SI PAULIlang linggo bago sumapit Ang battle of the bands ay pinadala yung buong banda namin sa hongkong para tumugtug sa bubuksang supermarket ng mga schoneberg duon. Bago palang yung banda namin pero ang dami ng sumosuporta dito.. Ilang linggo na din kaming puspusan sa pagpapraktis kaya apportunity na din to para makapagpahinga yung buong banda. Haixt kamusta na kaya si Geo.. Ang hirap naman kasi pigilin yung sarili ko na wag sya tawagan.. Malamang ang laki na ng butas ng ilong nun dahil sa tuwa kapag tumatawag ako haha.. Haixt magagawa ko mahal ko eh.
Pangalawang gabi namin sa hotel sa hongkong ng makita ko si joseph at franz na tumatakbo papasok sa lobby.. Kumunot naman yung noo ko. Di man lang gumamit ng payong haha.
" hey ok lang kayo..?" tanong ko sa kanilang dalawa paglapit ko.
" Yeah ok lang.. Ang cute mo naman.?" ngiti ni franz, si joseph naman umiwas ng tingin.
" eh kung batukan kita franz.." simangot ni joseph natawa lang ako.
" bawal magjoke..?" pagpag ni franz sa damit niya.
" san ka pupunta paul ang lakas ng ulan eh..?" tanong ni joseph.
" Halata nga eh.. Basang basa kayo eh.. Di pa ba kayo nagenjoy sa Pilipinas hanggang dito sa hongkong nagpapaulan kayo.?"
" UHmm.. Ang cute mo talaga grabe.." ngiti ni franz habang nakatingin sa mukha ko. Agad naman tong binatukan ni joseph.
" aray naman joseph..!!"
"Hoy bulag ka hindi kita pinakawalan para lumandi huh.. Maging faithful ka pwede..?"
" wow so you mean joseph..?" ngiti ko.
" shut up paul.." simangot nito. " san ka ba pupunta.?"
"magpapahangin lang..?"
"sana ngumanga ka nalang sa tapat ng aircon..?"
" Bakit hgindi mo gawin.." ngiti ko sa kanya.
" samahan kita gusto mo..?" saad ni franz sinimaan naman sya ng tingin ni joseph. " joke lang..Grabe.."
" Ok ka lang joseph.?" tanong ko dito marahan naman tong tumango natanaw ko naman si daryll na papasok na din ng hotel habang may hawak na payong. " jan na si daryll.." ngiti ko sabay naman silang napalingon sa entrance ng hotel.
" Franz.. Pwede payakap..?"
"joseph..?" ngiwi ni franz pero lumapit na dito si joseph saka to niyakap.. Kita ko yung higpit ng yakap niya saka dahang dahang humiwalay.. Ngumiti lang sya kay franz saka kinuha yung salamin niya. "wag mo kunin.. Joseph naman eh.. Anjan na si daryll."
" pakipunasan paul..?" abot niya sakin nung salamin.
"bakit ako..?" kunot ang noong saad ko.
"basa damit ko di ba..? Pupunasan mo ba o sasapakin kita.?" seryosong saad niya.
"gago ka hindi mo ko utusan.." dun naman lumapit si daryll saka kinuha yung salamin sa kamay ni joseph.
"ako na.." saad nito umiwas naman ng tingin si joseph.. Haixt ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni joseph ngayon.. Yung makita mo yung mahal mo na kasama yung mahal niya.. Sobrang sakit nun.. Sobrang sakit pero wala kang magawa kundi tiisin . " here.." abot ni daryll sa salamin kay joseph sinuot niya lang to kay franz.
"joseph naman eh.." simangot ni franz.."
"sige na uwi na kayo.. Matutulog na ako.. Daryll pakiingatan tong bulag na to huh.."
" joseph hindi ako bulag..." inis na saad ni franz.
" Pero malapit na.." bulong ni joseph kumunot naman yung noo ko.
" joseph..?"
" wala sige na uwi na kayo.. Matutulog na ko ingat kayo sa paguwi sa pilipinas.. Dalawin mo si mama huh.. Pagong si franz huh.. Please ingatan mo sya."
"sure.." ngiti ni daryll. " let's go franz.?"
"yeah.. Joseph goodluck huh..alam ko kaya mo yan..kaya niyo yan." saad ni franz tumango naman si joseph.. Tumalikod lang samin si daryll at franz saka naglakad palabas ng hotel.
" Are you ok..?" tanong ko hinubad ko lang yung jacket na suot ko saka inabot sa kanya.
" No thanks." saad niya habang nakatanaw parin kala franz.
" sige na.. Durog na nga yung puso mo.. Baka magkasakit ka pa.. Tutugtug pa tayo di ba..?"
" paul tama ba yung ginawa ko..?"
"na pakawalan na sya..?"
" Na hayaan na sya kung saan sya masaya.."
" actually hindi naman sya yung pinakawalan mo eh.. Yung sarili mo.. Everything happen for a reason joseph.. May dahilan kung bakit tayo nasasaktan.. Di ba nga sabi may mga taong hindi nakalaan para satin dahil nakalaan sila sa iba.. Pero may mga taong hindi nakalaan sa iba kasi nakalaan satin.. Ganun lang yun.. Hindi porket may nangiwan sayo wala ng darating."
"putek na reason.. Sana man lang alam ko noh.. Tangina ang sakit eh.." inis na saad niya saka kinuha yung jacket ko.
" Malay mo meant to be kayo ni franz.. Para maging bestfriend..? Hindi naman dahil mahal mo magiging sayo.. Kasi minsan yung mahal nila eh mahal din sila.. Nagkataon lang na yung role mo sa love story nila ay ekstra pero yung role nila sa love story mo .. Lesson.." humugot lang sya ng malalim na hininga. " suotin mo na yan.. Baka magkasakit ka pa.." sinuot naman niya yung jacket hanggang makita ko yung pagtulo ng luha niya pero agad niya tong pinunasan.. Natawa naman ako.
" bakit ka tumatawa..? Kala mo madali.?"
" Sisiga siga ka ang weak mo naman." sumimangot lang sya.
" pasagasa kaya ako sa truck ngayon.. Tangina ang sakit talaga eh.. Bestfriend eh mahal ko yung bulag na yun eh. Kalokohan!"
" Move on.."
" haixt.. Akyat na ko.. Hindi ka pa ba aakyat..?" tanong niya marahan naman akong umiling.
" bibili lang ako ng sim card may tatawagan kasi ako eh.."
" sino..? Uhmm.. Bakit ayaw mo sabihin kung sino yung lagi mong kausap sa phone.?"
" walang pakialamanan sige na.. Umakyat ka na.. Madami daming muta iipunin mo ngayon gabi.." ngiti ko sa kanya.
"gago.."
" Kaya mo yan bro.. Magipon ka ng lakas .. Sasamahan kita huntingin si kupido.." natatawang saad ko.
"talaga bwiset sya.. Kapag nakita ko yung mukhang ewan na may pakpak na yun.. Gugulpihin ko sya.. Haixt makaakyat na nga nakakabadtrip." simangot niya saka tumalikod natawa lang ako saka nagsimulang maglakad papunta sa entrance ng hotel.. Tumila na yung ulan ng oras na yun, sumakay lang ako ng taxi saka nagpahatid sa isang mall duon.
Pagdating dun agad lang akong naghanap ng pwedeng bilihan ng phone and simcard.. Ng makakita agad lang akong bumili.
Si sarah.. Kamusta na kaya sila ni dennis.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka dinial yung number nito.. Ilang sandali pa tong nagring hanggang may sumagot dito.
" sarah..?" saad ko.
" Who's this.?" saad sa kabilang linya.. Mukhang matanda.. Alam ko kay sarah to ah..
" Tita Agnes..?"
" yeah.. Who's this."
" tita it's paul.. Kamusta po si sarah.. Nasa hongkong din po pala kayo..?"
"paul.?"
" Paul Unidad po..nasaan po si sarah kakamustahan ko lang po sana sya.. Nandito po kasi ako sa hongkong ngayon.?" ilang sandali namang walang nagsalita sa kabilang linya. " tita are you still there.? Tita si paul po to remember..?"
"Yeah of corse I remember you.. Paul si sarah kasi.."
" nasaan po sya.. Kakamustahin ko lang po sana.. Nandito po ako sa hongkong ngayon..?"
" Paul we're here sa ospital.." saad nito natigilan naman ako. Ospital..?
"huh..?"
"naaksidente si sarah at si dennis nung isang araw."
"what..?!" gulat na saad ko. " saan pong hospital..?" tanong ko. Agad naman nitong sinabi kung saan nakakaconfine si sarah.. Lumabas naman ako ng mall na yun saka sumakay sa taxi. Alam ko hindi maganda yung pinagsamahan namin dati pero minahal ko sya.. Haixt nangako sya na babalik sila ni dennis sa pilipinas. What happened.?? Damn it..
Pagdating ko dun nakita ko lang si sarah na nakahiga habang napakadaming aparatos ang nakakakabit sa katawan niya. Sabi ng mommy niya nacomatose daw to pagkatapos ng aksidente kasama si dennis. Tanging yung makina nalang na yun yung nagduduktong sa buhay niya.
" si dennis po..?" tanong ko sa mommy niya marahan naman tong umling nakagat ko lang yung labi ko saka muling tumingin sa mukha ni sarah.. Damn it.. " pano po nangyare yun.. Kala ko po ok sila dito.? Nung huling nakausap ko po si sarah sabi niya masaya sila ni dennis.. Na ok sila pano po nangyare yun.. Shit.."
" tinaningan na yung buhay ni dennis.. Wala ng pagasa.. Nung nalaman ni sarah yun... Halos di na namin sya makausap.. Hindi na sya umalis sa tabi ni dennis.. " kita ko lang yung pagtulo ng luha nito. "paul si sarah.. Wala ng pagasa sabi ng mga doctor dito..?" napapikit lang ako.
" Tita baka meron pa..??" nagsimula langtumulo yung luha ko ng umiling to. " tita.."
"paul hindi aksidente yung nangyare... Sinadya ibunggo ni sarah yung sasakyan.." nakatungong saad nito.
"bakit po..?"
" ayaw niyang maghiwalay pa uli sila ni dennis.."
" damn it!! Baliw talaga yang anak niyo.!" gigil na saad ko.
"gusto ko umiyak ng umiyak paul... Pero si sarah. Mahal niya talaga si dennis.. Alam mo inaamin ko napabayaan namin yung anak namin.. Alam ko nagkulang kami at pinagsisihan ko yun paul.. Pinagsisihan ko ng sobra yun.. Bago sila naaksidente pinapunta kami ni sarah dito.. Yung mga huling araw na yun pinadama niya samin na mahal na mahal niya kami.. Pinadama niya na kahit hindi naging perpekto yung pamilya namin..naging masaya kami.. And I'm thankful na mahal na mahal ako ng anak ko."
" tita.."
" Ayoko mawala si sarah. Pero paul.. Ginawa niya to para kay dennis.. Buong buhay niya.. Si dennis lang yung minahal niya.." nagpunas lang to ng luha. " kahit masakit sakin.. Tanggap ko na.." hikbi nito.
" tita.."
" Paul.. Aantayin ko lang yung asawa ko bumalik .. Tatanngalin na namin yung mga makinang nakakabit sa kanya.."
"Pero.." humugot lang to ng malalim na hininga. " pero tita..?"
" It's ok paul." tumungo lang ako sska hinayaang pumatak yung mga luha ko.. Naramdaman ko naman na yinakap ako ni tita Agnes. " hindi ko na pahihirapan yung anak ko.. Hindi na paul."
"Sana po maging masaya po si sarah."
"I know... Hinihintay na sya ni dennis.."
Parang wala ako sa sarili ng bumalik sa hotel kung saan kami nakacheck in. Ganun ba talaga ng nagagawa ng love.. Na handa kang mamatay para sa mahal mo.. Haixt.
Pagkatapos namin tumugtug sa opening ng supermarket ay umuwi na din kami agad..bago yung flight namin nagpaalam muna ako kay sarah.. Nagpaalam sa taong minsan minahal ko.. Taong minsan naging parte ng buhay ko.. Sabi ng mommy niya gusto daw idonate ni sarah lahat ng organ niya na pwede pang magdugtong sa buhay ng iba.. Haixt.. Hindi ko man nakita ko kung gano kabait si sarah.. Pero alam ko mabuti yung puso niya..
SI GEO
![](https://img.wattpad.com/cover/82684896-288-k148248.jpg)