Imbisibol Part 17

7.1K 322 19
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

AiTenshi

Aug 19, 2016

Part 17

Sa pag daan ng mga linggo ay naging abala ang lahat sa pag pasa ng mga requirements. Pinaulanan din kami ni Sir Espanyol ng katakot takot na quizes at activities na talaga naman sumubok sa aming mga kakayahan. Syempre ay hindi naman ako nag pasindak sa mga challenges na iyon lalo't nag doble kayod ako para matulungan din Rycen at Gabby sa iba pang projects.

Para nga daw dumaan sa butas ng karayom ang lahat ng graduating students ngayon taon dahil sa dami ng requirements na pinapasa sa bawat subjects. Pinaka mahirap ang mga report paper dahil ayaw naman nilang tumanggap ng hand written. Kaya ayun naka pila kami sa pag gamit ng type writer yung iba naman ang lalakad sa bayan para maki gamit ng mga personal computer na may kamahalan ang renta at pag papa gawa.

Nakikita ko rin naman ang effort ni Rycen dahil kahit madaling araw na ay nag susulat pa rin ito para mairaos ang kanyang mga task sa ibang subjects. Talagang pursigido rin siya na maipasa ang lahat para maka akyat sa darating na Marso.

"Arekuupp ang sakit sa likod.." wika nito sabay bagsak ng katawan sa kama ko. Dito kami gumagawa ng projects sa silid namin ni Gabby.

"Oo nga e, ewan ko ba naman dyan sa mga teacher natin kung ano anong ka ek ekan ang pinagagawa eh itatambak lang naman nila ito doon sa bodega." pag mamaktol ni Gabby.

"Ganoon talaga, pinapahirapan nila tayo dahil alam nilang kaya natin. Pebrero na, kaunting tiis nalang at makakaraos din tayo." sagot ko naman sabay inom ng kape.

"Malapit na rin ang year ender party ng campus. Parang graduation ball ito para sa mga senior." wika ni Rycen

"Graduation ball? Ano naman ang eksena doon?" tanong ko naman.

"Sayawan, kantahan. Party party." sagot ni Rycen.

"Sayawan? Eh paano kapag sweet dances? Alangan namang mag sayaw ang dalawang lalaki ng ganoon?" tanong ni Gabby.

"Syempre ay hindi. Ang lahat papayagang mag dala ng kapareha sa ball. Pwede tayong mag dala ng girlfriend o ng kamag anak, kapatid na babae doon. Bubuksan nila ang campus para sa mga girls." naka ngising wika ni Rycen

"Nakupp. Wala akong paki dyan. Basta ako ay kakain ng maraming marami!" hirit ni Gabby sabay sara ng pinto sa banyo.

"Pipili rin sila ng King of the night, para sa pinaka presentable at gwapong mag aaral doon sa ball." dagdag pa ni Rycen.

"Hoping pa si Jopet na makuha iyan. Lalong imposible sa amin iyan." ang muling hirit ni Gabby na nakalawit ang ulo sa banyo.

"Taena, isarado mo nga yan. Ang baho. Amoy tae ng baboy!" ang sigaw ko naman sa bato ng unan dito.

"Ikaw na nga lang nakiki amoy, ikaw pa tong galit"

tawanan..

Pero bigla rin akong sumeryoso..

"Oh bakit bigla kang natahimik Jop?" puna ni Rycen.

"Wala, eh hindi nalang ako aattend dyan sa graduation ball, sino naman ang makikipag sayaw sa akin. Tiyak na magiging bulaklak lang ako sa pader." sagot ko.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon