Imbisibol Part 38

6.6K 319 13
                                    

Author's note: Wala akong fb account, yung dati ay matagal nang deactivated. Wala rin akong Page sa FB. Ito ang account ko at dito nyo lamang ako makaka usap. Yung mga nag lipana sa FB na nag papakilalang ako ay ipag bigay alam nyo muna sa akin bago patulan.

-------------

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 38

"Jopet gising!! May dinala ako para sayo!" ang excited na wika ni Gabby sabay lundag sa kama kung saan ako naka higa.

"Si Rycen ba iyan dala mo?" ang tanong ko habang naka pikit.

"Gago! Syempre ay hindi. Nandoon si Rycen sa gym at nag papa try out. Iba itong dala ko." ang kinikilig na boses nito.

"Ayoko nyan.. Hindi naman pala si Rycen iyan e." ang sagot ko sabay dapa.

"Hala, hinang hina ka naman. Parang nawalan ka nang ganang mabuhay dahil lang sa dinedeadma ka ni Rycen nitong nakakaraang linggo." hirit niya habang pilit akong pinapaharap. "Huwag kana mag inarte dyan Jopet. Tingnan mo itong dinala ko."

"Si Rycen ba yan?" ang muli kong tanong.

"Ano kaba wala nga si Rycen dito nandoon sa gym si mokong. Bumangon kana dyan." ang pangungulit nito.

Pinilit akong ibangon ni Gabby, nariyan yung pinagulong nya ako sa kama, hinila, pinagulong ulit at inikot ikot hanggang sa mapaharap ako sa kanya. "Ano bang nangyayari sayo Jopet? Mamatay ka na ba?" ang tanong nito.

"Wala lang akong gana. Tinatamad ako, gusto ko lang mahiga at matulog dito sa kama buong araw." sagot ko naman.

"Mamaya kana matulog, tingnan mo itong dala ko. Taaddaaa!!" ang wika nito sabay pakita ng isang flyer.

"Ano naman iyan?" tanong ko ulit.

"Ito lang naman ay isang contest na sasalihan mo. "Musikahan 1999! Singing and Song writing competetion!" ang malakas na hirit nito.

"Eh ano naman ang mayroon dyan? Ayoko nyan.." ang sagot ko sabay dapa.

"Sayang kasi ang Cash Prize bro, tingnan mo. 12,000 pesos sa 3rd place, 16,000 pesos naman sa 2nd place at tumaginting 20,000 pesos para sa 1st place. Plus kung maganda talaga yung kanta mo ay maaari pa itong sumikat sa radyo." ang pang eenganyo ni Gabby.

"Matatalo lang ako dyan. Hindi naman pang contest yung boses ko." ang sagot ko.

"Wala naman sa taas o baba ng boses ito. Nasa pag kanta iyan bro. Saka maganda yung boses mo, mayroon itong angkop na laki at kapal kaya pipili lang tayo ng piyesa na nababagay sa uri ng instrumento na mayroon ka." paliwanag nito.

"Kahit na, ayoko pa rin." tugon ko habang naka subsob ang mukha sa unan.

"Ganoon ba? Hay sayang naman. Birthday pa naman ni Rycen sa susunod na buwan. Kung mananalo kahit anong place ay maaari natin siyang bigyan ng birthday party. Hindi pa naman nakakatikim ng matinong birthday celebration yung mokong na iyon dahil tuwing mag bibirthday siya ay walang pasok o kaya ay natataong examination day. Hayy sige kung ayaw mo ay ayos lang.." ang malungkot na salita ni Gabby sabay tayo at umalis sa aking tabi.

"Tekaaaa, bakit di mo sinabi sa akin agad na birthday ni Rycen next month. Akin na nga iyang flyers." ang pag babago ng aking isip.

"Ayos, sabi na nga ba e mag babago ang isip mo kapag sinabi ko iyon."

"Paano bang sumali dito?" ang tanong ko.

"Dont worry bro dahil nairegistered na kita kanina pa. Ang kailangan nating gawin ay mag pakita sa araw ng contest at mag entry ng performance. Napirmahan ko na rin yung form mo kaya okay na!"

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon