PAUNAWA
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Imbisibol
Season 2
AiTenshi
Part 40
Kinabukasan, pag pasok ko pa lamang sa gate ng campus ay naka display na dito ang isang malaking tarpaulin na pinag kakaguluhan ng lahat ng mag aaral.
Ito ay ang larawan kong naka suot ng barong habang hawak ng tropeyo at checke ng cash prize kahapon. "Congratulations Mr. John Peter Guzman. Musikahan 1999 Grand Champion."
Nangiti ako sa aking nakita, ganito pala ang feeling na mayroon kang na accomplish na isang bagay. Nakakaproud at masarap sa pakiramdam. Sa isang iglap ay nag bago ang buhay ko sa loob ng campus. Ang lahat ay kilala na ako, kahit saan ako mag punta ay may bumabati sa akin na mga mag aaral mula sa 1st year hanggang 4th year. "Instant celebrity kana Jopet, biruin mo ay ang daming nag papadala ng cards at mga sulat na naka lagay sa stationary doon sa dorm natin. At heto mga lalaking secret admirer mo daw sila. Syempre pag mga pag kain ay sa akin ha." ang natatawang wika ni Gabby.
Tawanan..
Hindi ko akalain na ang pag sali ko sa contest na iyon ay mag bubukas sa akin ng katakot takot na opportunidad. At makalipas nga ang ilang araw ay nag recording naman ako bilang isang freelance artist. Layon nga "musikahan 1999" na patugtugin sa radyo ang aking awitin dahil tiyak na makakarelate daw ang mga kabataang pinoy sa lyrics ng naturang kanta.
Natural lamang ang pag kakaroon ng taong hinahangaan at kung minsan nga ay hindi tayo nabibigyan ng atensyon ng mga ito sa kabila ng limpak limpak na effort na ginagawa natin sa kanila. Iyan ang naging konsepto ng kantang "Imbisibol." Ang awitin ang siyang nag sasalita para sa mga taong nag mamahal at nasasaktan ng patahimik. Nag bibigay ng pag mamahal sa isang mahalagang tao ngunit wala silang nakukuhang sukli sa mga ito.
Si Gabby naman ang tumayong manager ko, lahat ng transaksyon ay siya ang gumagawa kabilang na rito ang talent fee at ilang guestings para sa akin. "Grabe tol, isang recording lang ay 30,000 pesos na agad ang kinita mo. Hanep.. Yayaman ka nito." ang bulong nito habang nag bibilang ng pera sa loob ng aming silid.
"Ano ka ba, hindi lang naman sa akin iyan. Hati tayo dahil ikaw ang nag pakahirap para makipag usap sa mga taga musikahan. Para saan pa at naging mag bestfriend tayo at naging manager kita?." ang wika ko naman sabay abot sa kanya ng sobre na nag lalaman ng kalahati ng kinita ko.
"Wow, ayoko talagang kunin pero business is business kaya sige na nga. Mawawalan ng bisa ang pagiging manager ko kung hindi ko ito kukunin." ang wika nito at nag tawanan kami.
"Parang gusto ko na nga maniwala na totoo yung hula noong mamang nag benta sa atin ng magic cream. Ang sabi nya ay g-gwapo ako at magiging popular. Nag kataon lang kaya iyon? O gawa gawa lamang niya upang makabenta?" ang natatawa kong tanong.
"Naku ewan ko doon sa mamang iyon. Hindi ako naniniwala sa mga hula dahil ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong kapalaran. Kung ano ka ngayon ay dahil sa husay at talento mo, walang nagagawa ng hula dito." ang sagot niya.
"Kung sa bagay ay tama ka doon tol. Basta ang next na aayusin natin ay ang party ni Rycen sa susunod na linggo. Kahit naman malaki ang tampo ko sa mokong na iyon ay nais ko pa rin siyang makitang masaya." ang wika ko naman.
"Martir lang Jopet. Pero sige, kaya ka naman talaga sumali dyan sa pa contest na iyan ay para mabigyan ng birthday celebration iyang si Rycen eh. Sige suportahan taka." sagot naman ni Gab.
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomanceAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.