeah.. Tingin ko..sana kuya maging ok kayo ni chris.."
" why..? Bakit.?"
"english tagalog huh.."
" bakit nga.. You like him.?"
"huh..?"
" tangna ka huh..! Mahalin mo na lahat ng lalake sa mundo wag lang yung hayop na yun..ayoko.. Ayoko.. Hindi ko maimagine geo kaya please.!" iling niya haixt bwiset.. Ano pa nga ba.. Expected ko naman talaga na ayaw niya kay chris para sakin.. Pero since hindi ko naman sya parent wala akong pakialam haha.
" sinabi ko ba na gusto ko sya..?"
"hindi..?"
" yun naman pala eh.. Pag nagrocery si tita sabihin mo ibili ka ng IQ .. Madami nun sa supermarket kuya.. Iba ibang size pa! Yung XXL ang ipabili mo kuya para astig!"
" ewan ko sayo."
" lumabas ka na nga kuya..!"
" kadiri yung helmet na yun.. Kanino yun.?" turo niya sa helmet na nasa ibabaw ng aparador umiwas naman ako ng tingin.. Damn it. " parang pamilyar sakin yung helmet na yan.?"
" kuya pag gumawa ba ng helmet ang mga factory.. Limited edition..? Malamang madaming katulad yan noh."
" sabagay pero ang baduy ng kulay..!"
" porket pink kadiri na.. Lumabas ka na nga."
" mahilig ka sa pink..?"
"gago mo kuya hindi noh.. Uhm napulot ko lang sayang eh.."
"sus.. So gay.."
" wow huh.. Alis na nga.."
" boto ako kay paul para sayo.. Mabait yun."
" saka ka na bumoto pag eleksyon na kuya.. Tigilan mo ko..alis na kasi gusto ko na matulog.. Kung alam mo lang kuya..best night ever tong gabi na to."
"dahil nagmotel kayo ni paul.?"
"hindi ko sya pinagnanasahan noh..yuck." tumayo naman si kuya aldred saka tumuloy sa pinto.
" sus.. Baka mabuntis ka huh.."
" Big ekis! Purple marker yan para maintindihan mo.!" simangot ko saka sinara yung pinto paglabas ni kuya aldred..ano naman kung hindi gusto nin kuya aldred si chris para sakin.. Buhay ko to at ako captain ng barko.. Ayayy! haha
