Imbisibol Part 2

13.7K 440 39
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

AiTenshi

July 14, 2016

Part 2

Sa pag lipas ng mga linggo ay mas lalo pang nag iigting ang pag hanga ko kay Rycen. Nandyan yung lumalakad ako patungo sa kabilang building upang makita lamang siyang ng patahimik. Basta hindi maaaring matapos ang araw na hindi ko siya nakikita, yung tipong siya ang bumubuo ng mag hapon ko at paki wari ko ay hindi ito kompleto kapag hindi ko nasisilayan ang kanyang mukha. At syempre ang pinaka paborito kong araw ay Martes kung saan ka klase ko siya sa science lab. At katulad ng nakasanayan ay parati ko siyang pinaka kokopya kahit minsan ay mali ang sagot ko pero nakakapasa naman kahit papaano.

"Classmate" iyan lang ang tawag niya sa akin ngunit ayos na iyon. Atleast ay napapansin nya ako kaysa hindi. Sa loob ng 2 oras ay nag kakaroon kami ng interaction sa isa't isa ngunit pag tumunog na ang bell ay oras na para umuwi at balik nanaman sa normal ang lahat. Mag hihintay nanaman ulit ako ng susunod na linggo upang makausap siya.

Parating ganyan ang aming eksena hanggang sa isang araw ay mag kasalubong kami sa hallway. Pauwi na siya at ako naman ay papaasok palang. "Jopet!!" ang pag tawag niya kaya naman agad akong lumingon.

"Tinawag mo ko?" ang tanong ko na hindi makapaniwala.

"Oo naman, bakit parang nabigla ka? Ayaw mo pang tinatawag kita sa palayaw mo?" ang tanong nito.

"Ah hindi, ayos lang." ang kaswal kong sagot ngunit sa loob loob ko ay nais kong sumigaw ng malakas. "YES!! ALAM NYA ANG PANGALAN KO!! Kilala nya ako!!" ang pag huhumiyaw ng aking puso na kulang nalang ay mag tatalon ako sa tuwa.

"May kailangan ka ba bro?" ang kaswal kong tanong.

"Ah e hihiram sana ako sayo ng lecture sa lab. Kung ayos lang." ang wika nito.

"Oo naman. Oh heto." ang tugon sabay lahad sa kanya ng aking notebook.

Kinuha nya ito at inipit sa kanyang kilili sabay bitiw ng matamis na ngiti. "Salamat classmate. Sige una na ako " ang wika nito sabay takbo palabas ng gate samantalang ako naman ay halos atakihin sa puso sa sobrang saya. Pakiwari ko ba ay tumama ako sa loto dahil sa pag tawag niya sa akin. Alam kong simpleng bagay lamang ito ngunit ito ang unang pag kakataon na binigkas nya ang aking pangalan kaya't ibayong kilig ang naramdaman ko.

Alas 9 ng hating gabi noong ako ay maka uwi sa dorm. Pag pasok ko palang dito ay nakita ko na si Rycen, naka suot ng lumang short at maluwang na damit pambahay. Hawak niya ang aking note book at may dalang supot sa kabilang kamay. "Jopet, heto na yung note book mo. Saka heto ang isang supot ng pansit. Pasasalamat ko dahil palagi mo aking isinasalba sa science lab." ang naka ngiting wika nito.

"Wala iyon tol. Teka bakit nang hiram ka ng lecture e wala naman tayong exam?" pang uusisa ko.

"Ah eh maaga kasi akong mag tatake ng exam sa lahat ng subject. Nakatanggap kasi ang telegrama mula sa pamilya ko doon sa Cebu. Malubha na kasi ang lagay ni papa kaya't kinakailangan kong umuwi doon. Nag paalam naman ako sa lahat ng ating mga guro pati sa prinsipal at pinayagan naman nila akong umuwi muna." ang paliwanag nito.

"Eh gaano ka naman katagal mawawala?" ang tanong ko na may kung anong kirot na tumusok sa aking dibdib. Kung anong ikinasaya ko kanina ay siya namang ikinabagsak ng aking emosyon ngayon, ngunit hindi ako nag pahalata.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon