PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ito ay isang BXB story
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.
Thank You AiTenshi for sharing your story. Lol
*********
Imbisibol
AiTenshi
July 13, 2016
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang hawak ko ang lumang sulat na sana ay iaabot ko sa taong labis kong hinangaan. Ibayong lungkot ang aking nararamdaman sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga bagay na hindi ko nagawa noong kasama ko pa siya. At lalo lamang akong binabalot ng pang hihinayang habang pinag mamasdan ko ang aming pinaka huling class picture bago mag tapos sa kolehiyo.
Nakakatuwa ang aking itsura sa larawang iyon dahil naka tingin ako sa kanya samantalang siya naman ay naka tingin sa iba. Ngunit gayon pa man ay unti unting gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga ala-ala noong kami ay mag kasama.
At hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ito sa aking isipan..
Part 1
YEAR 1993
Ako si John Peter Guzman, tawagin nyo na lamang ako sa palayaw na "Jopet" iyon ang bansag sa akin ng aking mga pinsan noong mga bata pa kami kaya't nakasanayan ko na rin ito. Simple lamang ang aking anyo, hindi ako angat sa nakararami ngunit hindi rin naman ako nahuhuli. Sakto lang kumbaga.
Nag iisa lamang akong anak ng aking mga magulang kaya naman ginagapang nila ang aking pag aaral. Ako ay isang probinsyano ngunit noong ako ay 13 anyos pa lamang ay dinala na ako ng aking ama sa isang malayo at maulad na siyudad upang doon pag aralin..
2nd year high school ako noong mag transfer sa isang malaking campus dito sa siyudad. Ang paaralang ito ay may elementarya hanggang kolehiyo kaya't hindi mo na kailangan lumipat pa ang paaralan pag katapos mo ng high school. May kamahalan dito dahil nga all boys ang campus ngunit sa tulong ng scholarship na nakuha ko ay kalahati lamang ang aking binabayaran na tuition fee at libre pa ang aking pag tira sa dormitoryo.
Sa murang edad ay nakasanayan ko na rin ang lumayo sa aking magulang upang tapusin ang aking pag aaral kaya naman sa bawat hakbang na aking ginagawa ay sila ang itinuturing kong inspirasyon. Ngunit sa pag lipas ng mga buwan, hindi ko inaasahan na ang "inspirasyong" iyon ay madadagdagan noong makilala ko si Rycen Paul Lacsamana ang taong babago sa takbo ng aking buhay.
Science Class
Biology Laboratory
"Wear the proper safety equipment. The use of latex or rubber gloves, safety glasses, and cleanliness is important. For the most part, dissection specimens are sterilized and safe, but it's still very important to keep your hands, eyes, and mouth free of the formaldehyde used to preserve the frogs for dissection. Sit up straight while you work, wear the protective materials provided to you in the lab, and wash your hands thoroughly afterward.
Place the frog in the dissection tray on its back. To start the lab, remove the frog from its packaging and place it on its back, belly-up in the tray. Some frogs will be slightly stiff from the preservative solution, meaning that you may need to massage them out slightly, bending the legs and softening the joints until the frog sits comfortably on its back. " paliwanag ng aming guro nang bigla ito matigilan dahil sa pag pasok ng aking kaklase. "Mr. Rycen Paul Lacsamana, masyado ka yatang maaga para sa 2nd period?" tanong nito
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomanceAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.