Imbisibol Part 18

6.6K 294 11
                                    

Imbisibol

AiTenshi

Aug 19, 2016

Part 18

Naging ordinaryo sa akin ang bawat araw na dumaraan. Nag focus nalang ako sa pag aasikaso ng clearance ko para sa darating na graduation. Iniwasan ko na rin si Rycen at ang mga kaibigan niya bagamat labag sa aking kalooban ang bagay na iyon. Siya ang nag papasaya sa akin, siya rin ang bumubuo sa aking araw at siya rin ang aking inspirasyon. Pero ngayon ay iba ang sitwasyon dahil unti unti ko nang pinag aaralan na alisin siya sa aking buhay. Yung mga bagay na nakasanayan ko ay pilit kong binabago at tinatakasan.

May mga oras na nag kaka salubong kami ni Rycen sa classroom, sa hallway at sa canteen ngunit iniiwasan ko ito o kaya hindi kakausapin. Minsan naman ay nakikita ko siyang naka titig sa akin habang nangungusap ang mga mata na para bang isang maamong tuta ngunit hindi ko naman ako nahuhulog sa mga tingin niyang nakaka lusaw. Basta kunwari ay wala akong nakikita.

Kung tutuusin ay wala naman na siyang kailangan sa akin dahil halos tapos na ang school year. Wala nang projects, quiz o requirements kaya't hindi na nya kailangan pang manuyo para matulungan ko siya. Tapos na rin ako sa mga pang huhusga ng kaibigan nya kaya't mas mainam pang ganito nalang kami. Mas tahimik at walang sakitan.

"Abah, mukhang seryos ka dyan sa pag iwas mo kay Rycen ha. Biruin mo 1 week mo na siyang dinededma at binabale wala. Talagang kinareer mo pag layo para hindi ka lang masabihin na maagang bumibigay no?" ang pang aasar ni Gabby.

"Wala naman na siyang kailangan sa akin. Ang ibig kong sabihin ay tapos na ang pang gagamit niya. Tapos na ang projects, quizes at exams." sagot ko naman

"Naku, nag iinarte ka nalang Jopet. At tapos na rin ang pagiging espesyal nya sa mata mo ganoon ba?"

Natingin ako sa kanya at hindi agad nakasagot. Para bunusalan ng kung ano ang aking bibig. "Eh ewan ko. Baka after shock nalang itong nararamdaman ko."

"After shock? Ano iyan lindol? Naku tigilan mo nga ako Jopet. Pansinin mo na si Rycen dahil balita ko ay madalas itong mag lasing at umaalis pa ng dorm sa hating gabi."

"Oh anong kinalaman ko doon? Malaki na sya. Alam nya ang ginagawa niya."

"Oo nga naman. Pero malamang ikaw ang dahilan ng kalungkutan niya. Gusto mo ba siyang nakikitang nag susuffer ng ganoon?"

"Basta bahala na siya. Kung anong pakulo nanaman iyang pag lalasing niya. Wala na siyang makukuha sa akin. Said na said na ko! Wala na kong maibibigay sa kanya."

"Abah, may ganoong drama? Ano ka rape victim? Kung mag salita ka ay parang na gang bang ka ng mga barkada ni Rycen ah. Tigilan mo nga ako Jopet. Umayos ka. Alalahanin mong dalawang linggo nalang ay Graduation na. Huwag mong bahiran ng sama ng loob ang pag tatapos natin. Alam kong hindi rin siya magiging masaya sa graduation dahil ang taong dahilan ng pag survive nya dito sa campus ay may galit sa kanya. Mabigat sa damdamin iyon Jopet."

Natahimik ako sa mga sinabi ni Gabby. Pakiramdam ko ba ay hinataw ako ng matigas na bagay sa aking ulo dahilan para hindi ako maka sagot agad. May tampo kay Rycen at hindi naman basta basta mawawala ito. Kahit sino naman ay masasaktan sa mga salitang narinig ko, hindi tamang husgahan nila ang aking pag katao batay sa pag bibigay ko ng kabutihan sa iba. Nakakasama talaga ang loob iyon.

Dalawang linggo nalang at sasapit na ang araw ng aming graduation. Noong mga sandaling iyon hindi ko na nasilayan si Rycen sa campus. Ang sabi ng ibang ka dorm niya parating itong umaalis at umuuwi ng hating gabi. Minsan lasing at minsan ay wala sa sarili. Nais ko sana itong kausapin ngunit halos dalawang araw ko na siyang hindi nakikita.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon