PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Imbisibol
Season 2
AiTenshi
Part 24
"So ayun ang issue, pinaka kopya mo yung si Kerby Tuazon kaya ito naka kuha ng mataas na score kahapon?" ang pag lilinaw ni Gabby habang kumakain kami sa canteen ng ibang department.
"Sya naman ang tumabi sa akin para kumopya." depensa ko sa aking sarili.
"Kaya naman pala e. Alam mo ba iyang si Kerby kanina, pinag mamalaki yung score nya doon sa Engineering Chemistry, siya daw kasi ang highest. Mayabang talaga ang mokong na iyon." ang tugon ni Gabby.
"Ako ang highest doon at hindi sya." ang wika ko habang kumakain ng pansit ng biglang akong batukan ni Gabby. "Arekupp. Bakit ba?" galit kong tanong.
"Mag tago ka sa ilalim ng lamesa. Hayan sila Rycen palapit na dito. Dali naaaa." ang wika nito kaya naman agad akong sumuot sa ilalim nito. Mabuti nalang dahil mahaba ang mantel kaya't di ako makikita agad.
Edi ayun nga pumasok sa canteen si Rycen kasama yung mga new found friends nya sa varsity. "Oi bro bakit nandito ka?" tanong ni Gabby noong tumapat ito sa kanya.
"Tol ikaw pala. Puno kasi doon sa canteen natin kaya lumipat kami dito. Teka sinong kasama mo? Gusto mo sabay tayo kumain?" ang tanong nito.
"Ah eh, wala akong kasama." wika ni Gabby tila yata nakalimutan niya na sasabay sa kanya si Rycen para kumain kaya naman kinurot ko ang paa nito. "Arekuppp! Ahh wala akong kasabay pero sa akin pa rin yang pansit na yan. Palit palit lang ako. Pag katapos ko dito ay uupo naman ako dyan para kainin ang pansit na yan. Palipat lipat lang ganon." ang magulong sagot nito kaya naman napakamot ng ulo si Rycen.
"Ah teka, kamusta pala si Jopet?" ang tanong nito.
"Okay naman siya." sagot ni Gabby sabay kain ng puto.
"Eh nasaan sya ngayon? Nag aaral ba sya?" tanong nito.
"Um ummm dont talk when your mouth is full." ang sagot naman ni Gabby at muling kumain ng tinapay para mapuno ang kanyang bibig.
Napakamot ng ulo si Rycen at aktong uupo sa ito sa aking silya noong biglang dumating ang si Kerby sa canteen kasabay ang ilang player ng basketball. Hawak hawak pa rin nya yung quiz namin kahapon at ipinag mamalaki sa mga nakaka salubong. "Oyy pareng Rycen kamusta? Nga pala highest ako sa Engineering Chemistry kahapon. 25/30, galing ko no?" pag yayabang nito.
"Ayos pala. Kanino ka ba nangopya?" tanong ni Rycen.
"Wala naman. Pero mayroon akong angel na kaklase. Sya ang tumulong sa akin." wika ni Kerby habang naka ngiting aso.
"Anghel? Sino naman iyon?" tanong ni Rycen.
"Eh hindi ko alam ang pangalan nya basta anghel ang tawag ko sa kanya kahit hindi naman sya mukhang anghel." ang wika nito.
"Itago mo nalang iyan pare. Saka mo nalang ako yabangan ng mataas na score kapag ikaw na ang gumawa. Yung walang tulong ng iba." wika ni Rycen.
"Aba, yabang mo ah. Kung mag salita ka ay parang kung sino kang matalino! Eh bobo ka rin naman. Ang balita ko kaya ka lang nakapasa ng high school dahil mayroong baklang tumulong sayo!" ang galit na salita ni Kerby kaya naman nagalit si Rycen at hinablot ang kohelyo ang kausap. "Gago ka! Huwag na huwag mong idadamay dito ang nakaraan ko!" ang galit na sagot nito.
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomanceAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.