PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Imbisibol
AiTenshi
Aug 17, 2016
Part 15
"Naka handa na ang hapunan. Bumaba na kayo dyan sa itaas mga boys." ang pag tawag ng mama ni Gabby mula sa ibaba ng hagdan.
"Nandyan na maaa." sigaw naman ni Gabby kaya mabilis kaming bumaba ng kusina.
"Mga bata, pag pasensyahan nyo na ang hapunan, hindi kami masyadong nakapag handa. Biglaan kasi ang iyong pag uwi." naka ngiti wika naman ng papa ni Gabby na sumalubong sa amin sa sala.
Noong makarating kami sa kusina ay halos masinok kami sa dami ng pag kain sa lamesa. May mga gulay, sariwang prutas, at may buong lechon baboy pa sa gitna. Hindi nakapag tataka kung bakit lumobo ng ganito si Gabby. "Ang dami ah, fiesta po ba?" ang tanong ni Rycen.
"Kung tutuusin ay kulang pa nga yan kay Gab hano. Ewan ko ba naman sa anak ko na yan. Ginagawang bestfriend ang kanin." biro ng mama nya. Nakapag tataka lamang dahil balingkinitan ang katawan nito at ang kanyang asawa naman ay maselan at maganda ang katawan. Anyare sa anak nila? Mukha eksakto nga talaga ang term na "napabayaan sa kusina" itong si Gabby.
"Ikaw iho, gwapo ka. Baka gusto mong mga artista? Marami akong kilalang direktor dito sa probinsya." ang wika ng papa ni Gabby noong makita si Rycen na umuupo sa kanilang harap.
"Oo nga bro bakit hindi ka mag artista. May K ka naman dahil gwapo. ka." wika naman ni Gabby habang abala sa pag sasandok ng kanin. "Eh kami ni Jopet papa, pwede ba kami mag artista?" dagdag na tanong nito.
"Mga anak hayaan nyo na si Rycen sa pag aartista. Mag focus na lamang kayo sa inyong pag aaral." natatawang sagot naman ng papa nya na may nakakalokong ngiti.
"Naku ewan, kapag magandang lalaki ay aalukin nyong mag artista, pag dating naman sa amin ni Jopet ay mag aral nalang mabuti. Nasaan ang hustisya? Nakakainis ka talaga papa." ang pag mamaktol ni Gabby sabay kurot sa lechon.
Tawanan..
"Salamat nalang po tito, pero sa ngayon ay kailangan ko munang tapusin itong pag aaral ko. Ipinangako ko kasi sa papa ko bago siya pumanaw na gagraduate ng college at mag pupundar ako ng maayos na buhay sa hinaharap. Sa ngayon po ay iyon muna ang priority ko." ang wika ni Rycen habang naka ngiti.
"Ikalulungkot kong malaman na wala na ang iyong ama. Sa tingin ko ay isa siyang mabuting magulang dahil hinubog ka nya na maging isang mabuting tao. Hanga ako sa sinabi mo iho. Sana lahat ng kabataan ay ganyan sa iyo." ang wika naman ng papa ni Gabby sabay tapik sa balikat ni Rycen.
Noong mga oras na iyon lihim akong napatingin kay Rycen, naka ngiti ito ngunit bakas sa kanyang mukhang mata ang kalungkutan. Nais ko siyang yakapin o kaya ay iparamdam na hindi ko sya pababayaan. Lalo ko lamang ipinangako sa aking sarili na tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya. Basta ggraduate kami ng sabay mag kasamang hahanap ng trabaho para makatulong sa aming pamilya.
"Mabait yung papa ni Gabby, lalo ko lang tuloy namimiss si papa." ang wika ni Rycen habang naka upo kami sa balkunahe ng silid.
Malamig ang hangin na humahaplos sa aming mukha. Sinabayan pa ito ng malamlam na pakiramdam at ibayong kalungkutan na siyang nag paigting ng aming mga damdamin.
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomanceAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.