Imbisibol Part 45

6.8K 299 7
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 45

Kinagabihan, matapos ang hapunan ay niyaya ako ni Kerby na maupo sa tabing dagat upang mag pahangin. Hindi naman ako tumanggi sa kanyang pag anyaya dahil naisip ko na ito na rin ang pag kakataon upang makausap ko siya ng seryoso. Umupo ito buhanginan paharap sa alon humahalik sa pampang ng karagatan.

Malamig ang hangin..

Walang ibang maririnig kundi ang alon ng tubig sa aming harapan.

At kapansin pansin din yung tatlong bote ng alak sa kanyang tabi.

"Mukhang seryoso tayo ah." biro ko kay Kerby habang umuupo sa kanyang tabi.

Ginusot niya ang aking buhok at tumawa. "Ito ang pinaka paborito kong parte ng outing natin. Yung mag pahangin habang naka tanaw sa kalawakan." ang sagot nito.

"Maganda.. at napaka romantiko. Sayang no, hindi mo kasama ang gf mo." ang tugon ko habang naka tanaw din sa maaliwalas na kalangitang napapa libutan ng butuin. "Bakit mag hahanap pa ako ng gf eh nandito ka naman sa tabi ko." sagot nya.

"Eh hindi naman ako babae." pag mamaktol ko naman dahilan para matawa muli ito. "Wala naman akong sinabing babae ka tol. Ang ibig kong sabihin ay masaya ako na kasama ka ngayong gabi. Kaya hindi na ako nag hahanap pa ng kahit na sino."

"Ahh, hehe akala ko naman kung ano na." tugon ko bagamat mayroon talaga akong nais itanong sa kanya. Hindi ko lang alam kung paano at saan ko sisimulan.

Walang imikan..

Pareho kaming naka tanaw sa kawalan..

"Salamat pala sa pag tulog mo sa akin sa iskul. Ang akala nga ni papa ay hindi ako tatagal ng 2nd year at mag hihinto na agad ako dahil tiyak daw na hindi na kakayanin ng utak ko. Bakit daw ba kasi inhinyero pa ang kinuha ko e pang matalino lang iyon. Hanggang ngayon ay wala pa ring tiwala sa akin si papa." ang wika nito habang naka tanaw sa kawalan.

"Wala iyon, ang mahalaga ay nakaka survive ka. Huwag mong isipin yung sinasabi ng papa mo dahil china-challenge ka lamang niya pero deep inside ay ipinag mamalaki ka nya. Lahat ng magulang ay proud sa kanilang mga anak, kahit na ano pang ginagawa ng mga ito, pwera lang ang drugs ha. Ang kailangan mo lang gawin patunayan sa sarili mo na kaya mo itong tapusin." ang tugon ko naman.

"Pero hindi naman ako makaka survive kung wala ka. Alam naman ng lahat na kumokopya lang ako sayo. Ikaw ang dahilan ng pag pasa ko." ang salita nito sabay tungga ng alak.

"Nag sisikap ka tol, alam ko yun. Alam kong ginagawa mo ang best mo para makapasa." ang sagot ko naman.

Tahimik..

Kapwa kami nawalan ng kibo. Ako ay naka tingin sa kawalan at siya naman ay patuloy sa pag lagok ng alak. Halos ilang minuto rin kami sa ganoon posisyon.

Hindi pa rin siya umiimik. Itinuloy lang niya ang pag inom alak hanggang sa maubos na nya yung dalawang bote. "Buong buhay ko ay laging nalang ako kumakapit kung kani-kanino para makasurvive. Naalala ko tuloy nung high school ako, may niligawan akong baklang matalino para lang makapasa at maka graduate. Syempre noong nalaman kong crush nya ako ay hindi na ako nag patumpik tumpik pa agad kong inakit at siniguradong maadik siya sa akin. Wala namang nawala e, chupa chupa lang ang labanan. Nung naka pasa na ako ay hindi ko na siya pinansin pa. Wasak na wasak ang loko. Ayun nagalit sya sa akin at sinabihan akong isang mangagamit. Natawa lang ako, parehas lang naman kaming nag gamitan. Iyon naman talaga ang laro sa mundong ito, gamitan lang." ang salaysay ni Kerby at muli nanaman itong tumungga ng alak. Alam kong may tama na ito kaya't kung ano ano na ang sinasabi.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon